CHAPTER 33

1.8K 121 30
                                    

Mula nung nangyare noong isang araw ay iniiwasan ko si Atreus. Hindi na rin ako lumalabas buong maghapon sa kwarto ko dahil sa hiya. Nandito ngayon si Alberto dahil siya ang nagdala ng pagkain ko ngayon. Feel ko nakakaramdam na si Atreus kasi si Reid pinapasok ko kahapon sa kwarto ko pero nung siya ang kumatok ay hindi ko siya pinagbuksan. 

"Ano ba problema?" inis na tanong ni Alberto.

"Alam mo Alberto--"

"Alfredo!" pagputol nito sa sasabihin ko. Akala mo si Aruelo eh. Kamiss tuloy siya.

"ampangit mo!" saad ko at tinalikuran ito saka humiga sa kama at nagtaklob ng kumot.

"Sera kumain ka na! Ayaw kong mamatay" saad nito pero hindi ko ito pinansin.

"Sera kapag hindi ka kumain papapasukin ko si Senyorito Atreus dito. Kahapon pa nagtataka sa 'yo si Sir" saad nito kaya agad akong umupo at humarap sa kanya.

"Alberto may sasabihin ako" kagat labing saad ko pero umirap ito.

"Alfredo nga!" saad nito.

"Whatever! Pero kasi eh!" saad ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Hinalikan ako ni Atreus nung isang araw" saad ko pero tumawa lang ito. Walang humpay ang pagtawa nito at namumula na rin ang mukha nito.

"I-Ikaw? Hahalikan non? Baka nga hindi pa dumadampi labi non bumulagta na siya sa harap mo eh" saad nito.

"Ayaw mo maniwala edi wag!" saad ko.

"Kung totoo man yan. Baka nung isang araw pa siya pinag lalamayan. Napaka-imposible niyan Sera." saad nito at nagpipigil tumawa. Inis kong kinain ang dinala nitong pagkain pero nakakailang subo pa lang ako ay tumawa nanaman ito. Akma ko itong sasaksakin ng bread knife pero may biglang pumasok sa kwarto.

"Speaking of Atreus, he's here na pala" saad ni Alberto at tumawa. Nagtatakang tumingin sa amin si Atreus bago ito lumapit. Umupo ito sa tabi ko kaya umurong ako kaunti palayo sa kanya.

Lumapit sa akin si Atreus kaya lumayo nanaman ako. Kumunot ang noo nito at idinampi ang likod ng palad nito sa noo ko. Napakunot lalo ang noo nito kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Akala ko may sakit ka. Hindi ka lumalabas ng kwarto mo" saad nito.

Natahimik kaming tatlo sa silid ko at wala ni isa sa amin ang gustong bumasag ng katahimikan. Tumayo ako at kinuha sa drawer ang artificial eye na ginawa ko para kay Atreus. Ngayon ko na lang ibibigay tutal nandito naman na siya. Lumapit ako sa kanya at nakayukong inabot sa kanya ang arificial eye na ginawa ko.

"Iniinsulto mo ba ako?" saad nito na ikinalaki ng mga mata ko. Napatingin ako sa kanya na masama ang timpla ng mukha samantala si Alberto ay nagpipigil ng tawa. Muli kong tinignan si Atreus na nakakunot ang noo.

"A-ano, p-peace offering?" saad ko pero ngumisi lang ito.

"Peace offering o insulto? Aanhin ko yan?" saad nito.

"Kainin o siguro para magkamata ka. Tangina malamang isusuot mo!" inis na saad ko.

"Panis siya pa galit" sabat ni Alberto pero tinignan ko ito ng masama na ikinatikom ng bibig nito.

Tumingkayad ako para maabot si Atreus at inis kong inalis ang eye patch nito at hinawi ang buhok na nakaharang sa side na walang mata. Mabuti na lang at hinayaan niya lang ako. Kasi kung aangal siya, isusungalngal ko sa kanya 'to ng buo.

Binuklat ko ang eyelid nito at dahan-dahan inilagay ang artificial eye na gawa ko. Napangiti ako dahil nagkasiya ito. Inayos ko ng mabuti ang pagkakalagay para mas maganda tignan. Kailangn kapag titingin siya ay straight lang kasi mapapansin na fake kapag naglikot ang mata niya tapos yung isa naka stay lang. 

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon