CHAPTER 64

1.6K 117 16
                                    

Nandito na kami sa barter-an. Magpapanggap si Atreus bilang isang tagapalit. Ipapalit niya kami kapalit sa mga ginto. Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng kaba lalo na sa ambiance ng kaharian. Nakasakay kami sa kulungan na karwahe ni Arlfredo at nagpapanggap na tumakas kami. Pareho kaming nakayuko at nanginginig sa takot dahil sa tingin na ipinupukol sa amin ng mga nadadaanan ng karwahe.

Kaunti lang ang posibilidad na magtagumpay kami dahil hindi namin alam kung sino ang pinakakalaban. Masiyadong mailap ang kalaban namin to the point na maging si Rios na isa sa makapangyarihan ay hindi alam ang identity ng pinuno. 

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko once na makapasok kami. Pero siyempre kailangan kong ayusin. Hindi kami pwedeng pumalpak at dapat mag stick lang kami sa plano. Mas mapapahamak kami kung ganon.

Nagkatinginan kami ni Alfredo nang huminto ang karwahe. Parehas kaming napalingon sa harap at kausap na ni Atreus ang kapalitan. Itinuro niya kami kaya tumingin sa amin ang matandang lalaki at tumango-tango. 

Maya-maya pa ay kinalagan ang kulungan na karwahe at hinila kami. Walang lingon na sumakay si Atreus ng kabayo at umalis dala ang dalawangsako ng ginto. Ang galing niya umarte, kung si Rios yan baka binalibag niya na yung dalawang kawal na humihila sa amin ng marahas. Mahigpit pa naman ang tali sa mga kamay namin ni Alfredo para magmukhang totoo na dinakip kami. Madungis din kami tignan at punit-punit ang hanfu. May mga bahid pa ng sarili naming mga dugo. 

"Saang kaharian kayo galing?" tanong ng gwardiya pero wala ni isa sa amin ang sumagot. Sinampal ako ng lalaki kaya napatabingi ang ulo ko. Pakshet hindi ko expected yon. Ang sakit.

"Mula sa kaharian ni Rough Harry Cazerione" saad naman ni Alfredo kaya napatango-tango ang gwardiya

"Kung ganon, nagmula pala kayo sa kaharian na may pinakamaraming populasyon. Sumamakayo" saad ng isa pang gwardiya at kinaladkad kami. Nag-aalala akong tinignan ni Alfredo kaya ngumiti ako sa kanya para iparating na ayos lang ako.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid sa kung saan kami dinadala. Ang pinapamukha ko ay parang ignorante na manghang-mangha sa paligid.

"Ignorante amputa. Hahahaha" tawanan ng dalawang gwardiya.

"Ganon ba kapangit ang bansa nila" saad ng isa sa kanila. Pasimple ko itong nilingon at binigyan ng nagtataka na tingin kahit pa alam ko na ang tinutukoy nito. 

"Oh anong tinitiongin-tignin mo? Gusto mo sikmuraan kita?" saad ng gwardiya kaya umiwas ako ng tingin at lihim na sumulyap sa tiyan ko na wala pang umbok. Kailangan kong maiwasan na sikmuraan ako o kaya ay mahulog sa hagdan. Makakasama 'to sa bata na dala ko. Dapat pala naisip ko na ito una pa lang. Tama si Rios, hindi ito makakabuti sa akin. Sana pala nakinig ako sa kanya, baka kung ano na ang mangyari sa kanlang dalawa.

"Alam niyo ba kung ano ang agiging parusa niyo?" tanong ng gwardiya habang nakangisi. Napalunok kaming pareho ni Alfredo at sabay na tumango.

"Hirap or sarap" saad ng gwardiya at nagtawanan ang mga ito.

"Pero ang alam ko na parusa ay pagluhod sa mga asin o kaya naman ay munggo" saad ni Alfredo.

"Nasa Crimson kayo, wala sa ibang kaharian. Sumunod kayo sa patakaran namin" saad ng gwardiya.

"Pero kautusan ng Emperor yon" saad ni Alfredo.

"Emperor niyo na mahina? Haha. Nasakop na namin nag Crimson kaya wala kayong magagawa kundi sundin. Malas niyo at dito kayo napadpad" saad ng gwardiya.

Napalunok ako ng ilang beses hanggang sa isakay kami sa panibagong kulungan na karwahe. Kinandado nila ang pinto at pinatakbo ang kabayo. Inilibot ko lang ang paningin ko sa paligid at pilit na inaalam kung saang parte kami. Sana mabilis kumilos sila Rios. Wala kaming ibang magagawa ni Alfredo kundi ang magtiwala sa kanila.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon