living --- three

617 34 4
                                    

" As a group, kailangan nyong umikot sa school at maghanap ng kahit anong sa tingin nyo ay makakatulong sa inyo sa larong ito. Inflicting damage on the opponent is legal. Good luck. Next challenge will be announced. "

Nakapatong ang mga paa ni Sir Martinez sa table at pinapaikot ikot ang baril sa kamay nya. Bumukas ang pintuan ng classroom namin at walang nagsubok na maunang lumabas. Lahat kami ay nakatayo lang.

" Ano, hindi kayo lalabas? Nauubos na ang oras nyo. LABAS! " sigaw ni Sir Martinez. Nagmamadaling lumabas yung pinakamalapit sa pintuan, yung grupo nina Jake. Nagsunuran ang ibang grupo.

" Sa oras na lumabas kayo ng classroom ay bawal na kayong bumalik, unless sinabi ko. "

Isa kami sa mga grupong huling nakalabas ng room dahil nasa may sulok kami na may kalayuan sa may pintuan. Mas humirap pa ang paglalakad dahil nakaposas yung kamay namin sa isa't isa. Tanging mga nasa dulo lang yung may isang free hand. Si Ethan at Benj ang nasa dulo kaya sila yung may free hands.

Kakalabas palang namin ng hallway. Nasa unahan si Benj maglakad bale pangalawa sa huli ako. Nasa likod ko si Ethan at naglalakad kami ng isang diretso. Si Monica ang nasa harapan ko at nasa harapan nya si Aiden.

Wala nang tao sa hallway maliban sa amin. Tanging mga yapak lang namin ang naririnig namin. Biglang nagsalita si Ethan sa likod ko.

" Since this is a game we have to play smart. Sabi nila maghanap tayo ng kahit anong sa tingin natin ay makakatulong satin. That means anything. For sure nagset up sila ng mga weapons dito para pag agawan ng mga kaklase natin. It will be easier if gagawa nalang tayo ng makeshift weapons natin. " sabi nya.

" Hindi kaya mahihirapan tayo? " sabi ni Monica.

" No we won't. Madali lang gumawa ng makeshift weapons. I know one na madali nating magagawa. " sabi ni Benj sa harapan namin. Patuloy lang sya sa paglalakad at sumusunod lang kami dahil sya nga nasa unahan. Tumigil kami sa harap ng isang room at sinubukan itong buksan ni Benj. Hindi nakalock yung room kaya madali kaming nakapasok. Pagkapasok namin ay nilock namin ito saka kami napatingin sa room.

Homeroom ng kung anong year ang napasukan namin.

" Una, kailangan nating matanggal tong posas na to. " sabi ni Benj.

" Hindi ba bawal yun? " tanong ni Aiden sa kanya.

" Walang sinabi sa rules na bawal magtanggal ng handcuffs. " sagot ko kay Aiden. Napatingin ako sa kamay ko na nakaposas kay Ethan at medyo ginalaw galaw ko ito. Nakakapagtaka, may kalakihan yung space nung posas sa may pulso ko.

Ibinwelo ko ang kamay ko at biglang pinwersa ito na makalag mula sa pagkakaposas.

Napatingin ako sa may pulso ko. Namumula ito, pero tanggal na sa pagkakaposas. Itinaas ko ang kamay kong kakakalag lang.

" Madali lang kumawala. Kailangan lang pwersahin. Hindi nga yata to mga totoong posas e. " sabi ko sa kanila.

Nagkanya kanya kaming batak at pwersa sa aming mga pulso hanggang sa lahat kami ay hindi na nakaposas. Hinihimas ko ang isa kong pulso habang naglalakad papunta sa lockers. Lumapit ako sa may cleaning supplies at nakakita ng walis tingting, tambo, balde, mga basahan, sabon, dust pan, at dalawang mop.

Agad kong kinuha yung mop at tinignan ito. Gawa sa kahoy yung mahabang hawakan tas may bakal na kung ano sa dulo na nagsisilbing holder nung basahan na panglinis. Tinanggal ko yung basahan sa dulo kaya ang natira nalang ay yung metal sa dulo at yung kahoy na hawakan. Inikot ikot ko ito sa mga kamay ko. Lumapit sakin si Benj at kinuha yung isang mop.

Nagsimula narin kaming maghukay hukay sa mga lockers na nandun. Nakakita si Monica ng cutter at lighter sa loob ng lockers. Binali ni Ethan yung mismong walis dun sa tambo at pinagmukha itong isang spear. Nakay Aiden yung isa pang mop tas si Benj ay abala sa paggagawa ng kung ano sa teachers table.

The Living GameWhere stories live. Discover now