CHAPTER 48

1.7K 102 8
                                    

One week and four days passed after that incident. Hindi ko na rin nakita si Marcus mula nung araw na 'yon. Hindi na rin ako nakasama sa Tea Party sa kaharian nila Hush. Sa pagkakaalam ko ay sila-sila lang pumunta. Dapat pala ay isasama nila si Alberto pero nagpaiwan na lang din ito para may kasama ako.

Sa loob ng isang linggo at apat na araw ay wala akong ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto. Hindi ko na rin nakikita si Rios mula nung gabi na 'yon. In short, ang huling pagkikita namin ay nung gabing umamin siya sa akin. Wala akong gana everyday dahil sa nangyari at dahil na rin sa pag-iwas ni Rios. Akala ko ba gusto niya ako? Kung gusto niya ako, bakit niya ako iniiwasan? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin.

"Sera, sigurado ka bang ayos ka na?" nag-a-alalang tanong ni Alberto. Mamayang gabi na kasi ang Festival at paniguradong nandito ang iba't-ibang hari. Pagkatapos ng festival ay babalik na rin ako sa dati kong kwarto. Yung event lang naman ang dahilan kung bakit ako nakikitulog dito sa taas. 

"Ayos na ako" saad ko at tipid na ngumiti. 

"Sera, alin dito ang gusto mo? Itong blue or white?" tanong ni Alberto at ipinakita ang dalawang hanfu na kanina niya pa pinagpipilian.

"Bakit ang kakapal?" tanong ko.

"Hindi mo pa pala alam? Nag snow na nung nakaraang araw" saad ni Alberto na ikinalaki ng mga mata ko. Winter na? Favourite season ko ang winter! Lagi kami gumagawa ni kuya ng snowman dati sa Canada.

"Nag snow na? Tara labas tayo gawa tayo snowman" nakangiting saad ko.

"Hindi pwede Sera, kailangan mo muna puntahan si Eroz sa opisina para mabago niya anyo mo. Magbihis ka na dahil 10am kayo aalis. Anong oras na oh, malapit na mag 9am. Pitong oras pa ang biyahe natin." saas ni Alberto.

"Akala ko ba dito sa atin gaganapin?" kunot noong tanong ko.

"Napagplanohan ng lahat na sa Kaharian na lang nila Rough dahil masarap ang mga pagkain sa kanila" saad ni Alberto at bakas pa sa mga mata nito ang pag-aalala. Napabuntong hininga na lang ako at hindi mapigilang kabahan para sa mangyayari mamaya.

"Yung puti na lang para kakulay ng niyebe" saad ko. Hindi ko maramdaman ang lamig dito sa loob kaya hindi ko alam na winter na. Palagi rin kasing warm ang tubig na ipinapanligo ko plus hindi pa ako lumalabas ng kwarto. Hindi ko nga rin alam kung saan natutulog si Rios dahil palagi siyang wala. Ngayon na lang kami ulit magkikita.

Tumayo ako at nagtungo sa banyo para makaligo na. Hinanda rin ni Alberto ang pampaligo ko at ginamitan ito ni Alberto ng oil para mabango raw. Kaso ang ginamit niya ay ang langis na kaamoy ni Rios. Pero hindi raw ito yung oil na ipinapahid sa patay. Kaamoy lang daw.

 "Sera, dalhin ko na lang din itong blue. Ang ganda rin kasi eh, sayang naman kung hindi mo maisusuot. Magpalit ka na lang after two hours" saad ni Alberto pero hindi ko na ito pinansin. 

"Sera, labas na ako ha. Nandito sa gilid ng banyo ang mga isusuot mo. Mag-aayos pa kasi ako" dagdag pa nito.

Ipinikit ko lang ang mata ko at mas inilublob ang buong katawan ko sa bathtub. Isinama ko na rin ang ulo ko kaya nakalubog ang buong mukha ko. 

"Sera, sumagot ka nga. Pinag-aalala mo ako" rinig kong saad ni Alberto at kumatok pa ito sa pinto.

Pigil ko ang paghinga ko at tinitignan kung hanggang saan kakayanin ng katawan ko ang pagiging immortal ko. Kapag ba nagpakamatay ako, matutuluyan ba o hindi? Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. 

"Sera! Ano ba! Hindi na ako natutuwa!" 

"SERA!"

Sinubukan kong umahon pero mas lalo akong lumulubog. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang babae na natatabunan ng mahabak buhok ang mukha. Inilibot ko ang paningin ko pero para akong nasa karagatan. Malawak ang paligid at puro tubig. Sinubukan kong abutin ang babae pero hindi ko siya maabot. Lumangoy ako papalapit sa kanya pero mas lalo lang siyang lumalayo.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon