CHAPTER 50

1.7K 100 23
                                    

Nandito na kami sa labas at pinapanood ang paligid na nagsasayahan. Napag-alaman namin na kasal na pala si Rough at Franklin noong nakaraang buwan pa. Inanunsiyo kasi kanina nadouble celebration daw para sa kasal at sa Soul Festival. Si Maricar naman ay hindi ko nakita mula kanina. Hindi ko rin magawang magtanong dahil baka maghinala sila sa akin.

"Uy tara sali tayo roon! May paligsahan!" saad ni Kerbie at hinila ako kasama si Hush. Napatingin ako kay Rios pero sumunod lang ito at hinayaan niya nahilain ako nila Kerbie at Hush.

Nakipagsiksikan kami sa gitna at doon namin nakita ang mga lalaki na pulang-pula ang mga mukha habang naglalaro ng dart. Kailangan nila matamaan ang mga bilog na nakadikit sa pader. 

"Ano ang premyo diyan?" taong ko sa isang lalaki dahil mukhang siya ang nagpapalaro.

"Mapapanalunan ang mga itinayang ginto, Hija. Magtataya kayo ng ginto at maglalaban. Hanggang sampu lang ang round pero iba-iba ang makakalaban. Kapag nanalo ka mula round 1 hanggang round 10, makukuha mo ang gitno na itinaya mula sa iba't ibang tao na naghamon sa 'yo. Kailangan maitama ang dart sa mga bilog. Pero bago titira ay iinom ng alak" saad ng lalaki kaya pinanood namin sila.

"Ano wala na ba lalaban sa akin? Wahahaha akin na lahat ng ginto?" tanong ng isang Hari.

"Isang round na lang akin na lahat 'to" masayang saad nito kaya itinaas ko ang kamay ko. 

"Ako!" saad ko at lumapit. akmang pipigilan ako ni Rios pero ngumisi lang ako sa kanya.

"Watch and learn" mayabang na saad ko.

Magaling ako sa Dart at ito ang pinaka nilalaro namin ni kuya. Sumunod ay basketball at badminton. Naglalaro rin kami ng chess kung minsan. Sporty si Kuya Seraphiel kaya napapasama ako sa kanya.

Pumwesto ako sa gitna at pinatunog ang mga daliri. Nagsimula na dumami ang paligid at nagbubulungan. Tinuro pa nila ako na ako raw ang kasama ni Rios kanina. Mabilis din kumalat ang chismis na ako ang napiling Empress kuno ni Rios kahit dalawang oras pa lang ang lumipas. Palibhasa mga Marites.

"Go Aries! Woohoo!" rinig kong cheer ng mga tanga.

"Saan ang taya mo bata?" natatawang saad ng Hari pero napapahiyang dumukot ako sa bulsa ko pero ubas lang ang laman. Ninakaw ko pa kanina sa plato ni Rios.

Lumapit ako kay Rios at ngumiti. Hinablot ko ang bracelet nito at maging ang mga ginto na nakalagay sa damit niya. Kinuha ko rin ang crown niya pero hindi niya ako pinigilan.

"Palalaguin ko 'to" saad ko at nagnakaw ng halik sa kanya.

"Iyowwwn kilig betlog si Eroz" rinig kong saad ni Kerbie at nagtawanan ang lahat. Muli silang natahimik ng sumama ang tingin ni Eroz.

"Ayan. May Diyamante pa yan galing sa asawa ko" pagbibiro ko at nag hiyawan ang lahat. Pansin ko rin na nakatayo sa gilid si Rough at Franklin at pinapanood kami.

"Aries Nieves from Eternal Light Kingdom. You're the first to throw in five, four, three, two, one!" saad ng lalaki kaya ininom ko ang isang basong alak at hinagis ang dart ko. Sapul sa gitna!

"Wohoooo Go Aries!" sigaw nila Hush.

Pagkatapos ko ay uminom ng alak ang Hari na kalaban ko tumira. Sakto din ito sa butas kaya nagpatuloy kami sa pag-inom at pag hagis ng dart. At dahil nakakuha ako ng lucky kiss kay Rios ay nanalo ako. Sinamaan pa ako ng tingin ng Hari bago umalis. Maraming nakapila na naghahamon sa akin dahil gusto nila ang itinaya kong korona ni Rios. Eh paano may mga diyamante, maging ako ay nanakawin ko yan pabalik sa mundo namin. Mahal bentahan niyan.

Nagsunod-sunod na ang mga kalaban ko at nakaramdam ako ng kaunting hilo. Napakunot ang noo ko dahil ang huling kalaban ko ay si Rough. Natawa ako dahil blangko lang ang tingin niya sa akin at siya ang unang uminom ng alak saka naghagis ng dart. Hanggang limang hagis lang ito at kung sino ang mas maraming naitama sa bilog ang panalo. 

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon