living --- nine

448 27 4
                                    

" I'm very much impressed with your performances at this level, not the best but I did not expect much from your batch. Well done. For the last and final level, proceed to the auditorium. "

Napahinga ako ng malalim habang naglalakad papuntang auditorium. Napatingin ako sa langit. Ang dilim.

" Kanina pa ako nagmamath. 12 ang namatay sa level 4, level 3 pababa 12 din. 24 total, ibig sabihin anim nalang tayo. " sabi ni Michelle habang minamasahe yung balikat nya habang naglalakad.

" Tayo na yung tatlo. " sabi ni Stanley.

" Hindi ko pa nakikita si Bryan, pati narin si Ethan. " mahina kong sabi.

Malapit lang yung food court sa auditorium kaya mabilis kaming nakapunta. Sa isang normal na araw, nakapadlock yung pintuan sa labas tas may makapal na kadena na nakapulupot dun sa handles ng pintuan. Pero hindi normal na araw lang ngayon. Wala yung kadena at padlock pero nakasara yung pintuan. Binuksan namin ito nila Stanley.

Pagkapasok namin ay awtomatikong nagbukas ang ilaw ng auditorium. Nakaupo sa may gitna ng stage ang isang lalaki, si Silver. Pumunta rin kami sa may entablado at naupo sa gitna. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko, pagod ng katawan, pagod ng utak. Humiga ako sa may stage. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Maya maya ay tumayo ako para magpagpag ng damit. Malayo pa lamang ay nakita ko na ang anino ni Ethan na papasok sa auditorium. Nagkatinginan kami at bigla syang parang nanakbo bigla.

Hindi ko alam pero parang natuwa ako na buhay pa sya. Nakakainis naman. Dapat nga mainis ako kasi buhay pa sya, pero hindi ko makuhang magawa.

Nanakbo sya paakyat ng stage at nagulat na lamang ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

Hindi sobrang higpit at hindi sobrang luwag. Yung tamang higpit. Yung higpit na parang gumagamot ng sugat mo sa katawan mo at sa kalooblooban mo. Yun yung higpit nya.

" Buti nalang buhay ka pa. " sabi nya sakin habang yakap nya ako. Para lang naman akong naistatwa doon.

Naiinis ako sa kanya. Bakit nya to ginagawa? Lalo nya akong ginugulo.

" Bitawan mo ako. " malumanay kong sabi sa kanya. Para syang biglang nabuhusan ng malamig na tubig at umiling tas nanahimik ulit at pumwesto sa tabi ni Silver.

Matapos nya akong paasahin tas sasabihin nya sakin na hindi pa sya handang magmahal at patuloy akong iniiwasan, bigla syang aakto ng ganun.

Yayakapin nya ako na para bang sobrang nagpapasalamat sya na buhay pa ako. Bakit? Para may gagaguhin parin sya?

Ayoko, ginugulo nya ako.

Gago ka Ethan. Pinaglalaruan mo na naman ang damdamin ko. Gago ka talaga.

Naupo ulit ako sa pwesto ko kanina at nahiga. Pinikit ko ang mga mata ko dahil ayokong makita si Ethan. Baka kung ano ang masabi ko at magawa.

" Ano kaya tong mga to? " sabi ni Michelle. Minulat ko ang mata ko at nakitang nasa may front row sya ng mga upuan. Sinilip ko kung ano yung tinutukoy nya.

May mga kahon. Tatlong itim na kahon. Ipapasok palang ni Michelle yung kamay nya sa box ng biglang makarinig kami ng yabag.

" Bryan! " sabi ni Michelle sa kadadating lang siguro na si Bryan. Ibig sabihin kumpleto na kami.

Ilang minuto din kami nakapagpahinga bago naming narinig na sumara ang pintuan ng auditorium. Dinig namin ang pagclick ng sapatos ng naglalakad, nakaheels ito. Napatayo kami ng makitang isang babae ito, bata pa ang hitsura nya siguro nasa twenties sya tas nakaputing long sleeves ito at palda na pang office.

The Living GameWhere stories live. Discover now