CHAPTER 49

1.6K 116 15
                                    

Nandito kami sa karwahe. Lima kaming nandito habang ang iba ay nakasakay lang sa kabayo. Si Reid, Alberto, Hush, Kerbie at ako ang nandito sa malaking karwahe. Tinatamad daw kasi si Kerbie at Hush na magpatakbo ng kabayo kaya sumabay sila dito sa loob. Lahat sila ay guat din sa akin dahil hindi raw nila ako makilala. Ang itim kong buhok ay mas lalo pa raw naging itim at mas humaba. Ang mukha ko raw ay kakaiba, sobrang hirap sila sa pag describe dahil hindi ko naman sila maintindihan. Hindi ko rin ma-imagine ang mga sinasabi nila dahil sa tuwing tumitingin ako sa salamin ay wala naman akong nakikitang pinagbago sa mukha ko. Tanging ang buhok lng ang napansin ko at ang mata ko na nag-iba ng kulay. Ang Dark Brown kong mga mata ay naging berde. 

"Sera, bakit mo sinuot ang Name tag ni aruelo? Makikilala ka niyan sa ginagawa mo eh" saad ni Alberto.

"Ah. Tatanggalin ko na lang" saad ko at itinago sa bulsa ng hanfu ko.

"Grabe Sera, ang ganda ng anyo na ginawa ni Eroz sa 'yo. Mas maganda pa sa totoong anyo mo" saad ni Hush at sumang-ayon naman ang lahat. Agad ko silang binatukan dahil sa pang iinsulto nila sa akin.

"Oo nga eh tapos sobrang soft ng boses. Parang nagsisi tuloy ako na nagpaka xfemale" saad ni Alberto.

"Sera, hindi sa pinag o-overthink ka namin pero what if yang mukha na ginawa ni Eros sa 'yo ay ang babaeng minahal niya nung una kaysa sa 'yo?" saad ni Kerbie.Hindi ko alam pero parang nawasak ang puso ko dahil sa sinabi nito.

"Huy, yari kayo inaaway niyo si Sera" sabat ni Alberto at hinagod ang likuran ko.

"Biro lang Sera." saad ni Kerbie.

"Tara but who but who pick" saad ni Kerbie na ikinakunot ng noo ko.

"Ano premyo sa panalo?" tanong ni Alberto.

"Kahit anong gusto ng manalo ibibigay ng mga talo" saad ni Hush.

"Game, tara, tara!" saad nila.

"Sali ka Sera, but who but who pick" saad ni Kerbie.

"Huh?" kunot noong tanong ko.

"Yung ano. Rock, paper, and scissor. Hindi mo alam 'yon?" tanong ni Reid.

"Jusme Bato-bato pick lang pala. Ang arte ng pagkakasabi niyo" saad ko at mirap. Ipinuwesto ko ang kamay ko at ganon din silang tatlo.

"Bato-bato pick!" saad ko at lahat sila ay gunting maliban sa akin na papel.

"Talo ka na bleeeh" saad ni Kerbie at tinawanan ako.

"Wait isang take lang?" kunot noong tanong ko at nagtanguan sila. Nakabusangot ako habang pinanood sila at ang sumunod na natalo ay si Alberto.

"Madaya! Ang dudugas niyo" saad ni Alberto.

"Mind Reader kayo. aba malay ba namin ni Sera na binasa niyo isip namin." reklamo ni Alberto.

"Hala hindi kayaaa. Hindi ko nga mabasa ang kay Sera kasi may barrier eh. Ikaw pa kaya na kalaswaan lang nasa isip." depensa ni Hush.

"Aba sabi na madaya eh! Paano mo nalaman na malaswa ang iniisip ko kung hindi mo talaga binasa? Wala, ulit dapat! Ang dudugas eh. Diba Sera?" saad ni Alberto kaya ginatungan ko ito.

"Oo nga. Dapat no powers allowed. Wala kaya kami ni Alberto non!" saad ko at sumang-ayon si Alberto.

Umulit kami at ang unang natalo ay si Reid.Tinawanan namin ito ng magsimulang magdabog. Ang cute talaga ni Reid lalo na kapag galit. Namumula ang pisngi tapos nakakunot ang noo. Ang cute diba?

"Ahhh talo si Alfredo" mapang-asar na saad ni Hush at tumawa. Sumunod na natalo ay si Kerbie kaya tinawanan ito ni Hush. Sa amin naman ni Hush ay siya ang nanalo. Ang yabang talaga ng isang 'to. Tapos ang isip bata masiyado, daig pa si Reid na mas batang anyo.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon