CHAPTER 76

240 20 7
                                    

Lumipas ang dalawang araw at sa dalawang araw na iyon ay inabala ko ang sarili ko sa mga gawain. Iniiwasan kong mastress lately lalo na at panay ang pagsipa ng anak ko. Iniiwasan ko rin si Captain Lioung Gu at alam kong ramdam niya ang pag iwas ko. Kung wala lang magtatangka sa buhay namin ng anak ko ay nagpakalayo-layo na ako. Hindi ko na kakailanganin pa na mag stay rito.

Nag stay lang uli ako sa hardin para magpalipas oras. Halos lumago na mga halaman sa pangangalaga ko at sa lahat ito lang ang maganda sa mansyon na ito. Sa loob kasi nakakbagot na. Minsan dito n ako sa hardin nag susulat.

Habang nag mumuni-muni ay hindi ko mapigilang mag reklamo sa anak kong nasa loob pa ng tiyan ko. Natutuwa ako kapag wala si Rios. Feeling ko napaka payapa ng araw ko.

"That Rios is giving me a headache" bulong ko kasabay non ang pag sipa ng anak ko mula sa loob ng tiyan.

"Hey. Don't do that again honey.  Ginugulat niyo ang mommy" natatawang saad ko. Napaatras ako nang muli itong sumipa sa tiyan ko pero sa pag atras ko ay may humawak sa magkabilang balikat ko.

Nilingon ko ang taong iyon at ang taong iyon ay ang ayaw ko pang makita. Napairap na lang ako at inalis sa pagkakahawak ang mga kamay ni Rios sa balikat ko.

"Be careful next time. Delikado kung madulas ka" saad nito na may bakas ng pag-aalala sa mata pero agad din itong nawala.

"I'm doing this for the baby" saad nito at tumalikod.

"Lunch is ready" dagdag pa nito at naglakad papalayo.

Sinundan ko si Rios patungo sa loob hanggang sa makarating kami sa dining area at tanging kaming dalawa lang ang naroon.

"Go and eat" saad ni Rios at ipinag hila ako ng upuan na ikinakunot ng noo ko.

Binigyan ko lang siya ng nagtatakhang tingin pero sinenyasan niya lang ako na umupo at dahil wala akong gana makipag talo sa kanya kaya umupo na lang din ako. Gusto ko lumipas ang araw na ito nang walang sakit sa ulo. Kaya sa abot ng makakaya ko ay iiwasan kong makaaway itong si Rios.

"I'm doing this for the baby. Baka madulas ka pati sa pag upo" saad nito nang makaupo ito sa dulo ng mesa. Kumuha ako ng pagkain at inilagay sa pinggan ko at hinayaan na  lang ang presensya niya.

Gusto ko na makabalik sa amin. I hope gumawa uli si mama ng lagusan pabalik sa amin. Sana pala tinanggap ko agad noong kinukuha na ako ni mama. Hindi na dapat ang nag stay dito edi sana nakaligtas pa kami g mga anak ko. Should I give up my child to them? Sa susunod na buwan ay manganganak na ako. Dapat ba ay iwnan ko na lang sila sa mundong ito at umalis na? Am I too selfish? Pero kahit naman kasi ano ang gawin ko ay kukunin at kukunin nila ang anak ko. Tao lang ako na walang kapangyarihan sa mundong ito. Hindi ko kaya kung sakaling kalabanin ko si Rios.

"Wow! Lunch na pala, hindi mo naman sinabi agad na nakapag luto ka na Alfredo" saad ni Atreus na kararating lang.

"What? Hindi ako nag luto no!" saad ni Alfredo. Lahat sila ay napatingin sa akin at parang kinakabahan.

"What?" saad ko.

"Nag luto ka? Baka mapahamak ka Sera!" saad ni Alfredo.

"Hindi ako ang nag luto. Inaya lang ako ni Rios kumain" saad ko kaya lahat sila ay napabaling ang tingin kay Rios.

"I'm doing this for the baby"

"He did it for the baby"

Halos sabay na saad namin ni Rios dahilan para magkatinginan kaming dalawa pero agad ko itong inirapan. Napahawak ako sa tiyan ko nang malakas na sumipa ang anak ko na para bang alam nito kung ano ang nangyayari.

"Tara kain na tayo. Para sa baby nila Sera" saad ni Alfredo.

Nag simula kaming kumain nang tahimik at ramdam ko na pinapakiramdaman namin ang bawat isa. Alam nila na hindi pa rin ako okay sa lahat. Medyo nag w-worry na rin ako para sa anak ko. Wala pa pala silang mga gamit para sa pag labas nila lalo na at sigurado akong by next month pwede na sila lumabas anytime. 

"Alfredo, I need your help" pagbasag ko sa katahimikan.

"Ako?" saad nito.

"Hindi, yung nasa likod mo" saad ko at umirap.

"Gusto ko ikaw mmagpa anak sa akin. By next month anytime ay manganganak ako. Hindi natin napaghandaan ito dahil naging busy tayo lately. I will train you kung paano magpaanak at kung pwede sana wag ka na muna sumama sa kanila" saad ko.

"Sure Sera" saad nito kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa.

"Kelan tayo magsisimula?" tanong ni Alfredo.

"Siguro mamayang hapon" saad ko.

"Reid I need your help too. Wala pang mga gamit ang mga anak ko. Kailangan nila ng mga damit at crib" saad ko.

"Why me? Ang tatay ang gumagawa non" saad ni Reid at tinignan si Rios.

"I'll do it" saad ni Rios at tinignan ako pero agad akong umiwas ng tingin.|

"Atreus, need ko help mo to make instruments. Don't worry may book ako na ginawa at kung ano ang magiging histura ng gamit. Alfredo wil need it sa pag papaanak sa akin" saad ko.

"What else?" saad ni Rios.

"Ihanda mo lagusan ko. After ko manganak aalis na ako" saad ko na ikinatigil nila sa pag kain.

Lahat sila ay nakayuko maliban kay Rios na parang binabasa ang isip ko kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. I smiled at pinaramdam sa kanila na seryoso ako sa sinabi ko.

"You can't" saad ni Rios.

"Yes, I can. There's nothing you can do to stop me." saad ko at nilapag ang mga kubyertos.

"Our child requires breastfeeding" saad ni Rios.

"Oh, akala ko ba ang usapan natin pagkatpos ko manganak ay uuwi ako. Since naibigay ko na ang kailangan ng mundo niyo, bakit hindi mo ibigay sa akin ang kailangan ko? Kung hindi mo kaya pwes ako mismo ang mag hahanap ng paraan para makabalik sa amin" saad ko at tinapos ang pagkain ko.

"I'm done. Thank you sa lunch, nagustohan ng mga anak mo" saad ko at tinignan siya.

"Our children cannot thrive without you nursing them." saad ni Rios saka nakipag titigan sa akin.

"Hindi ko na problema 'yon Rios. Sana naisip mo yan bago mo ako buntisin" natatawang saad ko.

"I see. Sana naisip mo rin yan bago nagpabuntis" saad nito at ngumiti. Nakaramdam ng inis dahil sa sinabi nito at para bang pinapabalabas niya na hindi ako nag iisip bago ko gawin ang bagay na iyon.

"Oh, It's not my fault for falling in love with someone who isn't deserving." saad ko at muling ipinag patuloy ang pag kain ko. Kahit pa marami na ang nakakain ko ay hindi ko pa rin maramdaman na busog ako. 

"Don't leave. Stay in love with me and we will make more children as much as we want" saad ni Rios at halos lahat kami ay napa ubo sa sinabi nito.

"Tubig tubig" saad ni Alfredo at umubo ng ilang beses. 

"Hindi pa nga nanganganak naisipan agad gumawa ng bago" nauubong saad ni Atreus at nilagok ang isang baso ng tubig. 

Pinamulahan ako ng pisngi at umiwas ng tingin kay Rios. I excused myself because I felt embarrassed. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o pinag lalaruan niya na lang talaga ako. Siguro ay excuse na lang din niya iyon para mag stay ako ng ilang buwan para magpabreastfeed after ko manganak. Hindi rin naman din kaya ng konsensya ko na iwanan ng ganon ang mga anak ko. Sinabi ko lang iyon para iparamdam sa kanila na hindi ko na gusto manatili rito. 

Dahan-dahan akong umupo sa kama ko nang makarating sa kwarto at napahawak sa dibdib ko na malakas ang kabog. Grabe ang epekto ni Rios sa akin. Kahit pa madalas kami mag away ay hindi ko pa rin maitatanggi na gusto ko siya. It's just, I can't find the old Rios who cares for me noong nasa kaharian pa kami ng Ethernal Light.


In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon