Chapter 35

1 0 0
                                    

We're preparing for the upcoming christmas. Napag usapan namin ni Alejo na dito na ganapin ang pasko na kasama siya. Gusto niyang bumawi sa lahat ng bagay na pakiramdam niya ay naging pagkukulang niya sa anak namin.

"Alejo tama na yan sobrang daming cheese na." aboridong saad ko.

Papano ba naman ay kanina pa siya lagay nang lagay sa cart namin. Pati chocolate na makita ay inilalagay sa cart dahil daw bibigyan niya pati ang mga kapitbahay namin.

"Marami tayong pagbibigyan ng handa, okay lang yan.". itinulak na nito ang cart namin.

"Baka naiinip na si tatay Dolfo, at baka kinukulit na masyado ni Talya si nanay Ne. Bilisan na natin."

"Hindi ka ba nagugutom?"

Nakalapit na kami sa cashier at inisa isa na namin inilapag iyon sa counter.

"Nagugutom." pag amin ko

"Kain muna tayo. Isabay na natin si tatay Dolfo siguradong pabalik na iyon dito."

Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at hindi na sumagot pa. Kanina pa rin naman kami namimili kaya paniguradong gutom na rin sila. Dumating na si tatay Dolfo nang saktong matapos kami sa counter.

Kinuha na ng dalawa ang mga supot habang ako ay minabuting kinuha ang card ko sa wallet at inabot iyon sa babae.

"Ma'am bayad na po ni sir lahat."

"Huh?" papanong hindi ko napansin iyon? "O-okay thank you."

Nakatalikod na sa akin si Alejo kaya kinalabit ko ito mula sa likuran niya, humarap siya pero hindi nagsasalita.

"Babayaran ko."

"No." Iyon lang at nauna na siyang maglakad.

Anong no? kung talagang hindi namin kasama si tatay Dolfo ay kanina ko pa sinermonan ang alaga niya. Hindi ko na muna pinilit na magbayad sa kaniya hanggang sa makarating kami sa kakainan namin.

"What do you like?"

"Uhm, kahit ano?"

He ordered us some seafood. Inubos agad namin iyon dahil kailangan maaga kami makabalik sa bahay at mag umpisa na sa mga lulutuin para sa noche buena. Naabutan namin na nag aayos ng christmas decorations sina nanay Ne at Talya. Matagal bago namin natapos ang pag hahanda.

Inisa isa rin namin ang mga kalapit bahay namin para bigyan ng ibang putahe. They receive our gifts, and gave us something too with a fair amount of sincerity. That's filipino tradition.

"Merry Christmas!!" ang unang bumati sa amin ay si Talya.

We are wearing the same red dress at ang papa naman niya ay piniling magsuot ng pants at dark red polo. Aminin ko man o hindi, bumagay iyon sa binata. Hapit na hapit ang damit niya na halos kita mo na ang kurba ng mga braso at dibdib niya.

"Merry Christmas!" pag bati namin sa isa't isa.

Sa terrace kami nanatili para panuorin ang ilang kasiyahan ng mga tao sa labas. Nagrenta rin kami ng videoke para magkaroon kami ng mapag kakatuwaan. 15 minutes passed we are all happy to enjoy the day of christmas. Kanina pa rin ako nagmamasid sa gate namin, tila umaasa na may iba pang bibisita. Hindi ko alam kung bakit bigla kong namiss ang pamilya ko.

Maybe after a month of knowing our mistakes, I have learned how to give forgiveness. Wala namang sorry ang makakapag palubag sa sakit na dinanas ko.  Tumingin ako sa mag ama ko habang chinicheer si lolo Dolfo na kumakanta. But after all, hindi lang ako ang nasaktan dito. Lahat kami ay nagkamali.

Nilapitan ako ni Alejo ng mapansin ang itsura ko.

"Hey, merry christmas." he looked at me asking if he could hold my hand.

I nodded. "Merry christmas." ako na ang yumakap sa kaniya.

Sandaling nagulat siya sa ginawa pero kalaunan ay niyakap rin ako pabalik. Hinalikan pa nito ang tuktok ng ulo ko. It felt warmer now. Gusto kong masanay na narito na ulit siya, hindi na ulit mawawala.

Ilang minuto rin ang lumipas. Tunog ng sasakyan mula sa gate ang nagpabitaw sa akin mula sa yakap ni Alejo. I was shocked that it was them, the one whom I wanted to spent the night with. My family. Tumingin ako kay Alejo. Asking why.

"I invited them, I'll explain it to you later. Go on, salubungin mo na sila." he smiled to me.

Wala na akong sinayang na oras at dahan dahan akong naglakad papunta sa kanila.

"Princess." Ani Papa

My eyes tearing. "P-pa.." I stopped from walking.

Ibinuka niya ang mga braso niya. Hindi na ako nag aksaya ng oras at tumakbo na ako agad papunta sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Papa.." I murmured. "I'm sorry po."

"Hush.. you don't have to be sorry.." he kissed my head. "I am sorry, Nieves."

Ngiti ang isinukli ko sakaniya habang patuloy ang pag agos ng luha ko. Pag ubo ng mahina mula sa likuran ni papa ang nagpatigil sa amin. It was them, Añonuevos. Lahat ay narito. Even Islana.

Nagkatitigan lamang kami. Kita mo ang pagbabago sa itsura ng dalaga. Pinaghalong kaba at lungkot ang nararamdaman ko. Mula sa likuran ni Islana ay may huwamak sa beywang niya na lalaki, buhat rin nito sa kaliwang kamay niya ang isang batang lalaki. Matipunong lalaki, he was the resemblance of Alejo. Kung pagsasamahin mo sila ay aakalain mo na iisa lang talaga sila. Ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng mga mata nila.

Tinignan ko si Alejo ngumiti lang siya sa akin habang pangko pangko ang anak namin.

"N-nieves.." untag ni Islana sa akin.

"Islana." I smiled at her

Mabilis na binura naming dalawa ang distansya ng isa't isa at nagyakap. It was a long hug. Pagkatapos ng yakapan namin ay sabay kaming tumawa at pinunasan ang luha ng isa't isa.

"You're still a cry baby." She said.

"I missed you." I cried and hugged her more.

"I missed you too my favorite cousin.. I am so sorry."

"Mom.." Maliit na boses mula sa mga anak namin ni Islana.

"Oh- hey baby.. Theodore come here." Islana said.

Ganoon rin ang ginawa ko inakay ko si Talya at binuhat para ipakilala ang mga dapat niyang makilala. Hindi ko kayang ipagkait sa kaniya ng matagal na panahon ang pamilya na dapat ay kasama niya sa pagdadalaga.

"She's your tita Nieves."

"Tita Nieves? the woman in the painting at Contreras Heritage?" He asked curiously and looked at me. "You're so pretty po." he touches my cheeks

"Thank you so much Theo, this is your cousin, Talya."

Inubos namin ang buong magdamag na nagsasaya habang ang lahat ay busy rin sa pakikipag laro sa mga bata. The moment that they knew was need to be filled, they all fill in that night. I can really see how they filled our home with love and senses. At hindi pa nga kami nagkasyang lahat sa loob ng bahay dahil hindi namin iyon singlaki ng mga nakasanayan namin. Ang iba ay nagsipuntahan na lang sa hotel para doon magsitulog.

"Thank you so much." Naupo ako sa tabi niya ng mamataan siyang nag iisa.

Ang totoo ay kanina ko pa siya hinahanap para magpasalamat.

"Anything for you." He looked at me. "Merry Christmas, my Nieves."

I'm teary and smiling. "Merry Christmas Alejandro."

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now