CHAPTER 55

1.9K 113 18
                                    

Nagising ako dahil sa bigat ni Rios na nakadagan sa akin. Hindi ako makaikot dahil sobrang higpit ng pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko habang nasa ibabaw ko siya. Kung gaano siya kalaki ay ganon naman kaliit ang katawan ko. Para niya akong nanay dahil sa pwesto naming dalawa. 

Maingat ko siyang inurong at dahan-dahang umupo. Napaiyak ako dahil sa sakit ng buong katawan ko lalo na sa pinaka ibaba ko. Nilingon ko si Rios na mahimbing na natuutulog habang nakatalikod sa akin. Ang likod nito ay punong puno ng peklat na para bang nilatigo. Suot na nito ang maskara niya dahil siguro sa iniiwasan niya na matakot ako. Actually hindi naman siya nakakatakot para sa akin. 

Sinubukan kong tumayo at pilit na ininda ang sakit ng pagkababae ko. Hindi pa man ako nakakalayo ay napasalampak ako sa malamig na sahig. Makakapatay talaga ako nang wala sa oras. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng first time. Feeling ko babagsak ang laman loob ko.

Impit akong napatili ako ng bigla akong buhatin ni Rios na kakagising lang. Hubad ang buong katawan niya dahil nasa akin ang comforter. Napalunok ako ng ilang beses habang nakatitig sa dibdib niya. Iniiwasan ko tignan ang nasa ibaba niya dahil feeling ko ay magkakaroon ako ng malaking kasalanan.

"What are you doing? Bakit ka nakaupo sa sahig alam mo na nga na malamig" saad nito at bumalik kami sa pagkakahiga. Pinaibabawan niya ako at humiga sa akin saka isiniksik niyang muli ang kaniyang mukha sa leeg ko. 'Di nito alintana ang hubad naming mga katawan. Niyakap ko ito at marahang hinaplos ang malambot att mahabang buhok nito.

"I am not expecting this to be happen" saad ni Rios na ikinangiti ko.

"Ako rin" saad ko.

"Can we stay like this? I am tired. I've been working as an Emperor since I was 13" saad ni Rios.

"Don't worry. Nandito lang ako" saad ko at ngumiti habang hinahaplos ang buhok nito.

"Vien, I hid your portal. Selfish ba ako kung ayaw kitang bumalik sa inyo?" pag aamin nito na ikinahinto ko sa pag haplos sa buhok niya.

"It's fine" saad ko at muling hinaplos ang buhok niya. Natahimik kaming pareho habang ako ay mabigat ang pakiramdam. Feel ko ay hindi ako okay.

Kunot noong tinignan ko si Rios ng makaramdam ako ng tumutusok sa pagkababae ko. Inis ko itong tinulak habang siya ay patawa-tawa lang. Tinalikuran ko ito at inagaw ang comforter saka ibinalot ang sarili.

"It's not my fault, Vien. You wake him up. Damn, your nipples are cold and hard at the same time" saad nito na halos ikamula ng buong mukha ko sa hiya.

"Sorry" saad nito at niyakap ako mula sa likod habang nakabalot sa comforter.

"Sera! Alam mo ba kung nasaan si Senyorito Eroz? Wala raw kasi siya sa itaas sabi ni Reid" 

Nagkatinginan kami ni Rios dahil sa pagtatawag ni Alberto mula sa labas. Tumayo si Rios at tamad na tamad sa nagbihis. Kahit anong sabi ko na magmadali siya ay hindi niya ako pinakikinggan.

"Ah, ewan! Hindi ko naman siya nakita!" sigaw ko kay Alberto pabalik.

"Sera may ginagawa ka ba? Papasok ako ha" saad ni Alberto kaya nanlaki ang mga mata ko habang si Rios ay walanng pakialam.

"W-Wait nagbibihis ako!" saad ko. Lumapit sa akin si Rios at binihisan ako dahil hanggang ngayon ay masakit ang pagitan ko. I can't even walk or stand dahil sa nangyari sa akin. 

Tumayo si Rios sa harap ko at hinalikan ako sa noo saka binuksan ang pinto at bumungad sa amin si Alberto na nakanganga kay Rios. Nagtatanong ang mga mata ni Alberto habang palipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Rios.

"Take care of my wife while I'm away." saad nito kay Alberto.

"I'll tell to Atreus na hindi ka na magt-training." saad ni Rios habang nakatingin sa akin kaya napangiti ako.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon