living --- one

1K 50 10
                                    

Pumasok ako sa classroom namin. Medyo mabigat yung backpack ko dahil exam week namin ngayon tas inuwi ko yung mga libro at notebooks ko para aralin. Actually, hindi ko naman talaga binasa masyado yung mga libro. Nagreview lang ako para sa Algebra kasi alam kong mahina ako dun. Yung iba, konti konting basa nalang. Kung anong mahagingan ng mata. Kaya na naman to mamaya e.

Naupo ako dun sa upuan na malapit sa may blackboard at pintuan dahil hindi na yun sagap ng line of sight ng teacher namin. Nilapag ko ang bag ko sa upuan. Lahat sila nagsipwestuhan sa likuran kasi medyo siksikan yung mga upuan dun at madaling magtanungan. Mga hangal, mahuhuli lang kayo ng teacher dyan.

Nilabas ko yung notebook ko sa Physics dahil ipinapapasa ito ng teacher namin sa exam day. Habang inaayos ko ang notebook ko ay nakita ko si Grace na kakaupo palang sa tabi ko.

" Rina, papakopyahin mo ako ah! Wala talaga akong naintindihan sa Physics natin eh! " sabi nya sa akin.

Tumingin ako sa direksyon nya.

" Sige. Basta papakopyahin mo rin ako ah. May hindi ako alam na lesson e. " sagot ko sabay tingin sa phone ko. 6:56. Malapit na dumating yung teacher namin.

Hindi naman talaga ako matalino-yung talinong logical I mean. Hindi ako magaling sa written exams. Hindi ako magaling sa analytical ganun yung mga compute compute, ni hindi nga ako masyadong magaling magmemorize din ng mga kung ano ano. Magaling lang talaga ako sa recitation at projects.

Magaling lang din talaga akong mandaya.

Naupo si Benj sa tabi ni Grace tas binati ako ng good morning. Sumagot nalang din ako. Sanay na ako sa kanilang ganyan. Dahil exam week na, kailangan na nila ako, ganyan na babatiin na nila ako ganun.

Sa mundo namang to, pag kailangan ka lang saka ka papansinin. Pag patay ka na, saka ka sisikat. Ganun lang kadali.

Masiglahin naman akong tao pero ganyan lang talaga tingin ko sa buhay.

Hindi nagtagal dumating na ang teacher namin sa Physics at walang kagatol gatol na nagpapasa ng test papers.

Nasa unahan ako kaya sa akin unang inabot yung mga papel. Kumuha ako ng isa at ipinasa ito sa likod ko. Nung wala na sakin yung mga papel ay nagsimula na akong magsulat sa test paper ko.

Name. Romina Aquino.

Year and Section. III - Dove.

Tiningnan ko yung unang question.

1. An airplane accelerates down a runway at 3.20 m/s2 for 32.8 s until is finally lifts off the ground. Determine the distance traveled before takeoff.

Hindi ko kailangang tong mga ganito sa totoong buhay.

Nilaktawan ko yung unang tanong dahil hindi ko alam. Mamaya ko na yan huhulaan kapag malapit nang magtime at no choice ako. Tulad nga ng sabi ko, mahina ako sa computations.

Nagpunta ako dun sa mga identification at matching type. Mas kaya ko to. May sandata ako.

NIlabas ko ang cellphone ko na inipit ko sa mga hita ko sa may palda ko kanina pa. Minsan sinisingit ko sa scarf na hawak ko, minsan nasa bulsa ko, ngayon nasa may hita ko sya. Bahagyang umilaw ito ng inunlock ko at agad lumabas ang screen kung saan nakalagay lahat ng mga posibleng sagot sa mga tanong sa exam.

56. The work needed to accelerate a body of a given mass from rest to its stated velocity.

The Living GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon