Chapter 32

3 0 0
                                    

Sobrang bigat sa loob ko habang pinagmamasdan ang mag ama na nag papaalam sa isa't isa. Natalia's longing for his father is so strong that I couldn't bear the thought of how I could help her stop crying. Kahit pa mismo si Euan na kinalakihan niya ay walang magawa sa anak ko. We just watch her crying, begging to his father not to leave, again.

I'm scared that it may caused her to have separation anxiety.

"Please po, I want to spend more time with you papa." she pleaded.

Nilingon ako ng saglit ni Alejo. "I'm sorry baby, but we have to follow the order of your mom."

Tinignan ako ni Natalia ng may pagmamakaawa. "Please mommy? I will behave, I will be a good girl I promise."

"I-I'm sorry anak pero..."

"Mom, you told me once he comes back you won't let him leave us again, ano po bang kasalanan ni papa para paalisin nyo sya?"

Para hindi na magkaroon pa ng gulo siguro ay mabuting payagan ko ng makasama pa ng ilang araw ni Alejo si Natalia. And besides, we need to talk about Natalia.

I heard a soft gasped from Alejo. "Anak, ayos lang, you waited..." I heard pain in his voice. "6 years for me, kaya naman natin maghintay pa hanggang bukas hindi ba?"

Hindi kumibo ang anak namin. She is just listening to whatever his father is going to say.

"Babalikan ko kayo bukas." He smiled and wipes our daughters tears. "Dadalhin ko lahat ng laruan na gusto mo."

"It's okay, you can stay." Agap ko.

Sa gulat ng dalawa ay sabay pa itong lumingon sa akin at nagmamadaling niyakap ako. Sabay rin silang tumawa sa tuwa. I can clearly see how similar they are to each other.

"Thank you." he said.

"Thank you mommy!" hagikgik ni Natalia.

Boses ni Euan ang nagpatigil sa amin.

"Dinner's ready." he said in a masculine way.

Nakita ko ang pag igting ng panga ni Alejo, hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Euan. Sa akin lang nanatili ang mata niya, ngunit ay kita mo pa rin na iritable siyang nariyan lang sa paligid si Euan.

Ano naman ang ikakainis niya? Kami ba?

Nag unahan pa ang dalawa na pag buksan ako ng pintuan. Kaysa pansinin sila ay binuhat ko na lang si Natalia papasok sa bahay. Kahit nga mismo sa hapag ay nag uunahan rin ang dalawa na ipag hain ako, naunahan ni Euan si Alejo na magsandok kaya ng matapos ay naunahan naman siya ni Alejo na hatakin ang upuan para makaupo ako. I can see the tension between these two men.

Kala mo ay mga bata.

"Tabi na tayo, Nieves." ani Euan

Naunang hawakan ni Alejo ang silya sa gilid ko.

"Ako na, kami na magtatabi dun ka sa kabila."

"Ano? kami magtatabi, tagal mong nawala ngayon ka pa eeksena."

"Pakialam mo, nauna pa rin ako sakaniya ako pa rin panalo."

Matagal na nagtitigan ang dalawa bago muling nagsalita.

"Iniwan mo kaya ako nag alaga."

"Correction, iniwan ako."

"Kawawa ka naman—"

Mag tatalo pa sana ang dalawa sa kung sino ang uupo sa tabi ko ng si Natalia na mismo ang nagsalita.

"Papa, dito ka po sa tabi namin ni mama. Tito Euan, dito ka muna po sa kabila."

Ngiting malawak ang ibinalik ni Alejo kay Natalia at matapang na lumingon kay Euan bago naupo sa tabi ko.

"Kumain na kayo, para kayong mga bata."

Nahihiyang sabi ko, sa harapan pa talaga nina Nanay Ne mga nagtalo. Akala mo ay kung ano na lang ang pinagtatalunan.

"Nay masarap pa rin po kayo magluto hindi nagbabago." Ani ko.

"Ay naku hija, gusto pa nga akong pakialamanan ni Dolfo kung hindi ko lang talaga kinagalitan, talagang papangit ang lasa niyan."

Tumawa kami roon bilang sagot.

"Hindi namin lubos akalain na ikaw pala ang asawa ni Alejandro na nawawala." saad pa nito.

"Po?" gulat na tanong ko.

"Naku hija, maniwala ka, hinalughog na ata niya ang lahat ng pwedeng halughugin makita ka lang. Aba akala ko nga ay iiwan na niyan ang trabaho niya dahil mukhang puro ang paghahanap sayo na lang ang gusto nyang asikasuhin."

I heard him murmured about something that isn't so clear to me. Kaya nilingon ko ang katabi at pinagmasdan siyang mabuti. Hinanap mo ako ng ganoon katagal?

"May ipinatayo pa nga iyan na bagong bahay para raw sayo, dahil siya lang ang pinagkatiwalaan mo sa bagay na naroon sa loob mismo ng bahay nyo." Nagkibit balikat ang matanda. "Hindi nya kami pinapapasok dahil daw pribado iyon para sa yo."

Natapos ang hapunan namin na puro kwentuhan tungkol kay Alejo, gustong gusto naman iyon ni Natalia dahil sa sobrang kyuryosidad niya na buhay ng ama. She was inspired, and happy to hear all of their stories. She even said na gusto niya rin maging kagaya ng tatay niya, gusto niyang makita ang bahay namin na si Alejo lang ang nakakaalam kung anong bagay ang ayaw ko raw ipakita sa iba.

Magdamag na kinukulit ako ni Natalia tungkol doon.

"Hey." Alejo.

Nakaupo lamang ako rito ngayon sa terrace mag isa.

"Tulog na si Talya?"

"Yes." naupo siya sa tabi ko. "Naligpit ko na rin yung mga pinaglaruan namin kanina.

"Thank you." Muli ay sabi niya.

"Walang anuman."

"Nieves."

Magpupungay na mata ang tumambad sa akin pagkalingon sa kaniya.

"I missed you, so much." he held my hand. "I missed your hand, I missed looking at you so closely. I missed your voice, I missed you."

"Alejo."

"Ayokong mawala ka ulit sakin. We wasted six years for someone's lie. I cannot lose you again with that stupid reason."

I didn't say anything.

"Subukan natin, kung ayaw mo, ako na lang, susubukan ko ulit. Manliligaw ako, kahit ano gagawin ko. I can't to lose another day doing nothing after I found you."

"Pano natin susubukan? patago ba ulit?"  matabang na saad ko.

"No, hindi natin itatago. Kahit kailan hindi kita tinago, Nieves." he said in a husky voice. "This time I'll let everyone know about us. We're done hiding, we're done running. Please, please, just trust me."

He then hold my hand tightly, hawak na tipong maingat pero alam mong hindi ka bibitawan. I hate myself for letting everything slide and just think of where else can we run and enjoy the rest of times we were meant to fill. I hate that I am crying right now. Is it because of the ambiance? or the words that were coming out of his mouth? why am I enjoying this moment. It feels like I am disobeying myself. Disobeying but I am all ready take wherever it would take me.

But I can't let my thoughts take control over me. Maybe it was only my ego, speaking? Baka hindi ito ang totoong gusto ko. Baka nalulunod lang ako sa mga kagustuhang kung dati sana ay nanaisin ng dalagang si Nieves. Baka yung kakulangan lang ang pumipilit sakin na gustuhin pa ulit? Baka maling pagbigyan pa.

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now