survival --- fourteen

196 3 4
                                    

"Irene." binanggit ko ang pangalan nya ng makita ko sya. Nakacasual lang itong damit at may dala dalang backpack. Parang isang normal sa college student lang. Pero alam kong hindi naman talaga. Naupo sya sa upuan sa bedside at nagpakakomportable doon.

"Rina. May ideya ka ba kung bakit ako nandito ngayon?" tanong nya sa akin. May ideya ako, pero hindi ko pinahalata sa kanya.

"Yung ipinaplano nyo na pagsira sa buong Living Game system, wag nyo nang ituloy. Mas malakas ang pwersa namin sa inyo. Hindi nyo kami kakayanin. Tignan mo ang nangyari."

"Kayo ang may kagagawan ng pagsabog?" medyo tumataas ang boses ko ng sinasabi ko iyon. Sila ang may kasalanan kung bakit nangyari kay Ethan iyon.

"Oo kami ang may kagagawan nun. Pero gagawin ba namin yun kung wala kayong gagawing masama? Rina, makinig ka sakin. Pinapalampas lang namin ang ginagawa nyo noon. Alam naming kayo ang naghack sa system. Gumagawa kayo ng interference at sinisira ang system namin. Nalaman na ng nakatataas ang nangyayari. Ayaw na nila itong palampasin. Itigil nyo na ang ginagawa nyo. Sumunod nalang kayo sa sistema. Pahirapan ang mga juniors, at patayin sila dulo." mahinahon na pagpapaliwanag ni Irene. Hinawi niya yung buhok nya na nasa may mukha nya.

"Anong titigil? Hindi kami titigil lalo na at may nangyari kay Ethan hindi ka—" bumibilis na ang pagsasalita ko pati ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko ay bumilis.

"Kumalma ka Rina. Mas lalo mo lang ipinapahamak ang buhay ng mga kaibigan mo sa ginagawa nyo. Lalo na si Ethan. Alam mo bang nasa operating room parin sya ngayon at nagaagaw buhay sya? Pero walang doktor na pumupunta para gamutin sya. Inutos yun ng mga nakakataas. Ngayon, may isang paraan lang para mailigtas si Ethan—" isinubsob ko ang mukha ko sa mga kamay ko. Ayoko nang makinig sa pinagsasasabi nya.

"Umalis ka na dito Irene. Please umalis ka na. Hindi ko kailangan yan ngayon." galit kong sabi sa kanya.

"Believe me Rina. You need this now more than ever. Kapag lumipas ang ilang minuto na wala paring nagaattend kay Ethan, he's dead meat already. Now hear me out." humarap ako sa kanya pero iritado at galit parin ako. Isa pa, nagaalala pa ako para kay Ethan. Hindi sya pwedeng mamatay ng basta basta ganoon lamang. Hindi ako papayag.

"Join us. Abandon them. Uulitin ko, buhay ni Ethan ang kapalit nito. You don't have much time. I'm pretty sure by this time around 30% chance nalang ang meron sya para mabuhay." ani nito. Pakiramdam ko ay nagsisikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Tumingin ako sa direksyon nya at ibinigay ang sagot ko. Tumango naman sya at agad umalis.

Pagkaalis nya ay mas nanikip ang dibdib ko at napaiyak nalang ako. Yung mga luha na hindi ko mailabas ay tila ngayon lang nagsilabasan. Pinagusapan at pinagkasunduan naming anim na aalamin namin ang lahat lahat ng pangyayari, at gagawa kami ng paraan para masira ito. Simula una pa lang naman, napilitan lang kami sa laro na ito. Ginawa kaming mga hayop ng larong ito. Hindi ko ginustong pumatay ng tao, pero wala na. Masyadong maraming damage na ang nangyari samin. Ang plano namin, wag na itong maranasan ng iba pa.

Ilang buwan din ng paghihirap, nakapasok kami sa pribadong system nila. Nalaman naming isa itong parang government project. Suportado ng mga mayayaman at ng mga scientist o ng kung sino sino man. May foreign investors pa. Malawak ang coverage, hindi lang limitado sa bansa. Maraming mga pangalan, maraming suporta, maraming pondo. Hindi lang ang school namin ang pinaglalaruan, may mga iba din. Kalat kalat sa iba't ibang lugar. Marami itong objectives pero ang pinakaidea ay para ang maiiwan na parte ng civilization ay ang mga magagaling at may kakayanan para makasurvive sa isang mundo na puno ng karahasan. Nagbabawas ng mga latak, kumbaga.

Nitong nakaraang araw, sinubukan naming sirain ang system nila. Naibagsak namin ang isang parte ng wall ng system nila at nagcause iyon ng havoc dahil ang system lang ang tanging paraan para makaalam ng instructions at kung ano ano pa na may kinalaman sa game. Ito rin ang parang pinaka powerhouse ng lahat. Nandun lahat ng status ng lahat ng naglalaro, per school, per section, per person. Recently nalaman namin na ang system din nila ay may mga hinahawakang mga tao—may mga nakaimplanta yata o nakaprogram sa isip ng mga iyon pero ito yung mga tao na nagsisikilos para sa laro. Marami silang mga tao na kontrolado nila. Masyadong malawak talaga at malaki. Pero sinusubukan parin naming sirain sila.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 29, 2015 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The Living GameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang