CHAPTER 14

2.5K 160 42
                                    


"Kailangan namin ang Machine mo, Kiel" saad ko ng makaupo kaming lahat. Katabi ko si Rough at ang dalawang pinsan ko ay naka-upo sa tabi ng dalawang Hari. Si Rough lang pala ang hindi pa Hari dito?

"It's Yael, not Kiel" saad ng Hari na ikinatango ko.

"Mamaya na natin pag-uusapan yan, Sera. May mga katanungan pa kami" saad ni Rough na ikina-irap ko.

"Ibig sabihin ay Diyos din kayong dalawa?" kunot noong tanong ni King Darwin? Alladin? Ah basta!.

"Sino naman ang nagsabi niyan?" tanong ni Maricar.

"Si Francine" saad ng Hari.

"Francine hindi mo sinabi na mula tayo sa ibang mundo? Anong Diyos? Hindi tayo Diyos!" saad ni Maricar.

"May iba pang mundo?" kunot noong tanong ng dalawang Hari. Si Rough lang ata ang hindi nagugulo-han. Malamang alam niya na ang lahat.

Ipinaliwanag ni Maricar ang lahat ng patungkol sa mundo namin para mas maintindihan ng lahat. Pwera lang sa amin ni Rough na hindi nakikinig dahil minamanyak nanaman ako ng hayup. Panay ang pagtapik ko a kamay nito na patuloy sa paghaplos sa hita ko.

"Kelan kayo napadpad dito?" tanong ni Franklin.

"5 days pa lang ako. Ang pagkakatanda ko ay siningil kami ni Aling bebang ng bayad sa upa at pinalayas kami. Habang paalis kami ay biglang tumakbo si Pinky kaya hinabol ko siya tapos napadpad ako rito. Bumungad sa akin ang daan daang sundalo at dinala ako sa Hari kasi tumakas daw ako na xfemale. Kayo ba?" mahabang kwento ni Maricar.

"3 days pa lang ako. Basta ang alam ko lang ay pagkagising ko nasa isang kwarto na puno ng ginto. Tapos nalaman ang patungkol sa akin kasi may nangyari sa amin" mahinhin na saad ni Franklin kaya tinaasan ko ito ng kilay.

Bata pa lang kami ay hindi na kami magkasundo ni Franklin. Palagi kami nagaaway kasi masyado siyang pakitang tao. Dalawa ang muka ng babaitang yan. Ang isa ay mahinhin, kaawa-awa, mala Maria Clara at mabait. Ang isa naman ay impokrita, taliwas sa mga pinapakita niya sa maraming tao. Si Maricar lang ang nakakalaro ko ng maayos.

"Ikaw Sera?" tanong nilang pareho.

"Lagpas 1 month na" saad ko na ikinagulat ng lahat. Hindi sila makapaniwala sa sagot ko pero natawa lang ako. Buti pa sila maganda bungad sa pagpunta dito sa mundo na 'to. Samantalang ako hinabol ng pitong bungisngis. Nakatulog sa maasim na bahay at hinabol ng mga rebelde. Muntik pa akong mabaril ni Rough at higit sa lahat! Muntikan mawala ang prutas ko down there.

"Gabi na non tapos iniwan ako ni Romel at Rachel sa bus kaya napalayo ako sa destination ko. Tapos biglang hinabol ako ng pitong babae kasi inagaw ko raw kasintahan nila eh wala naman akong ginagawa. Parang kasalanan ko na maganda ako duh. Paggising ko nasa maasim na bahay ako tapos hinabol ako ng mga rebelde" pagkukwento ko.

"Balak ko bumalik kasi naiwan ko bag at cellphone ko" dagdag ko pa.

"Dala ko ang cellphone ko" saad ni Maricar at hinablot ko ito agad ng ilabas niya ito. Ang tatlong lalaki ay mukang timang na nakatitig sa cellphone ni Maricar. First time pala ng mga hindot.

"Ano yan? Bomba?" tanong ni Rough. Ayan nanaman tayo sa bomba na yan.

"Wala, pakialam mo!" saad ko at sinubukan na i-dial ang number ni kuya Seraphiel. Agad lumukot ang mukha ko ng magsalita ang babae na wala kuno load.

"Ano ba yan! Wala ka pala load! Tatawagan ko sana si Kuya" saad ko.

Hindi nila ako pinansin at patuloy silang nag-uusap. Maging si Rough ay seryoso rin na nakikipag-usap sa kanila kaya lumabas nalang ako at napagpasyahang maglakad-lakad.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon