survival --- eight

206 10 0
                                    

May isang hari at isang reyna noong unang panahon. Ang reyna ay may buhok na parang ginawa sa maninipis na sinag ng araw, at ang kanyang kutis ay parang sa hangin sa pagkapino. Ang reyna ay may mabuting puso, mapagalaga, at walang masamang tinapay na dinadala. Lahat ng tao sa kaharian ay hinahangaan sya at kinagugustuhan sya. Ang hari ay may mukhang kaiinggitan ng lahat ng lalaki, ugaling kaparis ng sa isang sundalo—matapang at matapat, di makasarili, at alam ang tama sa mali. Isa siyang mabait at magaling na hari, kaya ang lahat ng mga tao ay nirerespeto sya.

                                                       

Walang ibang hinangad ang hari at reyna kundi magkaroon ng anak. Babae man o lalaki, basta anak na masasabi nilang kanila. Anak na magdadala ng pangalan nila, at mamumuno sa kaharian nila sa takdang panahon. Ginawa nila lahat hanggang sa isang araw ay napabalitaang nagdadalang tao na ang reyna na siyang ikinatuwa ng buong kaharian.

 

Lahat sila ay pinakaaabangan ang pagsilang ng reyna sa bata.

 

Hanggang sa dumating na ang araw na nagsilang na ang reyna. Isang babaeng sa kapanganakan pa lamang ay kitang kita na ang kagandahan nitong walang kapantay. Minahal ito ng buong kaharian pero mas lalo ang pagmamahal ng magulang nya sa kanya.

 

Lahat ng gusto ng prinsesa ay ibinibigay ng hari at reyna. Pero kahit na ganoon ay lumaki ang prinsesa na tulad ng kanyang magulang, mabait, mapagalaga, matapang, matapat at di makasarili.

 

Pero habang lumalaki sya ay nagkakaroon sya ng kagustuhan na alamin ang mga bagay bagay. Tanong sya ng tanong sa kung kani kanino. Nang makita nya ang panadero na nagluluto, nagtanong sya. Nang makita nya ang magsasaka na nagtatanim, nagtanong sya. Nang makita nya ang tindera na nagaayos ng mga bentahin ay nagtanong sya.

 

Isang hapon na tulog ang mahal na hari at reyna ay lumabas ang prinsesa mula sa kanyang kwarto at naglibot libot sa bayan magisa. Tulad ng kanyang nakagawian ay nagtatanong sya sa mga tao ng kung ano ano. Kausap niya ang panadero ulit ng makarinig sya ng sigaw. Tinanong nya ang panadero kung may narinig ito pero tanging iling lang ang sagot nito.

 

Umalis ang prinsesa, iniwan ang panadero at hinanap ang pinanggagalingan ng sigaw. Naglakad pa sya, naglakad lakad pa hanggang sa napunta sya sa may likod ng isang gusali. Nakita nya ang isang bata na halos ka-edad nya, gusgusin ang katawan at may sugat sa may mukha. Mukhang namimilipit pa ito sa sakit.

 

'Anong nangyari sa iyo bata? Bakit ka nagkakaganiyan?' tanong ng prinsesa.

 

Nagpatuloy ang bata sa paghiyaw sa sakit. Nakahawak sa may tyan nya. Ang prinsesa ay tila naguguluhan sa kung anong nangyayari kaya tinanong nya ulit ang bata.

 

'Anong nangyari sa iyo bata? Bakit ka nagkakaganiyan?' tanong ng prinsesa.

 

Hindi mabilis nakakilos ang prinsesa. Nagulat na lamang sya ng biglang may panaksak na nanggaling sa may tyan ng bata at sinaksak sya sa may dibdib. Ang gusgusing bata ay nagmamadali, kinuha ang maliit na koronang suot ng prinsesa, tinignan ang bulsa ng suot at kinuha ang mga kapiraso ng ginto na dala dala nito, pati ang sapatos na may diyamante at kristal ay kinuha.

The Living GameWhere stories live. Discover now