survival --- five

266 13 4
                                    

Bitbit ko ang aking bag habang naglalakad sa hallway ng school. Kakatapos lang ng laro kanina at pagkatapos ay ibinalik sa amin ang mga nasamsam na gamit tas pinaalis na kami. Hindi naman ako nagdalawang isip pa na magtagal sa kwartong iyon at nauna pa nga akong lumabas kesa sa mga kaklase ko. Naglalakad ako ng biglang may maramdaman akong braso sa balikat ko.

Lumingon naman ako at nakita si Aries na nakahawak sa may balikat ko. Lumingon ako ng maayos sa kanya kaya binitawan nya narin ang braso ko.

"Pwede ba tayong magusap?" tanong nya sa akin, ang mukha ay di masyadong kaaya aya ang expression. Mas matangkad sya sa akin ng kaunti kaya nakababa sya ng tingin. Nagcross naman ako ng arms ko habang nakatingin sa kanya.

"Nag-uusap na naman tayo. What's the chase?" tanong ko sa kanya.

"Alam kong maraming tumatakbo sa isip mo ngayon."

"And so? Diba sabi ko cut to the chase na? I don't have time for your ramblings-"

"Help me win this game."

"Bakit naman kita tutulungan?" nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. It's not like him to ask stuff like this. Alam kong alam nyang mapride sya at mataas ang tingin sa sarili.

"Kapag tinulungan mo akong manalo, your reputation will be easily cleaned. I'll clear it for you, I can do that considering the power I have-"

"Goodbye, Aries." pagpapaalam ko sa kanya tsaka ako naglakad na papalayo. Ine-expect kong susundan nya ako at magpapakumbaba ng sarili at kukumbinsihin akong tulungan sya. Nagbilang ako ng ilang segundo. Napangiti ako ng konti ng marinig kong tinawag nya ang pangalan ko. Tama na nga ba ako.

"I'll do whatever you want. You'd rather have me as your ally than your enemy." sabi pa nito sakin. His voice sounds, a bit desperate.

"Not interested. If you were half as good as you really are you wouldn't ask for help in the first place, and you'd be the most confident." walang kaemo-emosyon kong sagot sa kanya.

"You really are living up to your reputation as a heartless bitch huh Genevieve?"

Nilingon ko sya at tinignan sya. Medyo malayo layo narin yung agwat ko sa kanya kaya naglakad ako papalapit sa kanya. Nung mga isang braso nalang ang layo ko sa kanya ay tinitigan ko sya.

"I may or may not be a heartless bitch, your opinion means nothing to me. I can't help you, because apparently in this game I'm supposed to defeat you."

Tinalikuran ko na sya at naglakad papalayo. Buti hindi na sya sumunod. It would be a really stupid move if he still followed me. He'd look really really desperate. And the fact na sya pa naman yung president, he's trying to seek refuge underneath everybody, makes him a really really weak king.

Akala ko makakapaglakad na ulit ako ng matiwasay at walang kumakausap pero nagkakamali ako. Wala pang two minutes ng paglalakad magisa ay nakarinig ako ng mga yabag sa may likod ko, yung tila humabol ba sa paglalakad ko dahil nahuli sya.

Hindi ko na kailangang lumingon pa para makitang si Alice ito.

"Nakita kong kinausap ka ni Aries ngayon ngayon lang ah. Anong sinabi nya sayo?" sabi ni Alice na nasa tabi ko na.

"Tulungan ko daw sya manalo, in return lilinisin nya reputasyon ko." bored kong sabi.

"Eh? Talaga? Inexpect ko nang may gagawin sya sa pagkatalo nya ngayong araw na to pero hindi ko inexpect na ibi-bribe ka nya ng ganon. Tinanggap mo?"

The Living GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon