CHAPTER 47

1.6K 114 16
                                    

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin umuuwi si Eroz. Bukas na rin ang Tea Party sa kaharian ni Hush at gusto ko makapunta. Siyempre ayaw ko rin magkulong dito. Tsaka wala rin naman akong ibang mapapasyalan dahil wala naman akong alam sa lugar nila. Nag-aalala na rin ako kay Eroz dahil baka napaano siya. Mabuti nga eh nandito sila Reid at Alberto. Kung wala sila, baka mamaya mabaliw na ako dito. 

"Sera, ganyan ka ba kapag namimiss mo ang isang tao? Hindi ka mapakali?" saad ni Alberto.

"Hindi ah!" saad ko.

"Umamin ka nga Sera. Gusto mo na si Senyorito Eroz no?" tanong nito at naglingunan naman ang anim na may saltik.

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Wala akong gusto kay Eroz. Gusto ko lang sumama sa Tea Party kaya inaantay ko siya." saad ko at umirap.

"Pwede ka sumama nang wala siya Sera" saad ni Alberto.

"Makakasama naman talaga ako ng wala siya ah. Ang sa akin lang ay kailangan niya pa baguhin mukha ko para walang makakilala sa akin" pagdadahilan ko.

"Sabagay" saad naman ni Alberto at kumapit ito sa braso ni Marcus.

Ang landi talaga ng baklitang 'to. Kagabi narinig ko yan na umuungol sa kwarto ni Hush. Tatanungin ko sana si Hush kaso mukhang nagpapaligaya sila ni Alberto. Pag talaga itong si Alberto nagkasakit, ako mismo ang maglilibing sa kanya. Tawanan ko pa siya dahil sa kalandian niya nagkasakit siya. 

"Mga pre bilib ako sa Reyna ni King Rhay" saad ni Cairo na nagpakuha ng atensyon ko. Si Franklin ba ang tinutukoy niya? Ano meron kay Franklin?

"Bakit?" tanong ni Hush.

"Sobrang talino ng Reyna niya. Nagpapakalat ng libro at nagkakaroon kami ng bagong kaalaman. Andami ng libro niya" saad ni Cairo.

"Ah alam ko yan. Nakatanggap din ang kaharian namin niyan. Yung pag gawa ng PPE, Alcohol, mga gamot at iba pang mga libro na makakatulong" saad ni Hush at sumang-ayon naman si Kerbie.

"Ano ulit pangalan non??" tanong ni Marcus.

"Francine ba?" tanong ni Atreus.

"Ah oo Francine nga" saad ni Cairo.

Nagkatinginan kami ni Atreus at Reid dahil alam ko na alam nila na ako ang tunay na sumulat ng libro. Ibig sabihin ay pinagkakalat niya na siya ang may gawa? Matagal na akong walang balita sa kaharian nila Rough tapos ito pa ang maririnig ko? Wow.

"And do you believe to that Francine the ugly slut?" tanong ni Atreus sa lima.

"Wala ba kayo noong naghawak ng banquet ang magaling kong pinsan?" tanong ni Atreus.

"Hindi kami nakapunta. Busy eh" saad nila Cairo.

"It was Sera's books" saad ni Reid habang naglalaro sa cellphone niya.

"What do you mean?" kunot noong tanong ni Cairo.

"Ang portal ni Sera ay lumitaw sa kaharian ni Rhay. Rhay found her first at ginawa niyang future Queen si Sera at si Sera ang pinag manage niya ng kaharian. Gumawa ng mga libro si Sera para sa lahat. Pero sa hindi inaasahan ay nakapasok din sa mundong ito ang dalawang babaeng pinsan niya" pagkukwento ni Reid.

"Ibig sabihin hindi lang si Sera ang babae dito?" tanong ni Hush.

"Yup!" saad ni Reid.

"Ano ang nangyari at bakit napunta si Sera dito?" tanong ni Kerbie.

"Pinagpalit ni Rhay si Sera sa pinsan niya. Ipinalabas din ni Francine na si Sera ang pumatay kay King Erwin kaya ikinulong si Sera at hinatulan ng kamatayan. Binabalitaan kami palagi ni Aruelo, but he died." saad ni Reid kaya napahawak ako sa name tag ni Aruelo na suot ko pa rin. 

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon