CHAPTER 70

951 53 7
                                    

Three weeks passed at bawa't araw ay boring na boring ako. Sa loob ng tatlong linggo ay  apat na beses ko lang nakita si Eroz. Palagi siyang wala at may misyon na ginagawa. Ilang araw ko na rin hinahanap sa paligid yung lagusan pabalik sa mundo ko. Para kung sakali man na balak talaga nila ilayo ang anak ko, makakatakas pa ako.

"Sera sama ka? Mamalengke kami" 

Napahinto ako sa pag-iisip at nilingon si Alfredo. Sinilip ko ang kasama nito sa likod at nagtutulakan ang mga ito. Ribig ang bungisngis ni Hush na halatang inaasar si Reid na nakakunot ang noo. Ang kaninang inis na mukha ay napalitan ng blangko matapos magtama ang mga mata namin.

"Hindi na" saad ko at pilit na ngumiti.

"Sumama ka na. Bibili tayo ng tela para magpatahi ng damit sa magiging anak niyo ni Eroz. Mas maganda kung ngayon pa lang ay may mga damit na ang kambal" saad ni Alfredo.

Pasimple ko pang sinilip si Reid na walang emosyon ang mukha. Ano ba problema nito? Mula nung makabalik ako ay ganyan siya kung tumingin sa akin. Wala naman akong masamang ginawa sa kanya. Huling pag-uusap namin ng maayos ay noong gabing dumating si Eroz ilang linggo na nakaraan.

"Sige" saad ko at lumapit sa kanila.

"Ito suot mo cloak. Para same tayo. Kung ayaw mo pagkaguluhan" saad ni Alfredo habang nakatingn sa umbok ng tiyan ko.

"Ang hirap naman kasi itago ng belly mo be" dagdag pa nito.





Nandito ako sa store ng mga tela. Nagkahiwa-hiwalay kami pero kasama ko si Reid dahil siya raw ang mas makakapag bantay sa akin. Ang usapan namin laat ay bibili kami ng mga kakailanganin namin at magkita-kita na lang sa labasan pagkatapos. Tahimik akong nagtitingin ng tela at iniiwasan ang titig ni Reid. Kahit ang liit niya, natatakot ako pag ganyan kilos niya.

Lahat ng tela na magustohan ko ay kinukuha niya at nilalagay sa cart. Panay dampot lang ako sa magustohan ko a nagdampot na rin ng iba't ibang kulay ng sinulid. Pagkatapos ko mamili ay binayaran na ni Reid ang lahat. Inaya niya ako na bumili muna kami ng makakain at magpahinga. Nung makabili na ng pagkain ay tumambay kami sa ilalim ng puno. Nakatitig ako sa bunga ng puno na halos puro hinog na mansanas. Hindi ba uso sa kanila ang mansanas? Masarap kaya ang mansanas.

"Hindi ka na sana bumalik" pagbasag ni Reid sa katahimikan.

"What do you mean?" tanong ko.

"Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malamang nagkita kayo ni Thanarios Evan, Sera" saad nito. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil expected ko na rin naman na ito.

"See, mas pinapahamak mo lang ang sarili mo. I did my best...our best para mapunta ka sa mabuti, but you're always putting yourself in danger" saad nito.

"I'm confused" saad ko.

"Thanarios Evan, siya ang nakakasama mo palagi. Alam namin ni Alfredo ang patungkol doon. Nag iingat kami na mahuli ni Thanatos. Alam mo kung anong klaseng tao siya" saad nito.

"Pero bakit kailangan niyo pang ilihim sa akin?" tanong ko.

"Madali kang basahin Sera. Mabilis ka rin mapaamin. Sa mga kilos mo nitong nakaraang araw ay paniguradong aware na si Thanatos na nagkita kayo ng kambal niya. Alam ni Thanatos na hindi siya ang ama ng dinadala mo" saad nito na ikinalunok ko.

"Kung talagang gusto niyo ako iligtas, bakit kay Thanatos ako dinala. Dapat nung araw na umalis ako sa kaharian nila Rough ay dinala niyo na ako kay Thanarios" saad ko.

"Hindi ako ang nagdala sa'yo Sera. Si Atreus diba? Si Atreus ang pinagkakatiwalaan ni Thanatos sa'yo na bantayan ka" saad nito.

"Nagugulohan ako" saad ko.

"Paniguradong may pinaplano na si Thanatos ngayon. Don't worry, kahit galit ako sa katangahan mo pero I will help you. Ginagawa ko ito hindi para sa iyo. Ginagawa ko ito para sa anak mo na magbabalik sa kababaihan sa mundong ito" saad nito at naunang umalis.

Hindi ko pa nababawasan ang pagkain ko pero parang nabusog agad ako. Hindi ko magawang kagatan ang tinapay ko. Nagsimulang manikip ang lalamunan ko at uminit ang sulok ng mga mata ko. Nakatitig lang ako sa papalayong pigura ni Reid na parang wala lang sa kanya ang mga sinabi niya.

Lahat sila ay niloko ako. Ako naman itong tanga na nagpaloko sa kanila. Nagpaloko at nagpagamit. Kung ganon nakikita nila ako bilang solusyon sa problema ng mundo nila? Samantalang sila ay nakikita ko bilang kaibigan at pamilya. 

Nang mahimasmasan ako ay tumayo na ako at sumunod pabalik sa labasan. Bitbit ko ang mga nabiling tela at tinapay ko na walang bawas. Nakayuko akong naglakad habang iniisip ang mga sinabi ni Reid. Kung parehas sila na gusto lang ako gamitin, saan ako papanig? 

"Kung si Thanatos ay gusto kang ipahamak, si Thanarios ay hindi. Mamili ka na lang kung saan sa tingin mo na magiging ligtas ka Sera" napalingon ako kay Alfredo na hindi ko manlang namalayan sa tabi ko.

"Hindi mo ata napansin presensya ko. Kanina pa ako nakabuntot sa inyo pero hindi mo ako nalingon. Wag ka mag isip masyado" saad nito at ngumiti

"Hayaan mo, makakabalik ka rin sa inyo" dagdag pa nito.

"Kelan? Kapag nakuha niyo ang gusto niyo? Kapag nakuha niyo na ang anak ko?" tanong ko. Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ang sakit lang na ang tingin nila sa akin ay solusyon sa problema ng mundo nila samantala ang tingin ko sa kanila ay kaibigan at pamilya.


Tahimik kaming lahat habang nasa kalagitnaan ng biyahe pabalik sa kastilyo. Tanging tunong ng pagnguya ni Hush at Kerbie ang maririnig sa loob na halata namang sinasadya nila ingayan yung pag nguya. 

"Tatahimik kayo o tatahiin ko mga bunganga niyo" saad ni Alfredo. Imbes na makinig ang dalawa ay mas lalo pa nila sinadyang ngumuya ng maingay. 

Maging ako ay narindi sa ingay na ginagawa nila. Nakakairita kasi, ang dugyot lang. Maarte na kung maarte pero ampangit kasi for pakinggan ang maingay na pag nguya.

"Pag hindi pa kayo tumigil..." saad ni Reid na ikinahinto ng dalawa. Sabay silang napalunok at nag iwas ng tingin.

"Hi Sera, ano mga binili mo?" tanong ni Hush sa akin.

"Mga pang kulam ko" saad ko. Umiwas ito ng tingin at nakipag titigan kay Kerbie.

Napailing na lang ako sa dalawa nang maghawakan ito at bumulong ng kung ano-ano na sila lang nakaintindi. Mga baliw.

Sa sobrang boring ay tumingin na lang ako sa bintana sa Karwahe at tinignan ang bawat nadadaanan namin. Mapuno pero medyo makalat kapaligiran. Parang ang saya dalhin dito nung mga dapat parusahan ng community service. Panigurado mapapamura ka ng malutong kapag ganito karumi ang lilinisin mo.

Saktong paghinto ng karwahe ay nahinto rin ang paningin ko sa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa amin. Naka sumbrero ito at natatakpan ng maskara ang mukha niya. gumiti ito at dahan-dahang binaba ang maskara. Laking gulat ko dahil si Thanatos ito, Ano ang ginagawa niya rito?

"Bakit ba tayo nahinto inis na saad ni Alfredo.

"May kaguluhan po kasi" saad ng kasama namin na siyang nagmamaneho sa kabayo.

"Saglit nga sisilipin ko" saad ni Atreus. Sumunod naman si Hush at Kerbie kasama na rin si Alfredo. Tanging kami lang ni Reid ang naiwan at parang wala itong pake sa pakigid.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin sila nakakabalik. napatingin ako kay Reid na bglang tumayo at binuksan ang pinto sa karwahe.

"Wag ka lalabas, hahanapin ko sila" saad nito at umalis.

Kunot noong bumaba ako sa karwahe at tinignan ang napakaraming tao na nakapalibot. Lumapit ako at nakipagsisikan sa kanila hanggang sa makarating ako sa harap. Laking gulat na nakatingin sa isang babae na halos napanot at maraming pasa sa braso. Nakabalot siya sa plastik at may nakasulat na "I am a criminal".

Nagtama ang ang pamilyar nitong mga mata nang humarap siya sa akin. Napaurong ako dahil sa nangyare sa mukha niya. Malaking hiwa sa mukha at puro pasa. Nangingitim ito at putok pa ang labi.

"F-Franklin?" 

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon