CHAPTER 31

1.9K 103 10
                                    

Nakaupo ako sa swing na nakasabit sa puno habang pinapanood ang paglubog ng araw. Nag-aaway ata si Atreus at Reid kanina dahil nakakarinig ako ng malalakas na kalabog at mga pagkabasag ng mga bagay. Akala mo may giyera na naganap sa loob. Hindi naman ako nag-aalala kay Atreus dahil alam ko naman na hindi siya magagawang patayin ni Reid. Tsaka baka ganyan sila mag bonding dalawa diba?

Habang pinapanood ko ang paglubog ng araw ay hindi ko mapigilang maisip si Aruelo. Siguro mas masaya kapag nandito rin siya kasama namin. Baka nagtataray na 'yon sa ingay ni Atreus at Reid. Sana pala umalis na lang kami ng mas maaga sa kaharian ni Rough. Hindi naman ako aware na makukulong ako at hahatulan ng kamatayan kaya nag stay pa ako.

"What are you thinking?" saad ni Reid sa harap ko.

"Wala. Pinapanood ko lang yung paglubog ng araw" saad ko.

"Do you still remember the pledge?" tanong ni Reid at tumango ako.

"One day we will meet again. If our destiny is against to us, we will create our own destiny. I/You will follow you/me through the red strings of fate until we met" sabay na saad naming dalawa at ngmiti saka nag pinky promise.

Natahimik kaming pareho at pinanood namin ang araw na lumulubog. Ang payapa, sana ganito na lang palagi. Hindi yung palaging may gumugulo sa utak ko. Umuwi na kaya ako sa amin?

"Reid, kaya mo ba ako ibalik sa mundo namin?" tanong ko.

"Kaya ko Sera, pero ang lagusan na pinasukan mo papunta dito. Ayon lang din ang makakapag pabalik sa 'yo" saad nito.

"Pero sakop ng kaharian ni Rough at may mga rebelde" saad ko.

"Mahihirapan tayo lalo na at nasa kanila ang itim na usok" saad nito na ikinatahimik naming dalawa.

"Hindi mo na lang sana sinunod ang hiling ng Biological father ko na dalhin ako rito. Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito" saad ko.

"Sera, ginawa namin ito para makakuha ng impormasiyon patungkol sa mangkukulam. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Kailangan ka namin dito. Lalo na at ang tatay mo ang dahilan ng lahat kung bakit nasumpa ang Gaia. Wala man kinalaman si Seraphina pero alam ko na may koneksiyon siya sa mangkukulam. Iisa lang ang mahal ng babaeng mangkukulam at ng mama mo. Isipin mo, bakit hinayaan ng mangkukulam na makatakas ang mama mo sa sumpa?" mahabang saad nito.

"Kung ganon ay hindi mo pa alam ang lahat-lahat?" tanong ko.

"Hindi pa. Kaya sumang ayon kami na dalhin ka sa mundong ito para mapabalik si Seraphina at malaman namin ang lahat." saad nito. Muli kong pinanood ang araw na mabagal lumulubog. Hindi ko alam kung bakit ako nadamay dito. Ako ang naiipit sa sitwasyon na ito. Hindi ko naman hiniling na mabuhay sa mundo pero pagka-panganak ko sa mundo ay marami pala ang problemang nakaabang sa akin. Parang konsensya ko pa na sinumpa ang mundong ito.

"What do you think about Gaia?" tanong ni Reid.

"Sa tingin ko parallel world ito" saad ko.

"Ayan din ang iniisip ko. Nagtataka rin ako hanggang ngayon dahil may iba pa akong hindi alam" saad ni Reid.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"May katawan din kasi ako na nakita sa mundong ito. Mata ko mismo ang nakakita. Kamukhang kamukha ko siya at nakahiga sa kabaong. Kaparehas ko ng pangalan at edad" saad nito na ikinakunot ng noo ko.

"Ibig sabihin tama ang nasa isip ko" saad ko.

"Swerte ka dahil hindi mo nakaharap ang sarili mo. Halos mabaliw ako sa nakita ko noon" saad nito.

"Ayaw mo ba tanggapin ang mundong ito? Para lumaki ka na?" tanong ko.

"Hindi mahalaga sa akin ang appearance ko, Sera. Hindi ko kailanman tatanggapin ang mundong nagpahirap sa Mama ko" saad nito.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon