Chapter 26

5 0 0
                                    

"Euan." Nakangiting tawag ko sa binata. "Ngayon ang oras ng out mo?"

Agad na tumango ito at yumakap sa akin. Ilang taon na rin mula nung umalis kami. It's funny no one really came here to find me. Well, I have nothing to do with them. Matagal ko ng iwinaglit sa isip ko ang iniwang pangyayari sa Casa Buena.

Niloko ako ng pamilya ko. Sapat na ang rason na iyon para iwan ko sila. I blocked them too on my social media account. Wala na akong kahit na ano pang interes sa kanila.

"Yes, napaaga ba ang dalaw ko?" ani ng binata

"Hindi naman, hinihintay ka na rin ni Natalia."masayang saad ko

"Where's the little princess?" he asked.

Agad na hinila ko si Euan tungo sa kwarto ni Natalia, she's been playing with her toys all day. Kapag naman sa hapon ay iyon ang bonding namin mag ina, namamalagi kami sa terrace para mag pinta.

Minabuting katok muna ang ginawa ko bago buksan ang pintuan ng kwarto niya.

"Baby? uncle Euan is here."

May halong gulat at ligaya ang nagmarka sa mukha ng aking anak. They have a great relationship, like a father and daughter relationship. Hindi ako iniwan ni Euan noong panahon na walang nag atubiling puntahan ako at kumustahin.

Nakaalis na rin ako sa noon bago ko pa malaman na nagdadalang tao na ako. I almost hit myself that day, sa kagagahan ay muntikan akong makunan dahil sa hindi kaalaman sa sariling kalagayan, napabayaan ko na pala ang sarili ko. Kung siguro ay hindi nangyari na nabubay si Natalia, siguro ay talagang papabayaan ko na ang sarili ko.

"Uncle!" Giliw na yumapos ang anak ko kay Euan, agad ay pinangko ng binata ang anak ko.

"Hey little princess, how's your day?"

"Hmm, my day's pretty fine uncle." Bungisngis na saad niya. "Do I have pasalubong?"

"Anak, hindi ba at sabi ko huwag lagi—."

Hindi na ako pinatapos ni Euan.

"Hayaan mo na."

"Hay nako! Kaya nasasanay eh." I tsked.

He just chuckled at me, ginaya naman siya ni Natalia na ikinatuwa ko rin.

"Syempre naman may pasalubong sayo si uncle, nasa sala."

Pinagmasdan ko ang dalawa habang masaya silang tumungo sa sala. Malaki ang pasasalamat ko kay Euan dahil kahit na hirap na hirap ako noon sa pagbubuntis kay Natalia ay nariyan siya. Naalala ko rin noon kung papaano siya nahirapan na hanapin ang mga kinahiligan ko.

Naupo ako sa sofa paharap sa dalawa. Euan maintained this situation, walang palya ang pag bibigay niya ng atensyon kay Natalia, he made sure my daughter won't feel abandoned by a father. He made sure to fill in whatever it is that Alejo failed give our daughter, love.

"Mom look! another stuffed toys!" masayang sabi niya "They look cute right po?"

"They are pretty." pag sang ayon ko

Ngunit ay may dumaan rin na kalungkutan sa mukha ng anak ko.

"Si daddy po ba kailan ako bibisitahin?" she asked.

Anim na taon na si Natalia, ngunit kahit sa itinagal namin rito na kami lang magkasama ay hindi ko rin itinago dito ang tunay na katauhan ng ama niya. Ang itago siya ay tama na bilang kasalanan, wala rin naman akong balak na ipakita siya sa kahit na sino sa pamilya ko at kay Alejo, kaya nagdesisyon ako na sabihin lahat sa anak ko.

"O-of course baby... you know naman diba?" tumingin ako kay Euan at muli ay ibinalik ang tingin sa anak ko. "He's just busy, nag iipon rin si daddy ng maraming maraming stuffed toys para saiyo." pagsisinungaling ko

"Really? he's making ipon of so much stuffed toys for me?" may konting ngiti siya sa mga labi pagkasabi non.

I nodded. "Yes baby, so don't be sad okay?"

"Hmm.." he nodded and smiled. "Okay mommy I'm just gonna wait for daddy."

Mas masakit at mas mahirap ang araw araw na pagsisinungaling ko sa sarili kong anak kaysa ang naging pagbubuntis ko at kaysa ang dinanas ko mula sa ibang tao. They made me miserable that I had forgotten to take care of myself.

Si Natalia lang ang magandang nangyari sa buhay ko. Naalala ko pa din kung gaano ako pinahirapan ng batang ito kahit noong nasa sinapupunan ko pa lang siya.

"Euan dito ka na mag hapunan."

Iniaayos ko na ang mga pinggan ng marinig ko ang yapak ng binata kaya minabuti kong sabihan ito na dito na mag hapunan.

"I know you're tired from your work and yet you still find a way to come here and visit Natalia, kaya hindi pwedeng aalis kang walang kain." paalala ko

I saw a ghost smile on his lips.

"Hindi lang naman si Natalia ang madalas kong binibisita."

"Salamat." ngiti ang isinukli ko rito

"Adler is asking me to give you this."

He handed me an envelope, kinuha ko iyon. Sa pamilya ay walang kahit na sino ang nakakakuha ng lakas ng loob na kausapin ako kung hindi si Kuya. At siya lang rin ang pinag bigya. He doesn't have any idea what happened back then kaya para sakaniya lang ang natitira pang tiwala ko.

Si papa at lola naman ay nagpupumilit na mapuntahan ako, lagi daw nitong kinukulit si kuya para makausap ako, ngunit ay ako lang talaga ang may ayaw. Hindi pa ngayon. At hindi ko alam kung kailan.

Binuksan ko ang envelope, at naglalaman iyon ng mga litrato ng mga Añonuevo. Hindi ko maitatanggi na kung minsan ay iniisip ko sila, kung aalagaan rin ba nila ako kagaya kung papano nila inalagaan si Islana nung nabuntis siya?

Iniisip ko kung mamahalin rin ba nila si Natalia kagaya ng kay Islana? Kagaya ng ipinakikita sa litrato, na magiging masaya rin ba sila sa birthday ni Natalia kagaya sa anak ni Islana? Kagaya noon na kung sa binyag ba ng anak ko ay kumpleto sila?

Tutulungan rin ba nila ako na paghandaan ang nalalapit na kaarawan ng anak ko? Tutulungan ba nila ako na pumili ng mga putaheng ihahanda ko?

Ang huling litrato ang nagpatigil sa akin.

Litrato iyon ng lalaking pinaka pinagkatiwalaan ko.

Nakangiti at mukhang maayos ito.

Ganiyan ka rin kaya kasaya kung nalaman mong may anak tayo?

Ipinasok ko na muli ang mga litrato sa envelope at hinarap si Euan.

"Tell him thank you."

"Will do."

"Salamat... halika na tawagin ko lang si Natalia ng makakain na tayo."

"Ako na, ikaw na riyan." sabi nito at tumalikod na

Nakangiti ako sa bulto nitong nakatalikod.

Isinalin ko na sa pinggan ang ulam namin at kasunod ay ang kanin. Sakto naman na pagkalapag ko non ay nakabalik na si Euan pangko ang anak ko.

"Yey! It's a sinigang!" ani Natalia

"Is that your favorite baby?" I asked while stroking his hair

She nodded. "Yes! you might as well tikim tito Euan." Pag aalok nito sa binata

Masaya naman na kumain ang dalawa at habang tinitignan ko sila ay parang wala naman na akong dapat na hilingin pa. Lalo na si Natalia, kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako matuto. Sa gawaing bahay, sa pagluluto, at sa pagiging ina. She's just a child but she taught me things. She became my escape.

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now