survival --- twelve

149 9 1
                                    

Nang magising ako ay sumalubong sa akin ang isang imaheng hindi ko inaasahan. Nakatali ako sa isang upuan, pati narin ang mga kamay at paa ko. Nasa isang classroom ako at gulo gulo ang mga upuan sa paligid. Nakaupo si Niel sa sulok at pinaglalaruan ang kutsilyo na hawak hawak nya. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at ang tanging nagsisilbing ilaw sa lugar na iyon eh yung buwan sa labas. Maliban doon ay medyo madilim na lahat.

"Ang bilis nating magbago ah." Sabi ko sa kanya. Automatic na napatingin sya sa direksyon ko.

"Gusto ko nang makaalis sa larong ito." sagot nya. Walang bakas ng emosyon sa mukha nya at kita ko pa ang dugo sa kamay nya.

"Kaya papatay ka? Kasabwat mo ba si Erina?" tanong ko. Naalala ko ang sinabi ni Erina sa akin, at sigurado akong hindi lamang ako ang inalok nya ng ganung opportunity, na pumatay para makaalis sa laro.

"Why not?"

Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at may dalawang pigurang pumasok sa loob ng kwarto. Speak of the devil, and her boyfriend.

"Genevieve." mahinang sabi ng boyfriend ni Erina. Hindi ako noon sigurado sa identity nya, may ideya ako pero hindi sigurado. Pero sa pagpapakita nya ngayon sa harapan ko, katabi si Erina na nakakapit sa kanya na para bang linta, tama na nga ba ako. Si Ryan ang latest boyfriend nya.

"Anong kailangan nyo ba sakin?" tanong ko sa kanila. Nakatayo ang dalawa sa may harapan ko at si Niel ay nakaupo parin.

"Ikaw ang isa sa mga strongest contenders sa larong ito, of course I'd want you out of this game." ani ni Erina. Inaayos nya pa ang buhok nya habang sinasabi nya iyon, nakakainis tignan.

Hindi nya na kailangang magpaliwanag palang. Nakukuha ko na, parang may ideya na ako sa pinaplano nya.

"Kanina ko pa sya gustong tapusin kaso sabi niya hintayin ka daw—" tinuro pa ni Niel si Ryan.

"Buti hinintay mo ako, may mga gusto lang kasi akong malaman bago sya magpaalam sa mundong ibabaw."

Napatingin naman ako sa kanya ng marinig ko iyon.

"Curious ako, nakarinig ako ng isang kwento noon. May isang estudyante daw sa school ang naging girlfriend ng isang fourth year student, habang ang estudyanteng iyon ay freshman palang. Kumakalat kalat na chismis lang naman yan." Naglalakad sya, iniikot ang upuan ko habang nakatingin sa akin.

Alam ko na kung saan pupunta ang sinasabi nyang ito.

"So ayun, freshman tapos senior yung dalawang yun. Maraming kumalat na chismis tungkol sa dalawa, na nagalaw na daw nung senior yung freshman na iyon, at iba pa. Pero mas lumala iyon ng mamatay yung senior na iyon. Marami sa mga bintang ang napunta sa freshman na estudyanteng iyon. May kumalat pa nga na pinatay daw noong freshman yung senior dahil sa hindi daw nagkaintindihan ang dalawa, or psycho daw yung freshman, ganun. Ngayon, bago ka namin ihatid sa kabilang buhay, bibigyan kita ng pagasang umamin. Ikaw yung freshman na yun diba?" hawak hawak ni Erina ang baba ko at itinaas ito para ba tingalain ko sya. Tinitigan ko lang sya at di kumibo. Umiling si Erina at binitawan ang baba ko, dahilan upang biglang bumagsak ang ulo ko.

"Alam ko namang ikaw talaga yon. Gusto ko lang marinig galing sayo. Kasi involved ako sa issue na iyon."

"Paano ka naman nainvolve dun?" tanong ko sa kanya. Nakataas pa ang isang kilay ko.

"Let's just say na kapatid ko yung senior na yun."

"Kapatid mo pala si Earl—" hindi pa natatapos ni Ryan ang sinasabi nya ng lingunin sya ni Erina.

"Shut up Ryan." agad nitong saway sa boyfriend. Agad namang nanahimik si Ryan at medyo umatras.

"Marami ka pang dapat malaman, too bad you're not going to be alive to know it all." Humahalaklak pa si Erina habang sinasabi iyon, demonyitang demonyita lang.

The Living GameWhere stories live. Discover now