Chapter 20

17 1 0
                                    

I was standing here outside her room... I didn't even know if she's here, basta ba ay gusto lang ako dalhin ng mga paa sa kaniya. I wanted to confront her about Alejo.

But how do I start? Una pa lamang ay may gusto na ito sa binata, I was the one who ruined that for her. Pero hindi iyon ang intensyon ko, I never wanted to hurt someone just because I wanted to taste the difference between love and romance. Wala rin akong inagaw sakaniya, if she likes him so bad, bakit hindi niya inamin right beforehand?

Oh right.

I choose to hide everything.

Kasalanan ko rin pala talaga hanggang sa huli. But I didn't expect it to turns out this way.

Oh geez, what am I even thinking! wala naman nagloloko Nieves you're just spoonfulling yourself into some wounded thoughts.

Kakatok na sana ako nang sakto naman ang pagbukas nito. Halata sa mukha ng dalaga ang gulat nang sa wakas ay mapagtanto kung sino ang nasa harap niya.

"Hi." bati ko

"Uh-hi."

Nginitian ko ito, I know what she's been through mukhang hindi pa rin sila okay nila lola. But I still wanna ask her something. "Kumusta ka? kumusta ang baby?" I asked after I lowered my gaze into her belly

Maliit pa iyon dahil bago pa lamang.

"Fine.. why what do you need?"

"I uhm.. I'm just curious with something."

"What is it?" she asked with a very cold tone.

"Who's.... w-who is the father of your baby?" I asked

Nagulat ito sa tanong ko. "Why do you care?!" ngayon ay halata na ang pagka iritable nito

"I am just worried."

"Worried about me? or worried about you."

Sunod sunod na iling ang iginawad ko dito. "No, I'm just—"

"He's someone.... you don't know." Sagot nito na binago ang tono malayo sa pagiging cold kanina lang. "Malapit na ang birthday ko... it's next week, I am inviting Alejandro."

I was shocked to what she just said, why is she saying this to me now?

"Sinasabi ko lang para sana iabot mo sakaniya itong invitation, you two are seemingly so close right?" saad nito saka inabot sa akin ang imbintasyon "Oh, also, okay lang rin if malimutan mo, I'm just gonna tell him myself." she said with a closed-mouthed smirk

Hindi ko alam kung totoong ngiti ba iyon o may iba pang gustong ipahiwatig sa akin. I've been like this for almost a month now, overthinking.

"Hey." gising ni Alejo sa sakin "Malalim yata ang nasa isip mo?"

I am here now at his office. "Hindi naman, iniisip ko lang kung anong susunod na ipe–paint ko." palusot ko

Inilipat ko ang paningin sa litrato na nasa lamesa niya, it's true akin nalamang ang naroon. Wala na ang kay alisha. I wonder where she is now? Hindi na ito madalas magparamdam. O wala lamang ako madalas dito sa opisina niya kaya hindi ko alam?

"Inalis yung kay Alisha?" I asked.

He parted his lips. "I just thought, it maybe uncomfortable for you kaya inalis ko." paliwanag nito

I just smiled at him as my answer. Muli ay naupo ako sa upuan niya at pinagmasdan ang litrato na naroon, it's so innocent and pure. Tila ba walang alam sa ganitong klase ng relasyon na puro lamang magagandang alaala ang gusto.

I jumped off a bit when I heard a knock on his door."That must be our lunch." ani Alejo bago sinalubong ang sekritarya at tinulungan itong ayusin ang pagkain namin sa visitors table.

"Thank you Ms. Sanchez."

"Is there anything else I could help you with Engineer?" she asked

Umiling ang binata at sumagot. "None, you may now leave and take your lunch."

Tumango ang dalaga at nagpaalam na.

"Come here." tinapik nito ang sofa senyales na pinapaupo niya ako.

Agad ko iyon sinunod at naupo sa tabi niya. "Ang rami naman niyan Alejandro!" reklamo ko.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mo kaya ipinadala ko iyan lahat." walang kwentang rason niya panigurado ay gusto lang talaga niyang kumain ako.

"Now eat." he said with full of authority

Sinunod ko naman iyon at agad na nagkwento dito. Kinakabahan pa ako habang kinekwento ang sitwasyon ni Islana, I don't intend to make an issue out of it, gusto lamang na may mapatunayan. Nag ingat na lamang ako sa pagkekwento at hindi sinabi na nabanggit sa away ang pangalan nito.

"It's their issue Nieves." he spat

"Hmm, eh sino kaya ang ama? sabi niya kasi hindi ko kilala eh.." tinignan ko ito. "But nararamdaman ko, I know him."

Hindi manlang ako nito tinapunan nang tingin bagkus ay sinubuan muli ng pagkain. "Ano ba yan! di ka naman nakikinig eh!" iritableng sabi ko

"What do you want me to say? ang mga ganiyang problema hindi na dapat natin dinadagdagan, let that issue end with our own ears." mahinahon na paliwanag nito

Hindi na ako kumibo roon at kumain na lamang, mukha namang wala akong makukuhang sagot rito. Ngunit agad rin sumagi sa isip ko na huling pagkakataon ay subukan pa.

"Alejo, kailan mo ako ipapakilala sa magulang mo?"

Hindi ito agad nakakibo at tinitigan lamang ako sa mukha. "What?" he was stunned "I mean, are you ready?"

Nagkibit balikat ako. "Oo naman."

"She's in The Contreras near BGC, doon muna nagsstay si mama sa village para mabantayan ang—." he stopped. "Anyway what about me? kailan mo ako ipapakilala kay tito Brett?" he asked

Hindi agad ako nabawi sa biglaang tanong na iyon, I wasn't prepared. Gusto ko lamang ito bilugin para mailabas ang usapan tungkol sa village nila, ng sa gayon ay maitanong ko kung sino lamang ang pepwedeng makapasok roon.

"I uh--"

He chuckled. "It's okay we won't rush things, pero kung talagang gusto mo na makilala si mama ay pwede naman..." sinubuan ako nito muli. "After you eat."


May kung anong init akong naramdaman sa tiyan paakyat sa dibdib ko.

Umubo ako nang marahan at humanap ng tyempo para magtanong. "Pwede ba ako roon? I mean, mahigpit raw eh may nakapag sabing exclusive masyado hindi makakapasok ang kung sino sino."

He looked at me with amusement. "Baby, you're my girlfriend hindi ka nila pwedeng papasukin. And your surname's pretty exclusive too."

Napatango ako roon, tama nga naman I shouldn't be doubting easily, nasasapawan lamang ng pagiging miserable ko ang nararamdaman ko. Malamang ay makakapasok si Islana doon dahil sa apelidong mayroon kami. Done with the drama, Nieves.

As Pure As The Driven SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon