survival --- seven

226 9 1
                                    

"Life always looks like a Russian roulette;

By continuing to do our best,

We are quite exhausted, though."

- DEEP MIND - Buono!

- - - - -

"Yung mga gumagawa ng props, ayusin nyo ah. Malapit na to. Saka major characters, ayusin nyo din kahit practice palang."

Nasa may stage ng auditorium kami at nasa may baba ng stage si Ate Rina, nakaupo sa second row ng mga upuan. Nasa tabi nya yung bag nya tas may hawak hawak syang parang booklet, yung script namin para sa upcoming play. Noong mga nakaraang buwan kasi ay ito lamang ang pinagpapractisan namin, isang play tungkol sa isang modern red shoes.

Yung red shoes, yung isang fairytale dati tungkol sa batang babaeng gustong magkaroon ng pulang sapatos, pero may curse pala ito at habang suot suot nya ito ay wala syang tigil sa pagsayaw. Parang ganoon din ang kwento ng play, may halong comedy, romance, mga kanta, at syempre nandoon ang element ng horror.

Ang role ko ay ang bestfriend ng bidang babae. Yung bidang babae ang nakakuha ng pulang sapatos sa may tabi ng kalsada, at noong nakuha nya iyon ay sinwerte sya kaya ako, na kaibigan nya ay nainsecure at ginusto din ang sapatos para sa sarili ko. Kaya sabihin natin na ang role ko ay isang babaeng mabait kapag kaharap ngunit may mga hidden intentions pala.

Pinagsimula ulit kami ng eksena ni Ate Rina pagkatapos ang sandaling pep talk at break. Ang pinapractice naming eksena ay iyong last scene na, kung saan itinapon na nung bidang babae ang red shoes dahil narealize nyang ito ang nagdala sa kanya sa peligro at nagbigay sa kanya ng kung ano ano pang misfortune. Ang pinakaending ay ang pag-alis nya sa lugar na iyon, at may bagong kukuha ng pulang sapatos.

Nanonood ako mula sa upuan, nakatingala sa may stage dahil medyo may kataasan ito galing sa anggulo ko. Nagdedeliver ng lines ang bidang babae, na si Jasmine nga pala, at todo acting naman sya. Napatingin ako sa may kanan ko at nakita si Ate Rina na nakaupo at nanonood sa nagpapractice.

Nang matapos na si Jasmine sa eksena ay tumango si Ate Rina at tinawag kaming lahat at tinipon sa may stage dahil may mga sasabihin pa daw sya bago kami i-dismiss. Umakyat naman ako sa stage at nakita kong nakasunod sa akin si Ate Rina.

Napaindian sit kaming lahat sa sahig at tanging si Ate Rina ang nakatayo.

"Malapit na ang play natin, so kahit wala tayong masyadong time para sa practice dahil sa iba pang mga activities, sana eh nakakapagpractice kayo sa labas at memorize nyo paring maigi ang lines nyo. Lalo na yung major characters. Alam kong may iba pang organization sya inyo ang iba dyan pero salamat parin sa paglalaan nyo ng oras at ng inyong commitment para sa play na ito. Sa gabi ng foundation day ang play natin, pagkatapos magsara ng mga booths sa may quadrangle. Ito ang pakaaabangan na activity sa araw na iyon kaya pagbutihan nating lahat para hindi tayo mapahiya at ang lahat ng pinaghihirapan nyo ay magkakaroon na ng reward. Mayroon ba sa inyong gustong magsalita?"

Lumingon lingon naman ako sa paligid ko at nakitang wala. Tumango si Ate Rina at dinismiss na kami. Lahat kami ay nagsitayuan sa pagkakaupo at nagsipuntahan upang kunin ang gamit namin backstage. Ang backpack ko ay nilagay ko sa ibabaw nung drawer sa likod kaya agad ko itong pinuntahan upang kunin. Hindi ko pa nakukuha yung bag ko ng lumapit si Jasmine sa akin.

The Living GameOnde histórias criam vida. Descubra agora