survival --- two

298 12 12
                                    

Magkakasama kami nina Alice sa cafeteria at kumakain. Kakatapos lang ng exams namin. Ganito kasi yon, imbis na iba't ibang araw ang exams, napagdesisyunan ng mga teachers namin na pagsunod sunurin nalang daw yung exams sa isang araw-two at the most para isang lahatan nalang. Inabot ang exams namin ng isa't kalahating araw. Kakatapos lang namin sa last item, Math. Medyo malapit nang magoverheat ang utak ko pero okay lang, konting kain lang maibabawi ko rin ito.

"Kelan kaya ang labas ng results ng exams? Balita ko iba raw ang method ngayon ah!" ani ni Alice. Isa si Alice sa mga kaibigan ko. Nung first year namin hindi naman kami close nyan pero nung nag-second year kami ay saka lang kami naging close. Pero di ko naman sya best friend o ano, basta close friend lang.

"Anong method?" tanong naman ni Niel sa tabi ko. Isa si Niel sa mga pinakamagaling din sa klase namin. Effortless na matalino, konting basa lang at alam nya na kaagad.

"Ganito kasi yon. Nabasa ko dun sa isa sa mga papeles na pinapapasa sakin ni Ma'am Tine nung isang araw na maiiba ang system ng exams at checking ng exams. Hindi ko nabasa yung iba eh." malungkot na sagot ni Alice.

"Ano ba yan, magrerelay nalang nga ng information, kulang kulang pa! Sana nilahat mo na!" sabi naman ni Jasmine habang kumakain. Hindi ko naman talaga sya parang super friend o ano, pinapakisamahan ko lang ganun. Madalas kasi bitch yan, at ayaw ng klase yung ugali nya.

Ako naman ay kain lang ng kain habang sila ay nag-uusap usap. Hindi naman din kasi ako palausap. Mas gusto ko yung nakikinig lang sa kanila kesa naman sa ako yung usap ng usap. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room namin. Hindi pa kasi namin alam kung dismissed na ba kami o may klase pa, wala naman kasing in-announce yung mga teachers.

Naupo ako sa upuan ko at nagpatuloy lang sa pakikinig sa usapan ng iba. Wala din namang kumakausap sakin kaya nakikinig nalang ako. Bigla naman kaming napatingin lahat sa may teacher's table ng biglang may kalabog na nanggaling mula dun. Nasa unahan si Aries, ang presidente ng klase at mukhang may sasabihin. Agad namang nagsibalikan yung mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan, automatic.

"Oo nga pala guys, pag-usapan na natin yung mga projects na dapat nating gagawin sa klase." nagsimula na si Aries sa pagsusulat sa board habang nagsasalita sya. Hindi naman sya kagwapuhan, pero dahil narin siguro matalino sya at madiskarte kaya marami sa mga kaklase kong babae ang humahanga sa kanya. Marami na syang naisulat sa board at nai-discuss ng may biglang kumatok sa pintuan, si Kuya Bryan. May hawak hawak syang isang papel at agad naman itong pinapasok ni Aries sa loob ng room.

"Good afternoon. Hawak ko ngayon yung preliminary results ng exams nyo for the first quarter. Eto yung average ng results ng exams nyo kahapon. Yung final results ay lalabas bukas ng umaga. Sige." pagkatapos nyang magsalita ay idinikit nya yung papel sa may gilid ng board bago lumabas ng room namin. Pagkaalis na pagkaalis naman ni Kuya Bryan ay nagsilapitan agad yung mga kaklase namin.

Ngayon lang nagkaroon ng preliminary results sa history ng pag-stay ko sa school na ito, bagong system nga ata. Alam kong may mga preliminary exams, pero walang preliminary results ng exams. Ano ito, game show?

Hinintay ko muna humupa yung mga tao sa may unahan saka ako tumayo. Sa totoo lang, kinakabahan ako ng konti kahit preliminary results pa lang. Kung ano ang magiging pwesto ko dito, maaaring umangat lang ako o bumaba. Hindi ko alam ang gagawin ko kung bumaba pa ako. Malalagot ako.

Sinimulan ko ang pagtingin sa listahan mula sa taas.

1. Gatchalian, Marianne P. - 92.56

2. Alvarez, Aries C. - 92.43

3. Medina, Roman Carlo J. - 90.61

4. Panganiban, Klarizen Alice M. - 90.52

The Living GameWhere stories live. Discover now