living --- six

511 24 16
                                    

Tahimik lang kaming mga nakaupo sa silid parin na iyon. Nakita naming lahat mamatay sila at paano sila namatay. Walang makakuhang magsalita. Isa kong kaklase ay nasuka na nga sa pangyayari. Tahimik lang akong nakaupo pero wala akong maisip kundi gaano ako kagutom sa panahon na to.

Parang tanga lang, pero naalala kong hindi nga pala ako nagtanghalian at natulog nalang. May enerhiya pa naman ako para kumilos pero medyo sumasakit ang tyan ko. Pipigilan ko nalang.

7 na agad ang wala sa amin. Parang napakadaling umubos ng buhay ng ganun ganun lang. Ilang oras palang ang nakakalipas pero pito na ang wala. Napatingin ako sa may relo ng classroom-pasalamat at meron-at nakitang medyo alas dose na. Kumalam na naman ang sikmura ko.

Hindi pa kami umaalis sa classroom na ito dahil wala pang utos samin kung saan pupunta. Yung mga katawan nila Kyle ay dinala ng mga cadets, kasama nila pag alis nila. Pilit silang hindi nagpapakita ng emosyon, pero pakiramdam ko ay natatakot parin sila. Yung mga alaala nila ay buhay na buhay pa. Kung gaano karaming kaklase nila ang kailangan nilang traydurin at patayin para lang sa larong ito.

Hindi ko makuha ang purpose ng larong ito. Bakit kailangang magpatayan pa kami? Para lang sa grades? Ranking? Ganun lang? Para lang kaming napaglaruan tas biglang sinabing buhay daw namin ang kapalit para magmukhang exciting.

Hindi lang ganito kababaw ang larong to, pakiramdam ko.

" Psst. " Napalingon ako sa tabi ko at nakita si Jake na nakaupo sa upuan ni Monica. Inikot ko ang mata ko sa room at nakita si Monica na bago palang paupo sa upuan ni Jake sa dulo. Nakipagpalit yata si Jake ng upuan sa kanya.

" May tanong ako sayo. " bulong sa akin ni Jake.

" Ano yun? " pabulong kong sagot.

" Alam mo ba kung ano yung secret agenda nung grupo ni Stanley? "

" Hindi ko nga alam na may mga secret agenda pang ganyan e. "

" Ako alam ko. "

Napagtaasan ko sya ng kilay. Narinig ko kanina yung tungkol sa secret agenda na sinasabi ni Stanley pero akala ko ay may kinalaman lamang iyon sa kanilang dalawa ni Henry dahil nga diba close friends sila. Pero nagkamali ako.

" Anong sinasabi mo? "

" Malamang wala kang malay nung inannounce to eh. Mayroong mga kulay puti na papel na nakadikit sa iba't ibang lugar kanina. Tas sabi ni Sir Martinez, bawat isa ay naglalaman ng isang secret agenda. Kapag may nakita ang grupo o ang isang tao ay automatic na kailangan nila itong gawin. Pag nakaabide daw sa hinihiling sa secret agenda ay automatic na may life exemption ang natirang members ng grupo. " pagpapaliwanag ni Jake. Nawalan nga pala ako ng malay kanina, pero bakit hindi sinabi to sakin ng mga kagrupo ko?

" Ano ang secret agenda ng grupo nina Stanley? " mahinang mahinang tanong ko sa kanya. Sinenyasan nya ako na medyo yumuko at lumapit sa kanya hanggang sa ang mukha nya ay malapit na sa mukha ko.


" Kailangan ng grupo nilang pumatay ng isang babae mula sa bawat grupo. " bulong nya sa akin. Napatingin ako sa kanya at nanlaki ng mata.

" Paano mo naman nasabi yun? "

" Tingnan mo ang mga namatay na. Si Kim at Via, galing sa Brown. Si Kathy, galing sa Violet. Si Angela, galing samin, sa Orange. Ibig sabihin, ang natitira nalang ay ang grupo nina Rosanna at grupo nyo. "

" Bakit mo sakin sinasabi to? " tinanong ko sya. Pwede nya naman tong sabihin sa ibang tao. Pwede nya tong di sabihin sa akin at lamangan ako para manalo.

" Posibleng si Monica o ikaw na ang isunod ni Stanley. Nag-aalala ko para sayo. " sabi nya tas hinawakan nya ang kamay ko na balot parin ng tela. Nakatingin sya sakin na para ngang concerned na concerned sya. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko. Umiwas nalang ako ng tingin.

The Living GameWhere stories live. Discover now