survival --- ten

213 13 1
                                    

Alas kwatro na ng hapon at hindi na magkanda-ugaga ang lahat. Alas kwatro na at nawawala parin si Jasmine. After lunch ang call time namin para sa play dahil konti nalang naman ang aayusin props-wise at para may pahinga pa pero wala parin sya. Kanina pa sya tinatawagan nung isa sa mga senior na incharge sa mga taong involved sa play at halos magusok na ang phone nya sa kakatawag kay Jasmine pero walang sumasagot ng phone nito.

Nang mag 4:30 na ay may lumapit sa aking isang freshman at sabing pinapatawag daw ako ni Ate Rina. Alam ko na kung ano ang sasabihin nya, may ideya na ako pero hindi ko alam, iba talaga ang pakiramdam ko.

"You'll be the lead tonight. Jasmine is unable to perform. You know her lines naman diba?" sabi ni Ate Rina agad pagkakita sa akin.

"Bakit sya hindi makakapunta ngayon?" tanong ko.

"What do you think is the reason behind her absence tonight?"

"Nauna akong nagtanong."

"Why are you so cocky suddenly? Anyway, you should get ready." ganun ganun lang ay dinismiss nya ako, pati ang tanong ko.

Pumunta nalang ako sa dressing room at hinanap ang damit na isusuot ko. Naghair and makeup narin ako, yung katulad ng sa karakter ni Jasmine dahil ako na nga ang gaganap noon. Yung understudy naman ng totoo kong character ay humihingi sakin ng tips or whatever dahil kinakabahan daw sya.

Nakaupo ako sa harap ng salamin at iniisip ang mga lines na sasabihin ko. Isa isa ko itong sinasabi sa isip ko ayon sa pagkakasunod sunod ng lines. Pati narin ang actions na gagawin ko. Buti nalang at napanood ko ng maigi si Jasmine kapag nagpapractice kami.

Hindi nagtagal ay tinawag na ako dahil magsisimula na ang play. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Yung mga balahibo sa batok ko ay nagsisitaasan, pati narin yung nasa braso ko. Tumalon nga ako ng bahagya para mawala yung kaba.

Naglights off na, senyales para pumunta ako sa pwesto ko. Madali ko namang naideliver ang gagawin ko. Hindi ko pinahalata na medyo kinakabahan ako habang umaacting ako.

Nasa climax na ang eksena, kung saan ang conflict ay ang kasamaang dinudulot ng sapatos ay lumabas na ng buong pwersa. Nang isang iglap na napatingin ako sa audience, parang nakita ko si mama na nanonood, pero di ako sigurado. Alam kong di naman sya pupunta sa event na ganito. Hindi nya ako papanoorin. Wala syang interes.

Nagpatuloy pa ako sa ginagawa ko. Gustong gusto ko ang pakiramdam habang nakatayo sa isang entablado na tulad nito. Gusto ko yung maipakita ang talent ko sa lahat.

Natapos ang play ng walang anong aberya. Nang magcurtain call na ay unang tinawag ang pangalan ko dahil ako ang lead ngayong gabing ito. Nagbow naman ako at inextend ang palda ko na parang sa prinsesa.

Natapos ang buong show, bumaba na ang kurtina. Bumalik na ulit ako sa backstage at nagthank you sa mga bumati sakin na mas nabigyan ko daw ng hustisya yung role ko kanina. Alam kong insulto iyon kay Jasmine dahil sa kanya naman talaga ang role na ito pero anong magagawa ko kung yun ang opinion ng mga tao diba?

Kinuha ko ang mga gamit ko pati narin yung paper bag ko na naglalaman nung damit ko para sa game mamaya. Sabi kasi doon na kailangan formal ang suot. Ayokong magpalit ng damit dito sa may dressing room dahil paglabas ko ay tiyak na magtataka sila sa kung bakit ganun ang suot ko.

Napatingin ako sa relo ko habang nagpapaalam sa mga staff ng play, ang backpack ko ay nasa likod ko at ang paperbag ay hawak hawak ko. Halos magni-nine narin.

Pumunta ako sa pinakamalapit na cr sa designated location ko. Sa cr sa may first floor ng college building, dahil ako ay naassign sa may park sa loob ng college building.

The Living GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon