Chapter 7

19 2 0
                                    

"Thank you so much Euan." laking pasalamat ang ibinigay ko rito dahil talagang maaga syang pumunta sa bahay para sunduin ako I didn't know what came up siguro ay talagang kinailangan nila ng extra to escort their guests later.

"No problem Nieves." he smiled

Bumaba na ako sa sasakyan kinawayan ko pa ito at nagpaalam bago sinara ang pinto.

Hindi ko na ito hinintay na magpaandar tumakbo na agad ako papasok sa Contreras Division of Engineers, the building was huge! As in huge!

Akala ko ay sa company lang nila papa ako makakapunta sa ganito kalaking kumpanya.

"Hello.." mahinang bungad ko sa secretary ni Alejo

"Hello, how can I help you?" she asked.

"Uhm.. I'm Nieves Felicita Añonuevo-" hindi na ako pinatapos nito

"Engr. Contreras has been expecting your presence today." nakataas ang kilay nitong nag agad saakin matapos may kung anong pinindot sa computer niya

Tumango na lang ako.. ngumiti naman ito bilang sagot. "Please follow me." agad ko naman itong sinundo ng tumayo ito at lumakad papunta sa main door office ng CEO

"Engr. Contreras... Ms. Añonuevo's here." narinig kong sambit ng dalaga

Pumasok lang ako ng magbigay sa akin ang secretary ng sign hudyat na pwepwedeng pumasok na ako. Once I entered the room I noticed the very good looking modern luxury design of his office, pinag halong black at dark chocolate brown ang kulay non. He even got a huge painting sa likurang bahagi ng upuan niya. Hindi rin nakatakas sa mata ko anh litrato nila ng girlfriend niya.

"Good morning ms.nieves." he says

"Uh.. good morning Alejo.. I mean mr.contreras." I gulped unang araw pa lang palpak na

He just chuckled.. "I will lead you to your office ms.nieves." agad itong tumayo at akmang lalapit na sa kung saan ako nakatayo

"Ha? bakit pa? I mean.. pwede naman si secretary mo. I don't want to disturb you mr.contreras." I said

Tumango ito.. "Hindi ka abala sa akin." nakangisi pa itong itinuro ang daan para malaman ang gawi ng lamesa ko... kaharap yung kaniya.

To my shock I almost shouted at him. "Bakit dito?!" I asked hindi sa nagrereklamo o ano pero bakit kailangang dito pa sa malapit sakaniya.

"Madame conradina won't let you work anywhere not unless you're with me." deretsyahang sagot niya

Hindi makapaniwalang napailing na lamang ako. "Pepwedeng sa labas na lang ako hindi na dito sa office mo, I won't tell lola." Nag promise sign pa ako

"Mas okay na rin na dito ka sa malapit sa akin."

Hindi ko ito pinayagan na manalo at talagang ipilit ang gusto ko, sinabi ko rin pwedeng sa katabing opisina nalang niya ako kung talagang nag aalala sila sa akin. Pumayag rin naman ang binata kalaunan, siguro ay naiintindihan nito ang gusto kong mangyari na matutong mag isa.

That's a relief..

"Goodluck to your first day ms.nieves." Iyon lang ang sinabi nito agad naman akong nagpasalamat

"Thank you Engr. Alejo" Nang makaalis ito mula sa harapan ko ay agad kong inilapag ang bag sa nakahandang upuan

Maayos na ang opisina na ibinigay sa akin ng binata, I wonder kung out of convenience rin bang dito niya ako pagtatrabahuhin dahil mas maganda rin ito kumpara sa kinatitirikan ng lamesa nung secretary niya.. Not that it wasn't look comfortable, lahat ng cubicle nila rito ay kaaya ayang tignan at tahimik rin, nakita ko rin kanina na nagprovide ito ng dim light siguro ay para na rin pag gusto ng kanyang employees ng payapa.. I mean, it helps, lalo na kung sa computer lang naman ikaw haharap, too much light won't help.

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now