survival --- six

286 8 7
                                    

"You don't have to worry about what the people around you say;

Guys who talk bad about you can't be depended on."

- I'm Not in the Mood for Losing Tonight's Battle - Morning Musume;




- - - - -

Pumasok ako sa room namin at nagdirediresto sa upuan ko. Balik na kami sa normal naming klase at ang mga kaklase ko ay balik na ulit sa kani-kanilang normal na buhay. Yung mga nangyari nung isang araw sa laro? Parang isang panaginip lamang.


Pero dahil sa pribilehiyo nga raw para sa amin iyon, meron kaming special class araw araw pagkatapos ng klase namin, pero walang laro. Pinagbabasa lang kami ng mga advance na libro, pinaggagawa ng mga seatwork at kung ano ano pa. Habang nasa special class na iyon kami ay tila lahat ng mga kasama ko ay nakaupo sa dulo ng upuan nila-meaning lagi silang tensyonado, nagaabang ng kakaibang mangyayari o di kaya ay nageexpect na magkakaroon ulit ng laro.


Naupo na ako sa upuan ko. Kakaunting upuan na nga lamang ang bakante dahil halos lahat ng mga kaklase ko ay nandito na. Muntikan na yata akong ma-late, napatingin pa ako sa phone ko para ikumpirma kung sakto lang dating ko.


Maingay ang mga estudyante, given na naman iyon para sa isang normal na klase. Isang normal na klase na nagtatago ng mga lihim.


Kinuha ko ang notebook ko para sa unang period pati narin yung libro ko. Binuksan ko iyon dun sa huling naging lesson namin kahit nabasa ko na ito kagabi pa. Baka kasi may biglaang quiz. Nagbabasa ako ng biglang may kumalabit sa braso ko.


"Alam mo ba, nawawala daw si Sandy?" sabi ni Roman sa akin habang nakaupo sa upuang kalapit ko. Yung braso nya ay nakapatong sa desk pero ang atensyon nya ay nasa akin.


"Nung isang araw pa sya nawawala ah. Nung special class pa." sabi ko. Naalala ko kasi yung mga sinabi ni Alice.


"Oo nga, dun nagsimula yun. Wala sya nung araw na yun diba? Tapos wala rin sya nung kinabukasan. Ang balita namin, nawala rin daw bigla yung pamilya nya-pumunta daw sa probinsya o ano."


"And so?"

"Wala. Never mind." medyo iritadong sabi ni Roman. Hinayaan ko nalang sya. Nakakagulat nga ng konti kasi kinausap nya ako. Medyo hindi naman kami close.


Sa totoo lang, konti lang naman talaga yung tunay kong ka-close sa room. Hindi ako mahilig sa malaking circle of friends, saka hindi rin naman ako masyadong ine-encourage nila mama at papa na magkaibigan sa school kasi magiging sagabal lang sa pag-aaral saka baka maimpluwensyahan ako ng mga masasamang gawain. Ang mga kaclose ko lang ata ay si Alice, Niel, pati si Raymond. Hindi ako ganoon kakomportable kay Ryan pero okay lang sya. Yung iba, medyo malayo na ang loob ko o kaya ay pinaplastic ko nalang, tulad ni Jasmine dahil kasama ko sya sa club.

The Living GameHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin