survival --- four

290 17 13
                                    

"The kings' game. The king has powers that a normal person doesn't have that is why people look up to him. Yet, like others a king is also human, capable of mistakes and mishaps. In this game, every single one of you is a King. Do whatever it takes to bring other kings and their kingdoms down and the one who stands strong wins this game, and will immediately receive 50% of the points for the second quarter examinations-a huge advantage. Whoever wins this game, might automatically go up and claim the top rank. Being in the top is important, it gives you an advantage, and more chances of not losing your life in this game."

Naghilamos ako ng mukha ko at pinunasan ito gamit ng panyo ko. Naalala ko yung sinabi ni Ma'am Mendiola bago nya kami nai-dismiss para kumain at lumanghap langhap ng sariwang hangin. Karamihan sa mga kaklase kong babae sa special class ay nandito din sa cr. Halos lahat ng mga nasa normal classes nila ay nasa mga sari sariling classroom kaya kami kami lang ang nasa cr. Nakatingin ako sa salamin habang nagaayos ako ng mukha ko at nasa tabi ko si Alice at si Claire.

"Bakit hindi kaya mag cutting nalang tayo? o kaya isumbong natin sa principal o kaya sa pulis! Baka naman nasa isang secret camera tv show tayo? Napagtritripan?" ani ni Claire.

"Oo nga, magsumbong tayo! Parang niloloko lang tayo eh. Ano ba naman yan." pagsasangayon naman ni Alice.

"I'd rather na hindi nyo gawin yan. You'll look and sound pathetic and besides, no one will believe you. Magmumukha lang kayong baliw." biglang sabi ni Marianne na kakalabas lang sa isa sa mga cubicles ng cr.

"What made you say that?" medyo mataray na sabi ni Alice kay Marianne. Ako naman ay nakatingin lang at nakikinig sa kanila.

"Okay, let's say na pumunta kayo kay Ma'am Hidalgo at nagsumbong. Anong sasabihin nyo? 'Ma'am Hidalgo, kung ano ano pong pinapagawa samin ni Ma'am Mendiola!' and she'll just say na you must be crazy or maybe sumunod nalang kayo sa mga sasabihin ni Ma'am Mendiola. Say it to the police and they won't listen to the both of you, they'll probably refer you to some mental institution." tuloy tuloy na sabi pa ni Marianne habang nagpupulbo ng mukha nya.

"Ibig sabihin, alam na to ng principal pati ng mga pulis?" ani ni Claire.

"Must be. Base sa sinabi ni Ma'am Mendiola kanina. There's even a higher chance na ang principal ang may pakulo nito, o di kaya ang board members ng school." sabi ni Marianne bago sya lumabas ng cr. Si Alice at Claire naman ay nagkatinginan.

"Ikaw Ginny, anong masasabi mo?" bigla namang tanong ni Alice sa akin. Napatingin din si Claire sakin.

"Walang aatras sa larong to." maikli kong sabi at naglakad na papalabas ng cr. Sumunod sakin kaagad si Alice ni Claire.

"Walang aatras?" nagtatakang tanong ni Alice sa akin.

"Walang aatras dahil walang nakakaalam kung anong nasa dulo. Walang nakakaalam ng nangyari sa mga hindi sumunod sa rules ng laro, sa mga hindi nakicooperate at hindi naglaro, walang nakakaalam ng nangyari sa mga nanalo. Dahil doon ay nakakabuo ang utak natin ng pangamba sa mga bagay na hindi natin alam, kaya nastre-stress nalang ang ating katauhan na sumunod sa mga inuutos. Dahil hindi natin alam ang mangyayari satin." napatigil ako sa paglalakad ko. Napatigil din naman ang dalawa.

"Ikaw Claire, sumagi ba sa isip mo na ayaw mong lumaro?" tanong ko sa kanya.

"H-hindi. Ang iniisip ko, magsusumbong sa may authority, at kung malalaman iyon ng nakatataas ay may chance na fake lang ang lahat ng ito o kaya ay joke lang."

The Living GameWhere stories live. Discover now