survival --- thirteen

168 10 2
                                    

Pumasok parin ako kinabukasan kahit na nakatanggap ako ng isang tawag na magkakaroon daw ng pagsabog sa school. Hindi ko alam kung totoo talaga iyon o hindi. Sa ngayon hindi ko na alam kung sino ang dapat ko talagang paniwalaan kaya sarili ko na lamang ang sinusunod ko.

Hinatid ako ng kotse namin sa school. Mabuti nalang at kahit papaano ay may naiwang pera parin samin ni papa. Hindi ko alam kung sino ang naghahawak ng pera na iyon, wala narin akong masyadong paki. Masyadong marami na akong iniisip ko ngayon at hindi ko na kailangang idagdag pa iyon sa isipin ko.

Suot suot ko ang uniform ko pagpasok ko, pero ang isang side ng uniform ko ay altered para hindi makasagabal sa sementado kong braso. Hopefully, in a couple of weeks ay mababasag na ang semento at healed na ang braso ko pero for the meantime ay kailangan ko muna itong kargahin.

Hindi ako nagpahatid sa loob ng school at bumaba nalang sa may gate. Ayokong makita nila akong sobrang selfless na ni paglalakad lang ay hindi pa gagawin. Dahan dahan akong naglalakad dahil hindi naman ako nagmamadali pumasok sa klase. Pakiramdam ko, lahat ng mata ng mga nadadaanan ko ay nakatingin sa akin.

Marami rami narin ang tao sa room ng dumating ako. Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay dinagsak ako ng mga kaklase kong hindi kasali sa laro, saka yung mga di nakabisita sa akin. Marami silang pinagsasabi, kesyo nabalitaan daw nila ang nangyari, kesyo nagalala sila.

Naupo ako sa upuan ko at lumingon sa likod ko. Ilang upuan din ang layo sakin ni Nazarene. Walang pinagbago sa kanya, nakaupo sya sa upuan nya habang nakapatong ang dalawang paa sa upuan sa harap nya at ang dalawang kamay nito ay nasa likod ng ulo nya. Bahagyang kumindat ito sakin nang magtapat ang mata namin pero walang nakapansin noon. Para na naman kaming nasa sariling mundo namin.

Hindi ko alam nung una, pero nung lumaon ay naintindihan ko na. Alam ko na kung bakit ako pumapayag na bantayan nya ako, na tulungan at protektahan, at kung ano man yung mga pinaggagagawa nya pa ngayon.

Dahil kailangan ko ng kakampi.

Kakampi—pero hindi si Alice na maraming nililihim mula sa akin, na maraming extracurricular activities na pakiramdam ko ay maling gawin. Hindi rin si Niel na isang traydor, na parang isang sanga na nabali at nalaglag mula sa puno. Hindi rin si Aries, si Raymond—lalong hindi si Erina o kung sino pa.

Si Nazarene, kahit ganoon sya—hindi ko alam. Pero parang tama. Tamang sya ang kasanggi ko.

Unti unti nang napuno ang classroom. Nanatiling bakante ang mga upuan nila Niel, Jasmine at Sandy. Isa sa mga huling dumating si Erina. Nakita ko pa lamang ang anino nya ay kumulo na agad ang dugo ko. Hindi ako madalas magalit, most of the time ay wala akong masyadong nararamdaman at walang masyadong paki dahil busy lamang ako magaral pero ngayon, lampas talampakan ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko syang itulak sa pader at hilahin ang buhok nya at ang ulo nya hanggang sa mahiwalay iyon sa katawan sya. Inutusan nya si Niel and God knows kung sino pa, na ipapatay ako.

Dati, ayoko nang mabuhay masyado dahil pakiramdam ko ay wala nang kwenta ito. Pero ngayon gusting gusto kong mabuhay. Gusto kong ipamukha kay Erina na buhay ako, na humihinga ako. Gusto kong itatak sa isip nya na mauuna syang mamatay sa akin, at gusto kong makita iyon—para quits naman kami.

Nasa kabilang dulo ng room ang upuan nya, sayang naman. Parang gusto ko syang patirin o ano. Pero nanatili akong tahimik at kalmado.

Dumating ang teacher namin at agad naman syang nagsimula syang magdiscuss. Medyo hirap ako dahil sementado nga ang braso ko at kailangang nakapatong pa ito sa may arm rest ko. Nakinig ako at nagconcentrate sa klase pero hindi nagtagal ay dinalaw na ako ng antok. Pinipigilan kong bumagsak ang talukap ng mga mata ko—kinagat ko pa nga ang dila ko pero inaantok parin ako. Pakiramdam ko ay gawa ito ng mga gamut na iniinom ko noong mga nakaraang araw. Hindi nagtagal ay sumuko na lamang ako.

The Living GameWhere stories live. Discover now