living --- two

745 39 4
                                    

Naupo nalang ako sa upuan ko at napagisipang wag nalang mag lunch. Nakakahiya kung magyayaya ako ng kung sino, mukha na nga akong loser, magmumukha pa lalo akong loser pag may tumanggi sa alok ko na maglunch. Nagawa ko na kasi yan dati, nareject narin ng ilang beses. Mukhang tanga lang talaga.

Nagsalpak ako ng earphones sa tenga ko at nagdecide na matulog nalang sa oras ng lunch break. Wala naman kasi kaming klase after ng lunch break dahil nakapag exam na kami sa subject na yun kahapon pa.

Nagubos ako ng free time sa pamamagitan ng pagtulog. Hindi ko alam kung bakit pero inaantok talaga ako. Nagising ako ng mga bandang alas tres. Nag-ayos ako ng sarili ko at naghanda na para sa huling exam namin ngayong semester na to, ang exam sa Research.

Ganun parin ang ayos ng mga kaklase ko, magulo, maiingay-pero lahat sila matatalino. Lahat may kanya kanyang galing. Medyo may pagka pribado kasi itong school namin at mahigpit ang entrance exams.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nakapasok dito. Tulad nga ng sabi ko, hindi ako magaling sa writen-unless may kopyahan o kodigo.

Maya maya ay dumating din yung teacher namin sa research at nagdistribute na ng papel. Laking pasalamat ko lang dahil puro identification lang at matching type yung exam-madaling madali para sa akin. In fact, ako nga yung naunang natapos.

Tumayo ako at naglakad papunta sa gitna kung saan nandoon si Maam Cherry, ang teacher namin sa research. Nginitian nya ako tas kinuha nya yung test paper ko sakin.

" Congratulations, Romina. Good luck. " sabi nya sakin habang nakangiti parin.

Hindi ko alam kung bakit parang iba yung dating nung sinasabi nya sa akin. Parang may kakaiba. Bakit nya ako sasabihan ng good luck eh tapos na yung exams?

Nagbalik nalang ako sa upuan ko at nanahimik. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko at isinara lahat ng nakaopen na apps, kasama na dun yung notepad kung saan nakasave lahat ng kodigo ko.

Kinuha ko yung earphones ko mula sa bag ko-kahit bawal mag earphones samin habang may klase or exam-at nakinig nalang sa sounds habang hinihintay kong matapos ang mga kaklase ko. Mukha silang mga nagcoconcentrate talaga para maperfect yung exam.

Hindi ako nakakakuha ng perfect score sa exam. Pinakamalapit ko yung one mistake lang. Hindi ko alam kung bakit, nagkokodigo na nga ako pero lagi paring may mali. Pero hinahayaan ko nalang. Iniisip ko nalang na yung 1% na yun ay allowance for mistakes, dahil wala namang perpektong tao.

Pero ang mga kaklase ko, they take these things very seriously. Kung 100 out of 100, edi 100 dapat ang score. Bawal 99, 98 o kahit anong mas mababa pa. Para silang mga namatayan pag nalaman nilang mali sila, kaya pinapabago nila sagot nila sa nagchecheck na kaklase.

Medyo inabot pa ng 15 minutes after kong magpasa yung sumunod na nagpasa-si Bryan.

Current Top 1 ng klase. Hindi nagpahuli sa kanya si Anna, ang Top 2 na nagpasa narin matapos nyang makita na nagpasa si Bryan. Nagsisunuran naring magpasa yung iba naming mga kaklase at dahil sa maraming nakakumpol sa may teacher's table ay kinuha na itong pagkakataon ng mga kaklase ko yung magtinginan ng sagot at magkopyahan.

" Hep hep! Mga nagkokopyahan na kayo eh! Pass your papers na dali! " sabi ni Maam Cherry sa buong klase kaya nagmadali nang magsagot yung iba at basta nalang ipinasa ang kanilang mga papel kay Maam. Pagkakolekta ay nagpaalam na sya pero pagkalabas nya ng pintuan ay hindi pa sya agad umalis. Nakatingin lang sya samin. Napansin nya yatang nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti sya tas naglakad na papalayo.

" Uwian na! Yes! " rinig na rinig ko yung sigaw ni Stanley sa likod. Tapos na ang exams. Makakapagpahinga na kami. Makakapagbakasyon na kami.

Namuno ang ingay sa klase namin, syempre ako di ko rin mapigilan ang sarili kong matuwa dahil tapos na naman ang isang kabanatang to sa buhay namin. Sa susunod na school year, mga seniors na kami. Ang bilis nga naman ng panahon.

The Living GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon