CHAPTER 27

1.9K 123 44
                                    

Tinitigan ko lang ang pagkain at tubig na nilapag sa harap ko. Pagkatapos ilapag ni Kapitan Lioung Gu ang pagkain ko ay malungkot itong tumingin sa akin bago ikandado ang pinto. Ngumiti lang ako sa kanya pero hindi ko ginalaw ang pagkain ko.

"Kumain ka na Lady Sera" saad nito.

"kakain pa, mamamatay din naman" natatawang saad ko.

"Oh bakit? Totoo naman ah" dagdag ko pa ng titigan ako nito.

"Kumain ka para may lakas ka Lady Sera" saad nito.

"May lakas na alin? Mamatay habang pinapanood ako ng lahat?" saad ko.

"Tutulungan kitang makalaya Lady Sera. Kapag napapayag ko si King Rhay" saad nito na ikinatawa ko. Talaga lang? Si Rhay papayag? Tangina baka nga tuwang-tuwa na 'yon kasi mamamatay na ako eh. Siyenpre magkakapamilya na siya, tapos ako panira sa kanila dahil pinipilit ko lagi sarili ko sa kanya.

"Salamat sa tulong mo Captain Gu. Saludo ako sa 'yo pero wag ka na makisali sa gulo ko. Madadamay ka lang" saad ko at ngumiti.

"Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Rhay kay Francine para palitan ka niya" saad nito bago umalis.

Galit na galit kong ipinagbabato ang pagkain ko. Galit ako sa lahat, pati sa sarili ko. Galit ako sa lahat dahil pinagka-isahan nila ako. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang ipinagtanggol at hinayaan na mapunta ako sa sitwasyon na ito. Galit ako dahil mas pinili nilang paniwalaan si Franklin. Galit ako dahil pakiramdam ko ay trinaydor ako ng lahat. Hindi ko mapigilang sumigaw at nagpupumilit na kumawala sa kadena.

"Easy Sera. Mamaya ka pa mamamatay, bakit ang aga mo naman ma-ulol?" saad ni Franklin na kakapasok lang. Masama ko itong tinignan pero tinawanan lang ako nito.

"Aww, ang cute mo magalit. Kung titignan sa labas ay mukha kang matapang pero sa mga mata mo, takot ang nakikita sa 'yo" saad nito at nagsisimulang uminit ang sulok ng mga mata ko.

"Alam mo ba, nakunan ako kaninang madaling araw. Ikaw ang sinisisi nila" saad nito at tumawa.

"Mapapalaya ka sana kasi walang sapat na ebidensiya, kaso napaaga ang pagkakakunan ko. Oops! Mukhang wala ka na pagasa" dagdag nito pero sinamaan ko siya lalo ng tingin.

"Ahh, I'm afraid. Natatakot ako sa deadly stare mo" mapang asar na saad nito.

"Pero dapat sa tingin ko ikaw matakot" saad nito at unti-unting naging itim ang buong mata nito na ikina-urong ko.

"Scared Sera? Tama yan, matakot ka sa akin dahil sa mga kaya kong gawin" saad nito.

"Say something, Sera. Speechless eh? Ano ang masasabi mo sa kapangyarihan na nakuha ko mula sa Ama ni Harry?" tanong nito at tumawa saka unti-unting bumalik sa dati ang kulay ng mata nito.

"Enjoy ka muna Sera. 10:00am pa lang naman. You still have 9 hours to live" saad nito bago nilisan ang kulungan ko. 

Nagsimula akong sumigaw at pilit na kumawala sa kadena. Hindi pa ako pwedeng mamatay, yung mama ko at si Kuya. Yung mga kaibigan ko sa totoo kong mundo, kailangan ko pa silang makita. Hindi ako pwedeng mawala. Si Kapitan Gu. Sana bumalik siya. Sana itakas niya ako. Kailangan ko makawala. Natatakot ako. Takot na takot ako.


Naising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Aruelo kaya agad kong niyakap si Aruelo at nagsimula nanaman umiyak. Lahat ng nararamdaman ko ay sinabi ko sa kanya. Paulit-ulit kong sinasabi na wala akong kasalanan kahit na alam ko na hindi ito naniniwala. Panay hagod lang ito sa likod ko at pilit na pinapatahan ako.

"Sera, let's go. Itatakas kita" bulong nito at marahang hinaplos ang pisngi ko. Kinalagan niya ako at medyo gumaan ang katawan ko sa pagkatanggal ng kadena. He smiled at me, conveying a sense of reassurance as if to say that everything will be okay. 

"Aruelo, please. Aruelo save me. Natatakot ako Aruuelo. Natatakot ako" saad ko at lumuhod. 

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon