living --- four

554 35 7
                                    

Nagising ako dahil sa naramdaman ko nalang na parang nahampas sa kung anong matigas na bagay ang katawan ko. Minulat ko ang mga mata ko pero nakailang pakurap kurap ako dahil wala akong nakikita. Tanging naririnig ko lang ang malakas na sigawan tas yung mga yabag. Napapikit ako dahil biglang nagkaron ng flash ng liwanag.

Minulat ko ang mata ko at nakita ang sahig na may tubig parin, saka ang pants at sapatos ng isang lalaki. Agad kong ginalaw ang katawan ko at nagpapalag para ibaba ako ng kung sino mang may buhat sakin. Binuhat nya ako na para akong isang sako ng bigas at nakasabit sa balikat nya.

Tumatakbo yung lalaking may buhat sakin. Pilit kong hinahawi yung buhok ko para makita ko kung ano ang nangyayari pero dahil sa tumatakbo sya at para akong sakong nakasabit sa balikat nya ay hindi ako makagalaw ng maayos.

Biglang tumigil yung kung sino mang bumuhat sakin at nilapag ako sa sahig na basa. Inayos ko ang sarili ko at hinawi ang buhok mula sa mukha ko at nakitang si Benj ang naglapag sa akin sa sahig.

Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa quadrangle kami ngayon. Bukas parin yung sprinklers and patuloy na nababasa kami. Nakita ko si Ethan na may hawak hawak na flag. Si Monica at Aiden ay nakaupo sa lapag habang si Benj ay nakatayo lang dun ng tahimik.

" Nasan na kaya yung iba? Ang tagal naman yata nila. " narinig kong sabi ni Bryan. Nakaupo sya sa isang mahabang lamesa na nandun. Yung flag nila ay hawak hawak ni John Paul na nakatayo lang sa isang sulok. Si Anna, Marga at Caroline ay nakaupo rin dun sa mahabang mesa.

" May nakasalubong kami sa may library. Grupo nina Race. Tangina nung si Dex. Mahuli sana sila. "

Kami palang yung mga nandun, ibig sabihin first ang grupo nina Bryan at second kami. Naalala ko yung eksena namin ni Bryan sa may rooftop, nung kinuha nya yung flag dun ng ganun lang kadali. Habang ako-

" Pano natin nakuha yung flag? " tanong ko sa mga kagrupo ko na biglang napatingin samin.

" Sumunod ako sayo. Tas nakita ko na nakahandusay ka dun. Tutal wala ka narin namang malay dun ginamit ko yung kamay mo-bali kinuha ko yung flag gamit yung kamay mo. " walang kaemo emosyong sabi ni Ethan habang nakatingin dun sa flag.

" Gago ka ba? Pano kung natuluyan ako? " sabi ko sa kanya. Napapansin ko yung walong pares ng mata na nakatingin sakin pero wala na akong paki.

" Eh di condolence. At least may mabuting napaggamitan yang buhay mo. " sabi nya sabay hinga ng malalim.

" Eh gago ka pala eh! " sabi ko sa kanya. Lalapitan ko sana sya para suntukin man lang kahit isa pero naramdaman ko ang kamay ni Benj sa pulso ko.

" Wag. Sa ayaw o sa gusto mo, tayo ang magkakagrupo. Kung magpapatuloy pa ang group challenges na ganito, kailangan natin sya. Pagkatapos, saka mo sya bugbugin. " bulong ni Benj. Agad ko namang kinalag ang sarili ko mula sa pagkakahawak sakin ni Benj at naupo sa basang semento.

" Nasaan ang cellphones nyo? " tanong ni Bryan samin. Agad naman akong napadukot sa bulsa ko pero wala yung cellphone ko.

Napatingin ako sa kanila at nakitang mga nagtatakang kumakapkap ang mga ito sa bulsa nila.

" Sigurado ako nandito lang yun kanina e-"

" Ako rin e-"

" Ethan may cellphone ka ba? "

" Hindi ko dala. "

" Nasaan na kaya yung phone ko? "

Napatingin ako kina Bryan at Marga na mukhang nagbubulungan. Napangiwi si Bryan pero si Marga ay wala paring emosyon ang mukha.

" Tulad na nga ba ng hinala namin. Yung handcuffs, hindi necessary talaga yun sa challenge na to. Ginawa lang nila yung dahilan para makuha ang ating devices. " sabi ni Bryan habang nakakunot ang noo.

The Living GameOù les histoires vivent. Découvrez maintenant