living --- eight

407 23 6
                                    

Wala na si Sir Martinez, at hindi ko alam kung babalik pa sya. May babaeng pumalit sa kanya tas tunog strikto pa. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa hindi ko alam na dahilan. Pasma siguro.

" The cadets will give you a small bag. It's contents will determine what stand will you take in the next challenge for all of you. " pagkasabi ng babae sa speakers ay may mga cadets samin na lumapit at nagbigay sa amin ng isa isang maliit na kulay itim na bag. Inabutan ako ng cadet ng isa at sinukbit ko namann ang bag sa katawan ko. Medyo may kabigatan ang bag na nabigay sa akin.

" There are two types of bags. One comes with a gun and bullets, and second are empty hollow ones. Guns means killers. Empty hollow bags means civilians. "

Nagkatinginan kami ni Stanley.

" Killer-Civilian game? Nananadya ba sila? " sabi sakin ni Stanley.

Paborito ng buong klaseng laruin ang Killer-Civilian Game. Hindi talaga yan ang tawag dyan pero dahil sa hindi rin naman namin alam ang tawag dun ay napag isipan nalang namin na yan ang itawag dyan. Isa syang game kung saan lahat ng kasali sa laro ay magbubunutan para malaman kung sino ang killer at civilian. Ang objective ng laro ay makilala ng taya kung sino ang killer bago nito mapatay kunwari ang lahat ng kasali sa laro na hindi killer. Minsan ay hindi lamang isa ang killer. Depende sa kung anong trip.

Mukhang pinaglalaruan talaga nila kami. Gagamitin nila ang paborito naming laro laban sa amin. Pero mukhang babaguhin nila ang istilo ng laro.

" A civilian can steal a killer's gun. A killer can kill another killer. You will be released from this gymnasium. 12 people must die within 12 minutes. With every additional minute the amount of people to be killed will increase. You either run, fight or die. The gymnasium will be a forbidden zone after you leave. This is survival of the fittest. "

Lumapit ang isang cadet sa akin at inabutan nya ako ng isang maliit na bag. BInuksan ko ang maliit na bag at nakita ko ang isang metal na kumikinang. Baril at bala.

" Now, reveal the contents of your bag. " Sinipat kong maigi ang buong gym at tinignan kung sino sino ang may hawak na baril. Nakita kong walang hawak na baril si Jake, kahit si Ethan. Si Stanley ay medyo hirap pang gamitin ang kamay nya pero may hawak syang baril. Tumingin ako kay Benj at nakitang wala syang hawak na baril.

Buti nga sa kanya.

Pinalabas na ng mga cadets ang mga civilians habang kaming killers ang natira. Nagkatinginan kami ni Stanley at tumango ako sa kanya. Ngumiti sya ng ngiting nakakaloko. Nagkakaintindihan kami sa ganoon lamang. Alam ko na ang dapat gawin ko.

Tinatap ko ang paa ko na para bang may pinapakinggan akong kanta sa isip ko. Parang nagbibilang ng segundo. Inikot ni Stanley ang pulso nya at ang kamay ay unti unting humihigpit ang kapit sa baril.

Lumapit na sa amin ang cadets at inusher kami palabas ng gym. Binagalan ko ang lakad ko intentionally. Nasa may kaliwang side ako at si Stanley ay nasa kanan. Sinasadya kong lakasan yung yabag ko kahit na mabagal ako maglakad dahil sa may konting takong ang sapatos ko at mas tutunog ito.

Clak. Clak. Clak.

Mabilis kong kinasa ang baril ko at pinagsisimulan silang barilin. Ganun na rin si Stanley. Madali namin silang nacorner at nabaril dahil medyo konti lang yung layo nila samin. Tinira ko sa kanan sina Henry, Chloe at Veronica na magkakatabi lamang at agad silang bumagsak sa sahig. Binaril ko pa sila para siguradong patay na sila. Si Stanley ay patuloy na binabaril pa ang mga bumagsak naming mga kaklase. Anim ang nakalupasay sa sahig ngayon ng entrance ng gym.

Hindi nila inasahan ang gagawin namin ni Stanley. Ni hindi pa nga yata nila naikasa man lang ang baril nila o ilabas sa bag.

Nagload ulit ako ng bala pa sa baril ko at ganun rin ang ginawa ni Stanley. Kinuha namin yung ibang bala nila at binulsa ito just in case.

The Living GameDove le storie prendono vita. Scoprilo ora