survival --- three

291 11 11
                                    

Napatingala naman ako at nakita ko si Ma'am Mendiola na nasa harapan ko at nakalapag parehas ng kamay sa table. Nakatingin sya sakin at nakataas ang isang kilay.

"Did I permit you to use your cellphones? No, I don't think so. You must only act upon my orders, failure to do so will lead to punishment to not just one member of this class, but also the rest. Hand me your phone." sabi nya sa akin at nilahad ang kanang kamay nya, kinukuha ang phone mula sa akin. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang ibigay sa kanya ang cellphone ko.

"Everybody, take out all the contents of your bags. Immediately." utos nya sa amin na wala naman kaming magawa kundi sundin. Nilabas ko ang lahat ng gamit ng bag ko at ng matapos na ako ay sinundan ko naman ng tingin si Ma'am Mendiola. Nasa may unahan sya ni Aries at may parang kinukuha mula dito. Pagkakita ko ay kinuha nya ang cellphone ni Aries pati narin ang laptop nya. Nilagay nya ito sa box na nasa may paanan nya. Sunod sunod nyang kinuha ang mga gadgets namin hanggang sa lahat ay nasa kanya na. Binalik narin namin ang iba naming gamit sa bag namin.

"You won't get these until I say so. Now put your pens and pencils in that box in the center." isa isa naman kaming tumayo para ilagay yung mga ballpen at lapis namin sa may kahon na nasa unahan. Nang matapos na lahat ay tumingin sya sa amin.

"Each of you will go here in front and get 2 or 3 pens. It is up to you on how many are you going to get between 2 and 3. The last person who will take out the last remaining pens will receive a punishment."

Isa isa kaming tumayo para kumuha ng pens sa kahon. Tatlo ang kinuha ko. Kaunti lang ang chance na ako ang makakakuha ng punishment kasi ganito yon. Assuming na ang kada estudyante ay may apat na isinumiteng ballpen, 4 times 20 is 80. May at least 80 pens sa loob ng kahon. Kung ang dalawang estudyanteng magkasunod ay kumuha ng 2 at 3 pens, ibig sabihin 15 and above ang may risk na makakuha ng punishment, o di kaya ay ang first three students. Yun ay kung may at least 80 pens sa loob ng kahon.

Sa pagiisip ko ay hindi ko napansin na tapos na palang kumuha ng mga pens, hindi ko tuloy napansin kung sino ang huling kumuha.

"Rank 1, Aries Alvarez. You were the last person to collect pens from the box. Receive your punishment."

Lahat ng mata namin ay nakatingin kay Aries. Inaabangan ang punishment. Pero may inabot sa kanya si Ma'am Mendiola. Kinailangan ko pang i-squint ang mata ko para makita iyon.

Isang metal stick-hindi. Parang isang metal ruler. May kakapalan ito, kasingkapal siguro ng kalahati ng hinliliit, lengthwise. Ang haba ay approximately 12 inches, like a normal ruler. Kulay silver ito, bakal. Nasa kamay na ito ni Aries ngayon. Nakatingin lang si Aries sa ruler na binigay sa kanya.

"Using the metal ruler, slap your classmates as hard as you can several times, but only those classmates you don't like." ani ni Ma'am Mendiola.

"Paano kung ayokong gawin iyon?" tanong ni Aries habang nakatingin sa hawak nyang metal na ruler. Panandalian naman iyong kinuha sa kanya ni Ma'am Mendiola habang nagsasalita.

"Failure to do so will get you removed from this special class, removed from your rank, and gain a painful execution at the most." casual na pagkakasabi ni Ma'am sa kanya. Napatingin naman si Aries sa amin, mga kaklase nya, tas tumingin ulit sa metal ruler na itinapat ni Ma'am Mendiola sa may dibdib nya kaya pagshift nya ng katawan ay bahagyang nadiin ito sa kanya.

Nakita kong nagiba ang ekspresyon ng mukha ni Aries na parang di mawarian mula sa kinauupuan ko. Lahat ng mata ay nakatingin lang sa kanya. Naghihintay. Si Ma'am Mendiola, nakangiti na naman sya. Ngiting maraming alam. Tulad ng inaasahan ko, kinuha nya mula sa mga kamay ni Ma'am ang metal na ruler saka kami nilingon. Ako naman ay nakatingin parin kay Aries, sinusundan ko ng tingin ang kanyang mga galaw. Narinig kong nagbubulungan sa likod ko si Alice at Roman.

The Living Gameजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें