CHAPTER 29

1.9K 113 17
                                    

Tanghali na at hindi pa rin dumarating si Atreus. Kahapon ko pa siya hinihintay para makausap pero bigla raw siya umalis pagkatapos kausapin ang Emperor. Mula kahapon hanggang ngayon hindi pa siya nakakabalik. Napahawak ako sa name tag ni Aruelo para maramdaman ko na nandito pa rin siya sa tabi ko.

Napagpasyahan ko maglakad-lakad dito dahil kakaiba ang mga disenyo dito. Malayong-malayo kumpara sa kaharian ni Rough. Mas mamahalin kung titignan ang palsyong ito. Mas malinis din kaya kumportable ako. Sa lahat ng sulok ay malinis at mukang maarte si Atreus sa kaharian niya. Kay Atreus nga ba ang kaharian na ito?

Ngumingiti sa akin ang iilang maids na nakakasalubong ko. Ang iba ay gulat pa na tumitingin na akala mo nakakita ng multo. Dahil ba sa kapayatan ko? Alam kong nangayayat ako pero sino ba naman ang hindi mawawalan sa lahat matapos ng mga nangyari?

"Seraphina"

Saad ng isang maid 'di kalayuan sa akin. Nang maramdaman nito ang tingin ko ay naghingi ito ng tawad at nagmamadaling umalis. Curious na ako sa nangyayari, kating-kati na akong malaman ang lahat at ang patungkol kay mama.

Patuloy ako sa paglilibot at hindi ko mapigilang mamangha. Kahit papaano ay nakakalimutan ko ang mga problema ko. Gusto ko muna libangin ang sarili dahil masyado akong sinaktan ng tadhana. Sobrang daya ba naman niya.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa hagdan. Umakyat ako at muling naglibot sa paligid. Lahat ay hindi ko pinalagpas dahil sa pagkamangha ko. Maganda ang paligid at kakaiba ang theme ng kaharian. Mas malawak din kupara sa kay Rough. Grabe dito pala naninirahan si Atreus. Palakad-lakad lang ako dahil wala rin naman sumisita sa akin. Kakaunti lang ang maids na nakikita ko at wala rin gaanong gwardiya na ipinagtaka ko.

Habang naglilibot ay may nakita akong palutang-lutang na jellytaptap. Habang naglalakad ako papalapit dito ay siya namang paglayo nito. Bumilis ang lakad ko dahil sa kagusto-han na mahuli ito. Sunod lang ako ng sunod sa Jellytaptap hanggang sa paakyat nanaman ako sa hagdan. Hinihingal na napahawak ako sa tuhod ko habang nakatitig sa Jellytaptap na nakastay at mukang hinihintay na habulin ko ito.

"Sera"

Napalingon ako sa likod ko at nakatayo sa likod ko si Atreus. Nagtataka ito sa akin pero hindi ko ito pinansin at muling nilingon ang Jellytaptap pero wala na ito. Kunot noong luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang Jellytaptap pero wala akong nakita.

"What are you doing here?" tanong ni Atreus.

"Ah, naglilibot lang" saad ko.

"You're not allowed here. I mean, lahat naman ay bawal umakyat sa 5th floor" saad nito at hinila ako paalis. Muli kong nilingon ang hagdan at sinilip pa ang madilim na parte. Nakita ko ang Jellytaptap na parang inaasar ako dahil nagpaikot-ikot ito sa ere. BAbalik pa sana ako ero hinila nanaman ako ni Atreus pababa.

"Wag matigas ulo!" inis na saad ni Atreus kaya sumunod nalang ako.

Pagkababa namin ay maraming maids na naka hilera. Lahat sila ay iba ang tingin sa akin. Parang hindi sila makapaniwala na nandito ako at ang iba ay may tuwa sa mga mata. Gulong-gulo ako sa nangyayari. Mamaya ko na lang siguro tatanungin si Atreus patungkol sa mga bagay na gumugulo sa utak ko.

Unti-unting humawi ang mga maids at nagbigay galang. Nang mawala na silang lahat ay napatingin ako sa lalaking nakaupo sa harap. Tumakbo ako papalapit dito at niyakap ng mahigpit. Dinig ko ang mahinang pagtawa nito at niyakap ako pabalik gamit ang isang kamay.

"Salamat Kapitan Gu" saad ko at umiyak. Humiwalay ako sa yakap at tinignan ko siya ng maigi. Putol ang dalawang paa nito samantala wala na ang isang braso. Hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil sa sinapit ng kapitan. May iilang mga sundalo na nandito rin at ang iba ay hindi kumpleto ang katawan.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon