CHAPTER 32

1.9K 108 19
                                    

Inaayusan ako ng mga maids dahil kailangan ko raw magpunta sa Governance Hall. Nagtataka ako kasi bigla na lang ako hinila paalis sa kama tapos nilapag ako sa banyo. Pinaligo ako nang wala sa oras. Siyempre no choice ako kaya naligo na lang. Nagbihis din ako sa banyo at pagkalabas ko ay inayusan nila ako. Ngayon ay nilalagyan nila ng palamuti ang buhok ko tapos pinasuot ako ng maskara. Yung maskara ko ay kalahati lang, tanging labi ko lang ang makikita. Kanina ay tinanggal pa nila ang name tag ni Aruelo na suot ko kaya natagalan sila sa pag aayos. Pero sa huli ay wala akong nagawa.

"Grabe mag kasing ganda kayo ni Seraphina" saad ng maid habang inaayusan ako.

"Tapos na, Sera. Pwede ka na lumabas. Nag-aantay si senyorito Atreus" saad ng isa pang maid at tinulak ako palabas. Aba ang kakapal ng mukha.

"Ang tagal mo" bungad ni Atreus.

"Bakit nila kilala mama ko?" tanong ko kay Atreus. Kasi nakakapagtaka na kilala nila mama ko.

"Ah, ayon ba. Ipinasa kasi sa Emperor ang pamumuno sa kaharian ng Bravalian ng Ama mo. wala na magiging tagapagmana eh. Pinag merge na lang" saad nito.

"Teka saan ba tayo pupunta? Bakit pinasuot pa ako ng maskara?" kunot noong tanong ko.

"Ikaw lang naman ang kailangan. Hindi ako makakapasok sa Governance Hall." saad nito.

"Ano ba ang meron?" tanong ko.

"Nandito ang mga opisyal mula iba't ibang kaarian. May kailangan pag-usapan patungkol sa business" 

"Eh? Ano meron sa kanila? Wala naman akong alam don" saad ko.

"Ewan ko kay Reid. Pinatawag ka eh" saad nito at naglakad kami papuntang Governance Hall. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa Governance Hall. Walang nag anunsyo sa pag dating ko dahil hindi naman nila ako kilala.

"Sa ngayon ay magpapanggap ka sa pangalan na Mirasol" saad nito.

"Tangina! Bakit Mirasol? Tropa ni Maites 'yon eh" saad ko.

"Who's Marites?" tanong nito pero inirapan ko lang ito at naglakad papunta kay Reid na nakaupo sa trono nito. Nagsimulang magbulungan ang lahat patungkol sa akin siguro. Umalis na rin si Atreus dahil hindi ko naman na siya nakikita dito sa loob.

"Sit beside me, Mirasol" saad naman ni Reid na nagpakunot ng noo ko. Pinag-usapan ba nila 'to? Halata naman na pinag-usapan nila. Pucha!

"Everyone! This is my consort, Mirasol. She's not ready to show her face yet, but soon you will see her" saad ni Reid. Ang lame ha. Ako consort niya? Jusme maliit pa nga ata putotoy niya tapos magiging confindant niya ako? Palaki muna siya ano! Tsaka hindi ako papayag na maging consort dahil mukha ko siyang anak sa totoo lang.

"Emperor Reid. Shall we start now?" tanong ng isang opisyales kuno na mukhang mayabang.

Nagsimula silang magusap-usap pero ako as usual hindi nakikinig. Panay ang paglilikot ko dahil makati yung suot ko na damit. Nalabhan ba 'to? O baka sa himulmol lang 'to? Sana sa himulhol lang. Magwawala ako kapag hindi nalabahan 'to. Pucha hindi ko nabigay yung artificial eye ni Atreus. Mamaya na lang siguro kapag natapos na kami dito. Maaga pa naman eh. 

"What about you Mirasol? What can you say about Mr. Klaise idea?" tanong ni Reid na ikinahinto ko sa paglilikot.

Napatingin ako sa lahat na nagaabang sa sasabihin ko. Ano raw? Bakit ako ang tinatanong nila? Wala naman akong alam sa mga balak nila. Punyeta ano ba opinion ko? Ano ba topic nila?

"P-Pardon?" saad ko pero bakas sa mga mata ng lahat ang pagkadismaya.

"He said that mas better kapag ang ibebenta natin ang Jade Headwear dahil maraming xfemale ang may gusto non" saad ni Reid. Naiilang ako kasi parang 7 years old ang kaharap ko pero sa totoo lang ka-age ko na siya. 

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon