CHAPTER 18

2K 124 6
                                    

"What happened?"

Napalingon kami kila Rough at sa dalawang hari na kakarating lang. Kasunod nito si Franklin at Maricar. Si Aruelo na ang nagpaliwanag ng lahat dahil hindi ko masikmura ang nakita ko. Sa buong buhay ko never ako nakakita ng ganon. Ngayon lang! Tangina hindi na birhen ang mata ko.

"Balaan niyo ang lahat na h'wag pumunta sa parte ng gubat na 'to." saad ko sa kanila habang tinignan ang daan-daang marijuana na nakatanim. Sa pattern ng pagkakatanim nito ay halatang pinasadya. Paniguradong may nagmamay-ari ng mga halamang ito. Kaya siguro dito siya nagtanim dahil wala nang nagpupunta dito sa South dahil sa kumakalat na sakit. Ang talino niya sana kaso, may nakakita na.

"Bakit?" tanong ng tatlong tanga na Hari kuno.

"Masama ang halaman na yan para sa mga taong nandito. Nakakawala sa katinuan ang mga halaman na yan" saad ko na ikinatango ng tatlong hari.

" Aruelo samahan mo ako kay Arthur" saad ko pero kumunot naman ang noo ni Aruelo.

"Arthur?" tanong nito.

"Yung may eye patch. May itatanong lang ako sa kanya" saad ko.

"It's Atreus, not Arthur" natatawang saad ni aruelo.

"Sera sandali, anong balak mo sa mga halaman na ito?" tanong ni Rough.

"Saka ko na iisipin yan. Sa ngayon ay pigilan niyo ang mga pupunta dito" saad ko at hinila si Aruelo. Bago pa kami umalis ay nakita ko pang lumingkis si Franklin kay Rough at bakas sa mukha nito na nang-iinggit siya. Inis ko itong inirapan bago nilisan ang lugar na 'yon.



"What brings you here, princess?" tanong ni Arthur ng makapasok kami sa kwarto nito. Nakahiga ito sa kama at walang damit na pang itaas. Ang ibaba nito ay may kumot at may hulma ng tao sa ilalim nito. Tangina ang laswa.

"Do you like it, Sera? Damn! This xfemale's mouth is good at sucking" saad nito habang tumitirik ang mata. Tangina uso ba kadugyot-an ngayon?

"Ikaw ba ang nagtanim ng mga marijuana sa gitna ng gubat?" diretsang tanong ko. Tulad ng sinabi niya kahapon ay co-incidence na nandoon kaming lahat.

"What a clever woman! Hindi siya nagkamali ng pagpili sa 'yo. Ohh, Damn! It feels so nice!" saad nito. Nilingon ko si Aruelo na blangko lang ang expression ng mukha. Hinila ko ito paalis ng kwarto nung baboy na 'yon. Paglabas namin ay nawalan ako ng balanse. Muntikan na akong matumba, buti nalang nandiyan si Aruelo.

"You look pale, Sera. Magpahinga ka muna" saad ni Aruelo at binuhat ako papasok sa kwarto ko. Tinanggal nito ang nakataklob sa ulo ko at maging ang face mask ko saka marahang sinuklay ang buhok ko. Inihiga ako nito sa maliit na kama at kinumutan. Umupo ito sa maliit na bangko at napabuntong hininga ito. Napatulala ako sa kawalan dahil sa bigat ng nararmdaman ko.

"Aruelo, nasasaktan ako dito" saad ko at itinuro ang dibdib ko.

"Hindi ko alam kung bakit ako pa ang napiling mapadpad sa mundong ito, pwede namang iba nalang. Yung mas malakas sa akin" mahinang saad ko pa.

"Kung ganon ay nagsisisi ka na napunta ka dito?" tanong nito at agad naman akong tumango.

"Kung ganon ay nagsisisi ka rin na nakilala mo kami" saad nito at mapait na ngumiti na ikinahinto ko. Nilingon ko siya at muling tumango.

"Oo, nagsisisi ako na nakilala ko kayo. Nagsisisi ako na naging malapit ako sa inyo. Dahil nahihirapan akong pumili kung mananatili ba ako o babalik sa mundo ko" saad ko at mapait na ngumiti.

"Aruelo, paano kung mamatay ako sa mundo niyo? Paano kung mamatay ako ng hindi nakikita ang kapatid at mama ko?" saad ko.

"Nagtatapang-tapangan lang ako pero sa totoo niyan ay natatakot ako na baka mamaya mawala ako. O kaya ay bukas, o sa susunod na mga araw." saad ko na ikinahinto nito.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon