CHAPTER 71

1.1K 62 18
                                    

Napaurong ako habang ang tingin ko ay hindi maalis kay Franklin. Bumuka ang bibig nito at kahit hindi ko marinig ang sinabi nito, alam kong humihingi siya sa akin ng tulong. Napasinghap ako nang maramdaman kong ma humila sa akin. Napatingin ako kay Atreus na basta na lang humila sa akin.

"Bakit ka lumabas?!" tanong nito pero tanging paglunok lang ang nagawa ko. Nagpatianod na lang ako sa paghila ni Atreus sa akin pabalik sa karwahe.

Inilibot ko ang paningin ko na parang may hinahanap. Hindi ko alam pero feel ko may kinalaman si Thanarios dito dahil nakita ko siya kanina. Akala ko ba hahayaan niya na ako? Bakit kailangan niya pa gawin ito? Bakit niya ako sinusundan?

"Atreus" saad ko at hinawakan ang kamay nito para pigilan siya sa pag alis.

"Why?" tanong ni Atreus.

"Please, bring her with us. Gusto kong makausap si Franklin" saad ko. 

"No" saad nito at umalis.

Inis akong sumunod sa kanya at hinila laylayan ng hanfu niya. 

"Sera ano ba?! Gusto mo ba magpalinlang sa isang yan?" saad ni Atreus at tinuro si Franklin na napapalibutan ng maraming tao.

"Atreus bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita kalagayan niya? Pinsan ko pa rin soya Atreus! Hindi ba sabi niyo kontrolado lang siya ng witch kaya nagkakaganyan si Frankln" mahabang saad ko.

Nagdatingan ang iba panng kasama namin at nagtatanong kung anong nangyayari sa amin ni Atreus. Sinabi ko sa kanila na gusto ko isama si Franklin para  na rin makausap siya sa kung ano ang nangyari sa kanya.

"Sera, gusto mo ba talaga siya isama?" tanong ni Alfredo. Tanging tango lang ang sagot ko sa kanya.

"Alalahanin mo sana si Aruelo at kung ano ang nagawang kasalanan ni Franklin, dahilan kung bakit nagkagulo" saad ni Alfredo.

"Hindi kagagawan ng pinsan ko 'yon" saad ko. Lalo na ngayon na malapit nang mabuo lahat ng sagot sa mga katanungan ko.

Bumalik ako sa karwahe habang sila ay kinausap ang mga tao at kukunin nila ang katawan ni Franklin. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi ko rin maiwan si Franklin dahil mas magiging delikado kung malalaman nila na may babae na sa mundo nila. Si Franklin, kilala ko siya. Sasabihin niya na hindi lang siya nag iisa at idadamay kami.

Nagsimula na umandar ang karwahe at sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko si Thanarios hindi kalayuan sa amin pero nasa sulok ito. Ngumiwi ito at napailing tila ba dismayado sa nakita nito. Mali ba na isasama ko si Fraklin?




Pagkauwi namin ay agad nilang pinosasan si Franklin saka inayusan. Si Alfredo ang nag linis sa katawan niya at nagbihis dahil hindi pwede malaman ng iba na may babae na nga sa mundong ito. Panigurado ay pagkakagulohan kami at mas malaking problem 'yon.

Si Thanatos ay hindi naman umalma nang makita niya si Franklin. Siya rin mismo ang nagsabi na iposas at lagyan ng kadena ang mga paa ni Franklin para kung sakaling magising na ito ay hindi makapanggulo. Alam din siguro niya kug anong mga kayang gawin i Franklin. Si Alfredo naman ay sinisisi ako dahil bakit ko pa raw sinama ang pinsan ko.

Pagsapit ng gabi ay nag dinner kami. Tahimmik lang kaming lahat at wala ni isa sa amin ang kumibo hanggang sa matapos kumain. Bumalik ako sa silid ko at nagbihis saka naglakad patungo sa pinag kulungan nila kay Franklin.

Nginitian ko ang mga nagbabantay at hinayaan nila akong makapasok. Pagpasok sa loob ay naabutan ko si Franklin na puro pasa ang mukha. Mas malinis siya kumpara sa kanina nung makita namin siya. Ang buho niya ay hindi pantay-pantay at ang iilan doon ay panot na talaga.

Napaurong ako nang gumalaw ang daliri nito. Nagpalinga-linga siya at nagsimulang umungol. Palakas nang palakas ang paghikbi niya habang tumutulo ang iilang butil ng luha sa mga mata niya. Taranta akong lumapit sa kanya at niyugyog siya para magising. Napabangon siya at yumakap sa akin saka humagulgol. Niyakap ko siya pabalik habang patuloy siya sa pag iyak.

Maya-maya lang ay bumitaw na ito kaya dumistansya ako ng kaunti saka siya tinitigan ng maigi.

"S-Sera?" saad nito at napalunok.

"Ano nangyari sa'yo?" tanong ko. 

Napatitig siya sa akin at nagsimulang manginig. Pati ang mga labi nito ay nanginginig. Napahawak ito sa buhok niya at nagsimulang sabunutan at pagsasampalin ang sarili. Umiyak ito nang umiyak at matapos non ay niyakap niya ang sarili.

Umangat ang tingin niya sa akin at hinawakan ako. Patuloy ang pag agos ng luha nito habnag nanginginig ang buong katawan.

"I-ilayo mo ako. G-gusto ko na umuwi. G-ginamit niya ako. Gagamitin k-ka rin nila" saad nito at umiyak nang umiyak.

Napalunok ako ng ilang beses habang nakatingin kay Franklin na patulo sa pag iyak. Sa nakikita ko sa kanya ay napaiyak na rin ako. Hindi ko alam kung paano maiproseso ng utak ko ang lahat.

NApaatras ako nang hawakan ni Franklin ang umbok ng tiyan ko. Lumapit siya sa akin habang ako ay umaatras. Hahakbang sana ulit si Franklin pero hindi na nito magawang lapitan ako dahil sa kadenang nakakabit sa magkabilang paa at kamay niya.

"Huli na. Hindi na kita nabalaan pa. Gagamitin ka rin nila. Ang anak ko, kinuha nila" saad nito.

Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa patuloy na pagluha ko. Isa-isa niya hinubad ang suot niya. Mula sa dibdib niya na puro sugat at paso pababa sa ari niyang nalapnos at hindi kaaya-ayang tignan. Maraming sugat sa katawan niya na hindi ko alam kung sinong may gawa.

"Makinig ka sa akin, Sera. Taon-taon may napapadpad na babae sa mundonng ito. Pero inaalay nila nag mga babaeng napapadpad sa mundong ito kapalit nng panibago pang babae" saad nito na mas nagpagulo ng isip ko.

"Pagkatapos mong manganak ay iaalay ka. Kaya sinubukan kong ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko habnag hinahanap pabalik sa mundo natin" dagdag pa ni Franklin.

"Paano ko masisigurong totoo ang mga sinasabi mo?" tanong ko.

"Yung babaeng nakita niyo nila Aruelo na namatay. Inalay rin siya" saad nito.

"SERA!" 

"Oh my gosh, bakit ka nandito" saad ni Alfredo.

Nagdatingan ang iba pa at napatingin kay Franklin. Lahat sila ay nag aalala sa akin at masamang tinignan si Franklin. Litong-lito ako sa kung anong dapat paniwalaan ko. Hindi ko pa man nalalaman ang sagot sa mga katanungan ko tapos ngayon may bago nanaman akong iisipin.

"Sera bakit ba ang tigas ng ulo mo!" galit na sigaw ni Atreus. Maging si Reid ay hindi rin natuwa na makita niiya ako dito sa silid ni Franklin.

"Pakawalan niyo ako!" siigaw ni Franklin.

Hinawakan ako ni Alfredo at pilit na inilalabas sa silid ni Franklin. Nagpupumilit si Franklin na kumawala at panay ang pagsigaw nito. Bago pa man ako makaalis ay may sinabi pa ito.

"Wag ka magpapalinlang sa kabaitan nila sa'yo. Wag mong hahayaan na magaya ka sa akin! Wag mo uulitin pagkakamali ko Sera. Nilamon ako ng kapangyarihan! Walang pag ibig sa mundong ito!" saad nito.

Tulalang nagpahila ako kay Alfredo pabalik sa silid ko. Pilit niya akong pinapakalma at sinasabing wag isipin ang mga sinabi ni Franklin. SInasabi pa nito sa akin na sana 'di ko na lang pinasama dito si Franklin. 

Hinahagod ni Alfredo ang likod ko at kumuha siya ng panibagong hanfu ko na mas makapal sa suot ko. Inayos niya ang buhok ko at nagpaalam na lalabas para makapag bihis ako. 

Paano kung totoo sinasabi ni Franklin. Yung hitsura niya. Yung katawan niya at kung gaano siya katakot ngayon. Paano kung tama siya? Maging si Thanarios ay sinabi sa akin na walang pag ibig sa mundong ito. Paano kung tama sila? Yung babaeng bangkay? Sino siya?

Kahit na gulong-gulo at nanghihina ako sa nangyayari ngayon ay tumayo ako para magbihis. Sinuot ko ang hanfu na hinanda ni Alfredo saka humiga sa kama. Patuloy lang ako sa pag-iisip patungkol sa mga sinabi ni Franklin hanggang sa lamunin ako ng antok.






A/N: Congratulations! Road to 72 na tayo! Sorry sa napakatagal na update, nag start kasi limited face-to-face class namin nung June 27, 2022. May summer class po kami, kung di ako papasok summer class magiging five years po yung course ko hehe.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon