living --- ten

454 19 13
                                    

Napakabigat ng katawan ko. Parang naging bato yung mga buto sa katawan ko at unti unting nagiging aspalto yung mga lamang loob ko. Mabagal lang ang aking paghinga, dahil yun lang ang kaya kong gawin. Wala akong nakikita kundi dilim. Hindi ako sigurado kung nakamulat na ba yung mata ko o ano. Hindi ko na nga maramdaman ang ibang parte ng katawan ko sa pagkamanhid. I guess hindi masyadong kinaya ng katawan ko yung mga punishment.

Gusto kong matawa sa sarili ko.

Matagal ko nang naiisip yung mga ganito-na hindi ako takot kapag mamamatay ako, o kaya na kahit sumabak ako sa giyera ay kakayanin ng katawan ko. Ang tanga ko. Di pala totoo yun. Dahil sa kahit anong laban, may sugat kang makukuha.

Matapos ang ilang oras siguro ng pagsusubok ay naimulat ko narin ang mata ko at nakita ang pamilyar na carpet ng sala ng bahay namin. Naaalala ko pa na ang hilig hilig kong humiga dito dati dahil ang sarap ng pakiramdam kapag nakahiga ka dito. Para kang nakahiga sa ulap.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakahiga dito sa sahig ng bahay namin-o kung bahay nga namin ba talaga to. Ilang beses akong nag-attempt tumayo pero ang nagawa ko lang ay kalahating upo luhod lang. Inadjust ko yung mga mata ko at lumingon lumingon sa paligid. Nakita ko yung litrato ko na nakaframe sa pader. Yung coffee table naming babasagin sa sala ay nakataob na at basag. Yung mga sofa ay mukhang pinagtutulak. Basag rin ang tv namin.

Nagipon ako ng lakas para tumayo. Nakakita ako ng payong sa may likod ng pintuan at kinuha ito, self defense. Napatingin ako sa damit ko at nakitang school uniform parin ang suot ko, na ngayon ay may bakas na ng tuyong dugo saka may mga punit punit. Nilibot ko pa ang bahay kahit na medyo may kahirapan.

Basag basag yung mga vase namin. Para kaming ninakawan pero wala namang kinuhang gamit. Binuksan ko ang ref at agad uminom mula dun sa pitsel ng tubig. Sobrang tuyong tuyo ang lalamunan ko. Halos maubos ko na yung laman ng isang pitsel. Pagkainom ko ay dahan dahan akong umakyat sa hagdanan papunta sa taas.

Pakiramdam ko ay ilang oras akong umaakyat ng hagdanan sa kalagayan kong ito. Buti nalang ang kwarto ko ay nasa bungad lang pagka-akyat sa second floor. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin ang kwarto ko, walang pinagbago mula nung huli ko itong nakita, nung umaga bago ako pumasok ng school at nakipagpatayan sa mga kaklase ko.

Agad akong napahiga sa kama ko at napatingin sa kisame. Walang masyadong bintana sa bahay namin. Naka aircon kasi. Hindi ko alam kung gabi na ba o umaga. Napagisipan ko na matulog nalang ulit. Napagod ako sa paglalakad.

Nang imulat ko ang mga mata ko ulit ay mas mabuti na ang pakiramdam ko. Napagdesisyunan ko na dumiretso sa cr at maligo. Nang dumampi ang tubig sa katawan ko ay napaatras ako. Kahit ang tubig ay mahapdi para sa mga sugat ko. Dahan dahan kong kinukuskos ang bahid ng dugo sa katawan ko na para bang kapag nawala iyon ay mawawala narin lahat ng nangyari. Majority sa sugat sa katawan ko ay hindi parin gumagaling kaya nung tapos na akong maligo at pinaggagamot ko ito at nilagyan ng gasa. Nagbihis ako ng simpleng tshirt na maluwag sa akin at shorts.

Bumaba ako para tignan kung gaano kalaki ang damage.

Maliban sa mga sirang gamit sa sala ay wala na akong ibang nakitang gulo. Wala rin ang mga magulang ko. Pati ang kapatid ko. Bumalik ako sa taas para tignan ang mga kwarto nila. Parang niransak ang kwarto ng aking mga magulang. Basag ang salamin ng vanity table ni mama. Ang mga unan ay mukhang pinagtatataga at ang cabinet ay bukas. Nandun yung majority ng mga damit pero mukhang hinalughog ito. Wala parin yung mga magulang ko.

Sunod kong pinasok ang kwarto ng mga kapatid ko. Magulo ito, pero hindi ganoon kagulo katulad ng sa magulang ko. Ang laptop nya ay nasa gitna pa ng kama nya. Sumampa ako para tignan ito. Bukas ang laptop nya at nakabukas ang office word. May tinatype sya siguro pero mukhang hindi na natapos ito. Nakita ko ang date sa gilid ng screen ng laptop nya. May sa apat o limang araw na ang nakalipas mula nang maglaban kami.

The Living GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon