survival --- nine

225 14 1
                                    

Kakaunti lamang ang tao sa room dahil foundation week na nga ng school. Late na nga rin ako pumasok dahil wala namang masyadong gagawin. Mamayang gabi pa ang first run ng aming play, at balita ko ay sold out ang seating ng first show. Hindi lamang naman kasi mga students ng school namin ang manonood ng play, may mga naimbitahan din na galing sa ibang school para mas malaki ang kitain ng drama club. Kaya extra pressure, pero parang wala na naman yun sakin.

Halos lima lang ang naiwan sa classroom namin, kabilang na doon si Yvonne, Ryan at Marianne. Si Yvonne ay naggugupit ng kung ano pati narin si Marianne. Si Ryan ay kaharap ang laptop nya at may ginagawa.

Ako naman ay dumiretso sa may locker ko para magbawas ng dala. Pagbukas ko ay may bumagsak na parang kulay itim. Ibinaba ko naman ang bag ko sa isa sa mga empty seats sa malapit sa akin at saka nagsquat ako para kunin yung nalaglag at nakitang isang envelope ito na may pangalan ko sa harap. Binaliktad ko yung envelope at nakitang nakaseal ito gamit ang isang gold sticker. Binuksan ko ang envelope at nakakita ako ng card sa loob.

Congratulations! You are invited to the second round of the Living Game. Having garnered the top spot in the examinations you have the advantage in this round. Tomorrow evening, go to your designated location at the designated time which is attached in this card.

 

Reminder: Never tell anybody your rank, designated location and time.

 

Biglang may tumawag sakin kaya agad kong ibinalik yung card sa envelope at bigla iyong nilagay sa may loob ng locker.

"Mamaya na nga pala yung first show nyo diba? Good luck." sabi sa akin ni Raymond na may isang metro rin halos ang layo sakin. Sukbit sukbit nya pa ang bag nya, mukhang kakarating nya lang. Hindi sila sabay pumasok ni Ryan?

"Ah oo nga, salamat. Kakarating mo lang? Hindi yata kayo sabay ni Ryan?" ani ko sa kanya sabay turo kay Ryan na nakaharap parin sa laptop nya.

"Kakarating ko nga lang, maaga sya kasing pinapasok ng Editor in  Chief kasi may trabaho pa silang di tapos."

 

"Hmm, kaya pala."

 

Hindi naman ako kumibo na at hinintay si Raymond na sumagot o ano, pero parang may gusto syang sabihin na di nya masabi sabi o ano. Nakatingin lamang ako sa kanya tapos napakamot pa sya ng batok nya.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

"Ah wala, parang iba kasi hitsura mo ngayon?"

"Huh?"

 

"Wala ano—parang ang ganda mo ngayon pero araw araw ka naman maganda ganun hindi sa ngayon ka lang maganda pero—ah basta."

"Kung ganon, sige salamat." sagot ko pa tas nagsimpleng ngiti ako sa kanya. Sya naman ay parang nahihiyang umalis na. Nung nakatalikod na sya ay may parang binubulong sya pero hindi ko masyadong marinig tas tinuktukan nya yung ulo nya gamit yung kamao nya.

Kinuha ko ulit yung maliit na envelope sa locker ko pati yung kailangan ko tapos nilagay ko sa bag ko. Bagong bag na nga pala iyon dahil nasira nga yung isa kong ginagamit dati. May secret pocket itong bago kong bag kaya minabuti kong dun ilagay yung envelope, buti nalang kasya. Dala dala ang bag ko, pumunta ako sa auditorium para sa final checking sa play namin.

The Living GameWhere stories live. Discover now