Chapter 5

16 2 0
                                    

Maaga akong bumangon ngayon dahil sabado naman at wala akong klase. Isang linggo rin akong occupied sa pag aaral dahil kailangan ko mag kumpleto ng clearance bago makakuha ng credentials at makapag enroll na sa college. I'll be turning 20 any time soon. Sana ay magkaron na ako ng pagkakataong mag ka experience sa kahit na anong bagay at payagan sana iyon ni papa.

"Ano ba yung importanteng sasabihin mo nieves?" ani lola conradina

Nasa hapag kami ngayon at nag aagahan kasama si isla at si papa pati na rin si tito al at tita dalisay.

"Uhh.. gusto ko po sana magkaron ng experience sa trabaho." lumunok muna ako at naghintay sa sasabihin nila

"No.." si papa

"Pero pa.. mag bebente na po ako." naluluhang sambit ko

"Brett hijo.. I think it's time to let her do things she likes." lola conradina

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ng matandang babae. Nakita ko naman ang pag buntong hininga ni papa tila nangangapa ng sasabihin.

"Ma.. I just.. what if.."

"No what ifs, malaki na si felicita kaya na niya ang sarili niya. And I won't let her work on another businesses unless I know who's the owner." lola conradina

"Saan mo ba balak magtrabaho nieves?" tita dalisay

I gulped. "Uh anywhere? I still don't know where to start."

"Meron akong natanggap na emails from CDoE they're hiring, hindi man mataas ang posisyon but still good for first time employee." ani tito al bago isinubo ang steak

"What position?" isla.

"Graphic designer.." tito al said

"I think that suits you nieves, you like doing paintings, I mean you know.. you like arts." isla

"I agree." lola conradina

"At baka matuto kana rin mag ayos niyan. Make up requires art, mabilis kang matututo for sure." dugtong pa ni isla

"Nieves, do you really need to.." hindi na natapos ni papa ang sasabihin niya ng tumango ako at magsalita

"Opo papa, I need to face the world without being scared, and without your help." it's true lumaki at tumanda na ako na lagi ay kasama sila ni kuya hindi na nila magawa ang dapat ay inaasikaso nila

Si kuya hindi na nagkaron ng girlfriend dahil sa pag aalaga sa akin, I'm not too innocent para hindi iyon mapansin. Even papa, hindi na sya nakapag asawa muli dahil sa akin. I was too dependent hindi ko na napapansin na may buhay rin sila.

"Let me do this papa, trust me with this one."

Bumuntong hininga lang ito at tumango ng mahinahon.

Napatayo ako sa tuwa at nagtitiling yumapos dito pati na rin kina lola conradina.

"May iba pa bang position sa Contreras Division? any higher position?" isla.

Napalingon ako rito at unti unting umupo muli sa kinauupuan ko sa harapan niya.

"Why do you ask islana?" tito al

She shrugged and smile. "Gusto ko rin mag work don."

Napailing sa tito al sa sinabi ng anak at hinawakan naman ni tita dalisay ang kamay ng asawa para ikalma ito. I don't understand why does she likes to work with the Contreras? 4 months na rin mula nung ipasok siya nina tito al sa A.P.E. org bilang CPO.

"I'm gonna ask Alejo first sweetie, but you still need to end your contract in A.P.E. org." tito al

Masayang yumakap rin si isla sa papa niya at humalik pa sa pisngi nito. "Thank you so much papa!"

Doon natapos ang usapan mainam rin na tinapos na namin ang agahan ng sabay sabay. Hindi na rin nakasabay sa amin si kuya Esquivel dahil daw kinailangan nitong umalis ng umaga para pumunta sa opisina ng Casa Buena de Grande, I think he is preparing for a new subdivision. Ganoon rin ang iba kong pinsan they are all been doing great with their lives matagal na rin at sobrang hasa na. That's why I am feeling irrelevant baguhan pa lang kasi ako at ngayon lang nag lakas ng loob na lumabas sa comfort zone ko.

Hindi ako nag aksaya ng oras at pinilit ko talagang lumabas ng bahay si isla para samahan ako sa vista upang mamili ng damit pantrabaho. Sabi nito ay pahihiramin na lang niya ako dahil marami naman na siya at hindi na niya kailangan rin pang sumama. But I still manage to bring her with me, kailangan ko ng comment niya sa mga bibilin ko.

"Eto?" inilayad ko sa harapan niya ang bitbit na nude suit na nakita ko

"Maganda, bagay saiyo." kumento nito

Natuwa ako dahil sa wakas ay nagkasundo kami sa pagpili, dati kasi ay parating ang gusto niya ang masusunod sa bibilhin ko. I bought some crop top before na hindi ko naman nagagamit o kung magkaron man ng lakas nang loob ay pinapatungan ko nalang ng jacket.

Pagkatapos magbayad ay hinila ako nito sa kung saan, kamuntikan ko pang mabitawan ang paper bag na bitbit buti na lang talaga ay mabilis ang galaw ko.

"Alejo!" sigaw ni isla

Agad akong ginapangan ng kaba dahil sa isinigaw ng pinsan ko.. Alejo? andito siya..

Ng makalapit ay dun ko lang nilakasan ang loob para harapin ito. He's with his girlfriend Alisha, iyon kasi ang nakatag sa picture na nakita ko noon sa ig niya. they are probably dating.

"Isla.. Nieves." ngumiti ito sa amin

Hindi ko kinibo pero nginitian ko na lamang siya para hindi magmukhang bastos, kailangan maging magalang dahil sa division nila ako mag tatrabaho.

"Hello! what are you doing here?" isla

"We have some errands here... this is Alisha." pagpapakilala niya sa dalaga sa amin

Tinignan lamang ni isla ito mula ulo hanggang paa tapos ay tumingin muli sa mukha nito pabalik.

"Hello Alisha, I'm Nieves Felicita Añonuevo." pagbati ko rito

"Hello nieves." iyon lang ang sinabi nito

Mukhang hindi iyon nagustuhan ni isla kaya inirapan niya lang ito at ngumiti muli sa binata.

"Is that so? kelan ang bisita mo ulit sa Casa? mag tatrabaho kami ni Nieves sa company mo." she says

"Yes I heard, nakausap ko na si sir Al.." iyon lamang ang isinagot ng binata

"Excited na kami namili pa nga kami ng damit oh." itinaas pa ni isla ang kamay kong bitbit ang mga paper bag

Magsasalita pa sana ang binata ng biglang sumingit ang kasama nito. "I'm sorry girls, but I think we should be leaving by now.. We still have meetings to attend." alisha na kumapit pa sa braso ni alejo

I gulped as I saw him nod to what his girlfriend said. Ano kaya ang pakiramdam ng maging boyfriend siya? my god.. Ano ba itong pinag iisip ko?

"Kausap ba kit--" hindi ko na pinatapos si isla

"Ah sige una na kayo bye ingat! sorry sa istorbo." alam kong naiintindihan ni alisha ang kamuntikan ng sabihin ni isla dahil nagtaas ito ng kilay kaya minabuti kong hilahin na ito paalis doon.

As Pure As The Driven SnowUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum