living --- seven

467 30 5
                                    

Binalik ko sa bleachers ang natitirang flags na hindi lalampas sa sampu. Nagtira ako ng isa sa sarili ko at hawak hawak ko lamang ito. Bilang pang asar narin sa kanila. Gusto kong makita nila na galit din ako sa sarili ko, kung di nila alam.

Habang pinapaikot ikot ko yung pulang flag sa kamay ko saka ko lang naisip na wala pa palang nagaabot sa akin ng flag. Nakapagtataka. Walang nakakaisip na may galit ako sa kahit kanino? May kinakagalitan nga ba talaga ako sa kanila?

Ito ang problema ko. Ilang beses man akong apak apakan ng mga kaklase ko, nakukuha ko parin silang patawarin at bigyan ng second chance. Hindi ako makapagtanim ng galit sa kahit sino. Hindi ko makuhang magalit ng matagal, unless it's a different case.

Tumingin ako sa klase at napatanong sa sarili ko. Sino nga ba ang kinagagalitan ko?

Nagsibalikan na yung apat at binalik na nila yung labis na flags sa bleacher. Iba sa kanila ay may hawak na flag. Ako lamang ang walang hawak na galing sa isa sa kanilang apat. Tanging ang pulang flag ko lang ang hawak ko.

" ..ehem ehem, ah III - Dove! Tapos na kayo. Good. Ngayon, hawakan nyo ang mga flag na nakuha nyo mula sa limang kaklase nyo. Ngayon, kayo lamang ang nakaalam kung sino ang tumama o hindi. Itaas nyo ang flag ng taong nagkamali ng bigay sa inyo ng flag. "

Nagtaas sila ng mga flag. Naghanap ako ng magtataas ng pulang flag ngunit tatlo lamang ang nakita kong nagtaas ng pulang flag.

Si Bryan, Jake at Ethan.

Napatingin ako kay Stanley at nakitang nakangiti ito ng makahulugan. Saka ko lang napansin, ako ang nakakuha ng may pinakamaraming tama.

" Bago naming iannounce ang scores ay iaactivate na namin ang expansion ng poison sa mga natalo. "

Matapos na matapos sabihin iyon ay gumalaw yung dalawang cadets mula sa di kalayuan at nagpunta sila sa pila at nilapitan isa isa ang mga kaklase ko. Pilit kong tinitignan kung sino ang grupong nakakuha ng mababang score. Nilalapitan isa isa ng cadets yung mga nakapila at kinukuha yung braso nila.

Nasilip ko na parang may metal na device silang maliit sa may kamay nila at tinatapat nila ito sa pulso ng mga kaklase ko. Nang matapos sila sa mga nakapila ay lumapit sila samin at isa isa kaming nilapitan. Kinuha nung isang babaeng cadet yung pulso ko at tinapat yung metal device sa pulso ko. Nakita kong nagshrink yung nakaumbok na parte sa pulso ko. Napahinga ako ng malalim.

" In a couple of minutes-seconds, the losing team will be affected by the poison inside the needle. Now for the points, surprisingly, hindi na Green ang nakakuha ng 10 points. 10 points for Red. 7 for Green, 5 points for Orange. Violet 3 points, and I guess that leaves us with Blue. "

Agad akong napatingin kay Stanley kasabay ng pagkarinig ko sa mga malalim na paghinga ng mga kaklase ko. Walang karea-reaksyon ang mukha nya. Pero nakatingin sya sa akin. Isang sulyap sa mata ni Stanley, at biglang parang alam kong may gagawin na naman sya.

Mabagal ang pagkilos ni Stanley pero walang nakakapansin nito maliban sa akin. Humugot siya ng isang kutsilyo mula sa bulsa nya. Dali dali nyang tinusok ang pulso nya. Nung una ay hindi ko maintindihan kung bakit nya ginagawa ito at ng mahila niya ang isang matambok na kulay silver na kung ano ay saka ko naintindihan.

Tinatanggal nya yung lason sa katawan nya.

Binagsak nya yung kutsilyo kasama narin nung tinanggal nya sa pulso nya. Duguan ang braso at kamay nya at tumutulo ang dugo mula sa sugat nya. Tinanggal nya ang uniform nyang pantaas at binalot ito sa pulso nya.

Buong atensyon na ng klase ay nasa kanya.

Naglabas naman sya ng revolver mula sa bulsa nya at binaril si Alden sa tabi nya. Tumagos ang bala sa ulo ni Alden at sapat na ito para pabagsakin sya. Nagkagulo at nagtakbuhan palayo kay Stanley ang klase pero hindi natigil si Stanley. Naglakad sya palapit, palapit ng palapit kay Caroline at Monica na nakorner nya sa pader at binaril nya ito dibdib. Isa, dalawa, tatlo, apat na putok.

The Living Gameحيث تعيش القصص. اكتشف الآن