CHAPTER 75

1.1K 54 24
                                    

Narito ako sa kwarto at muling nagsusulat. Walang kapaguran ang kamay ko kaka sulat. Pero this time ay mas mabilis na dahil sa ballpen. Kahit sa mundo namin ay palagi akonv nagsusulat. Kaya palagi ako bumibili ballpen at kapag bumibili ako ay maramihan na. Like dalawang box or minsan ay tatlo.

Sa lahat ng sinulat ko ay ang hindi ko pa nagagawan ay ang kung paano ako napadpad sa mundong ito kaya naisipan kong isulat ang lahat starting from how I entered this world at kung sino ang mga bumungad sa akin. Sinulat ko ang patungkol sa amin ni Rough, Aruelo at lahat ng kaganapan.

I badly miss Aruelo. Siya ang pinaka totoo sa lahat. Palaging kalagayan ko ang iniisip niya. Kung may chance na mabago ko ang nakaraan, ililigtas ko si Aruelo. Hindi niya deserve na mawala nang ganon na lang. Mas lalaki pa siya sa mga lalaki.

And about sa nangyare yesterday ay hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko totoo lahat iyon dahil maging ang anak ko na nasa sinapupunan ko ay ramdam din 'yon. Maybe it's Aruelo's  soul? Since wala namang imposible sa mundong ito when it comes to magic or whatever power na yan.

Napahinto ako sa pag susulat nang bumukas ang pinto sa silid ko. Hindi ko man nakita o narinig na bumukas ito pero ramdam kong may pumasok sa loob.

Nalanghap ko ang amoy ng taong pumasok at muling tumungo para ipag patuloy ang pagsusulat.

Nanatili siyang nakatayo sa likod ko at hindi gumawa nang kahit anong ingay.

"You felt my presence" saad ni Rios pero hindi ko ito pinansin at patuloy na nagsulat.

"Aren't you going to say goodbye to us? We're leaving and Alfredo is coming with us" saad nito.

"What are you expecting me to do? Bababa para magpaalam tapos aakyat uli? If they want to see me before they leave, puntahan nila ako. Nakakapagod mag akyat baba para sa may dinadalang bata gaya ko" mahabaang saad ko.

I didn't get an answer from him pero ramdam ko na umalis ito. Hindi ko maintindihan si Rios. Napaka sungit niya at sobrang sakit mag salita tapos ngayon gaganyan siya. Hindi ko siya maintindihan, kahit siguro baliw sa mental hindi sila magkaka intindihan.

Muli ko ipinag patuloy ang pag susulat nang makarinig ako ng ingay mula sa labas ng pinto. Rinig ko ang bulungan nila sa labas ng pinto ko dahilan para magtaka ako. I can hear them kahit na nasa labas sila ng pinto? How?

"Galit yata si Sera eh" Aflredo

"Maybe it's a part of pregnancy? Since may changes sa hormones" Reid.

"What's hormones? Iyon ba yung ginagamit natin sa phone ni Sera?" Alfredo.

"Idiot! Earphones 'yon" Atreus.

"What's hormones then?" Alfredo

"Di maiintindihan ng mga bobo 'yon pag inexplain" Atreus.

"Pasok na"  Reid.

"Ayoko kayo mauna" Alfredo.

Napahawak ako sa sintido ko dahil sa usapan ng mga ito. Kelan pa ako nakakarinig mula sa malayo? Or baka naman hindi sila bumubulong?

Nahinto ang pag iisip ko nang bumukas ang pinto. Tumayo ako at nilingon sila na isa-isang pumapasok sa silid ko. Narito rin si Captain Lioung Gu na naka wheel chair. He smiled at me at yumuko para mag bigang galang. Yumuko rin ako ng kaunti para mag bigay rin ng galang sa kanya. He risked his life just to make sure na ligtas ako. He lose his limbs sa pakikipag laban. I owe him a lot. Hinding-hindi ko makakalimutan ang katapangan na ginawa niya para sa akin. Ngayon ko na lang din siya nakita kahit pa nasa iisang mansyon kami nakatira. Usually ay nasa labas siya at busy sa pag train ng mga kawal. Kahit nawalan siya ng parte sa katawan ay hindi nalilimitahan ang kakayahan niya sa pagtuturo.

"Captain Lioung Gu will look after you while we're away" saad ni Rios.

"Your lovely cousin wants to get our child, Sera. Kailangan namin gumawa ng barrier" dagdag pa ni Rios.

"Ilang araw kayo ron?" tanong ko.

"3 days. Pero babalikan uli namin 'yon weekly. Just to make sure na walang makakapasok na kaaway hanggang sa manganak ka" saad ni Reid.

"It's my duty as a father of my child" saad ni Rios kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.

"What are you looking at?" taas kilay na tanong nito.

"A disappointment" simpleng saad ko. Bakas kila Reid ang pag pipigil ng tawa dahil sa sinabi ko.

"So you're telling me that I am a disappointment?" kunot noong tanong nito.

"You heard me" saad ko. Pansin ko amg pag kuyom ng kamao nito at iniwas ang tingin sa akin saka lumabas ng silid ko.

"Grabe away mag asawa!" saad ni Alfredo.

"Sera, you're being rude. Rios is just trying his best para magkalapit kayo. Please give him another chance. Matalino ka. Alam mo dapat na hindi lahat ng sinasabi ng tao ay ayon ang gusto niyang gawin" saad ni Reid.

"Mauna na ako" dagdag pa ni Reid at umalis.

"Ako pa talaga!" inis na saad ko.

"Ano? May sasabihin pa kayo? Ipagtatanggol niyo 'yon kesa sa akin?!" inis na saad ko kila Atreus at Alfredo na nananatiling nakatayo.

"He cares for you, Sera. Hindi lang niya pinapahalata. Bago ka pa man makarating dito. Always remember the red strings. You're connected. If you cut those ties, you'll both die. Kahit bumalik ka sa mundo niyo, konektado pa rin kayo. Trust him, he's doing what is good for you" saad ni Atreus at umalis na rin ito. Tanging ngiti lang ang binigay sa akin ni Alfredo bago ito lumabas ng silid ko.

Tanging kami ni Captain Lioung Gu ang natitira pero tahimik lang ito. Hindi ko sila maintindihan. Sila na mismo aang nagsabi na huwag akong magtitiwala sa iba and now they're asking me to trust Rios. How? How am I going to trust him after what happened. Sunod-sunod ang nangyayari at lahat ay hindi ko maiproseso. I tried my best na i-absorb ang lahat para hindi ako mabaliw. Lahat ay ginawa ko na pero ganito ang ginagawa nila sa akin.

"Let him, Sera" pag basag ni Captain Lioung Gu sa katahimikan.

"Pati ba naman ikaw?" mahinang saad ko.

"You have nothing to do, Sera. Anv magagawa mo ay sumunod sa karera ng lahat kahit nalilito ka. Leave it on his hands. Alam niya ang ginagawa niya. Ilang taon ka na rin niyaang pinoprotektahan" saad ni Captain Lioung Gu.

"Bakit ba hindi niyo na lang ako deretsahin. Bakit hindi niyo na lang sabihin? Dinadamay nito ako sa bagay na hindi ko naman ginawa" saad ko.

"The right time will come. Malalaman mo rin ang lahat" saad nito.

"Lintik na right time yan! Buong pamumuhay ko sa mundo niyo puro ayan ang naririnig ko! Kelan ang tamang oras na yan? Kapag patay na ako? Kapag nabaliw na ako? Kapag nakuha niyo na ang anak ko?!" saad ko pero hindi ito umimik. Bakas sa mga mata nito ang lungkot at awa. Kinakaawaan ako. Lahat ng tao rito ay kinakaawaan ako. Great!

"Gusto komg mapag isa" saad ko at tinalikuran siya. Muli akong umupo at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Rinig ko naman ang pag labas nito sa silid ko.

Patuloy ako sa pag susulat hanggang sa magsituluan ang luha ko sa pahina ng libro na sinusulat ko. Bakit hindi na lang nila ako hayaang makauwi sa mundo ko? Ano pang dahilan para manatili ako rito?

A/N: Syempre joke lang 'yon. Naging busy ako sa duty at nawalan ng time mag update dahil sa hospital duty namin. Ingat kayo palagi!

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon