survival --- eleven

206 10 1
                                    

"Hi Genevieve. Para tayong pinagtritripan no?" sabi ni Erina. Nakakulay itim syang dress na may mahabang train sa likod, yung parang sa coat ng magician. May mga kumikintab pang parang jewels sa top nya at nakangiti sya sakin.

"Surprised? So am I. Ganito pala ang pinaggagagawa nyo." ani nito. Mukhang wala syang ideya na alam kong kasali sya ngayon kaya sinakyan ko nalang sya.

"Buti madali kang naka-adjust."

"I was oriented to everything, nung Ma'am Mendiola ba yun. It wasn't very easy to take it all in on a short period of time, but I'm okay."

Si Erina ay ex-girlfriend ng isa sa mga kasali sa larong ito ngayon, at current girlfriend rin ng isa sa mga players ngayon dito. I don't think she's stupid or anything but she looks like she is. Sa pagkakaalam ko, ay kasali sya sa lower half ng klase. Tamad mag-aral, vanity ang priority and may pagka-easy girl sya, pero hindi ko alam, baka judgmental lang talaga ako. Dahil sa isang generous giver ang nanay nya sa school namin ay nasa top section parin sya at may stable grades, hindi nga lamang ganoon kataas.

"Good for you."

"Oh, bago ko makalimutan, I'm here to make a conditional trade." ani nito. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Conditional trade, you say?"

"Yes. I want you to do something for me, at hanggang hindi mo pa nagagawa yun ay hindi ko maibibigay sayo ang object for trade."

"Anong kailangang gawin?"

"Gusto kong patayin mo tong mga taong to, or do harm to them, bahala ka. Basta gusto ko either mato-trauma sila, or magiging injured sila for life, like blind or deaf or something." inabot sakin ni Erina ang isang maliit na papel. May tatlong nakasulat na pangalan doon, ang pangalan ng ex nya, ng present boyfriend nya, at ng bestfriend nya-na lahat ay nasa larong ito.

"Wala naman akong gustong makuha mula sayo."

"Really? How about, a ticket out of this game?" nakapamaywang pa sya habang sinasabi nya iyon at nakangiti. Natigilan ako. Sobrang enticing ng offer at irresistable. Pwede akong makaalis sa larong ito at mamuhay nalang ulit ng matiwasay. Pero napaisip din ako. Paano? At totoo kaya ang sinasabi nya?

"Hindi ka siguro makapaniwala because it's too good to be true no? That may way out of this game pala. But I can make it happen. I swear." Ngayon ko lang napansin na may nginunguya pala itong bubble gum habang kausap ako at nginuya nya pa ito lalo habang hinihintay ang gagawin ko.

"So, are you up for it?" nakataas pa ang kilay nya sakin habang tinatanong ito. Tinignan ko ang papel na inabot nya at ibinalik ito sa kanya.

"You do realize na nagpapalampas ka ng isang magandang opportunity no?"

"I know."

"Okay then. Your loss. I hope I'll still see you around."

"What do you mean by that?" tanong ko. Iba kasi ang tono ng pananalita nya ng bigla, yung parang nangiirita, at yung mga salitang sinabi nya ay parang may nakatagong kahulugan.

"Nothing. But hey, alam mo, there is someone na nakikipagtrade sa kung sino sino just to keep you safe. 'I want you to protect Genevieve and keep her safe.', in exact words yan ha. Ang haba din ng hair mong gaga ka ha, ikaw na." sabi nya pa habang naglalakad palayo.

The Living GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon