Chapter 8

13 1 0
                                    


"Thank you Engr. Alejo." nakangiting pasalamat ko rito

He nodded. "No biggie ms. Nieves." he says

Hindi na ito nag abalang pumasok pa mismo sa loob ng hacienda. Mas mabuti na rin iyon para hindi na ito maabala pa, alam kong may naghihintay sakaniya.

"Pumasok kana sa loob, delikado rito." sinabi nito sa akin

"Mauna kana muna umalis, papasok ako after, mukhang may naghihintay rin sayo eh." sagot ko rito

"Naghihintay?" nagtatakang tanong nito

"Uh..yung girlfriend mo. Si alisha."

"Oh I don't do girlfriends." he chuckled

Hindi niya nobya si alisha?? but the pictures sa Instagram sa office niya. Why is it even there?

"Okay." iyon na lamang ang isinagot ko rito dahil sa hindi ko makapa ang sarili ko, i didn't know what to say.

"So you know my instagram acc-" i didn't let him finish

"Pasok na ako! ha ha... sa loob... late na una kana winewait kana rin siguro ni alisha." nakangiwing saad ko

He just chuckled and nod. "Alright, see you tomorrow nieves." Hindi talaga ito nagpatinag at hinintay pa akong makapasok muna sa hacienda bago umandar paalis

"DID he really?!" pangatlong tanong ni iyon ni isla sa akin

Naikwento ko kasi rito na si Engr.alejo ang naghatid sa akin pauwi at hindi na niya ako tinantanan ng tanong.

"Oo nga ang ingay mo!" hinampas ko ito ng suklay para manahimik ito

"Hindi manlang pumasok muna?" nakangising saad nito

Tinignan ko lamang ito ng may halong tanong ganoon ba talaga ito kainteresado kay alejo?

"You like him?" I asked.

"Yes.. slight." walang alinlangan itong sumagot

Buong gabi na nasa isip ko ang isinagot sa akin ni islana. She's really into Him, hindi naman na lugi dahil guwapo ito at matalino, masipag pa. To tell his story hindi pa ako gaano kapamilyar roon dahil wala akong lakas ng loob na magtanong. Pero halata naman sakaniya na sobrang talino at sipag niya, mabait pa.

I wonder, ano kaya ang mga tipo niya?

Siguro ay yung katulad ni islana, magaganda.

Okaya ni alisha, matangkad at singkit.

Pareho silang maganda!

Walang wala ako.

Omygoodness bakit iyon ang nasa isipan ko?

"Beh magandang umaga, pinagbibilin po ni madame na mag agahan muna kayo bago pumasok sa trabaho." nakangiting bati sa akin ni petra isa sa kasambahay namin

"Hindi na po baka malate pa ako nakakahiya naman sa amo ko." pag tanggi ko

"Ay naku beh, nandyan sa baba ang amo mo siguro ay sinusundo ka."

Napataas ang kilay ko roon at agad na tinungo ang sala namin kamuntikan pa akong madulas sa hagdanan. "Engineer.." sabi ko

"Good morning, nieves." he smiles

Nagtatakang napatingin ako pati na rin sa dala nitong donuts.

"Anong ginagawa mo rito?" i asked.

"Sinusundo ka...donuts?" alok nito sa akin

"No need... uhh okay thank you." nahihiya na tinggap ko iyon nakakahiya namang tumanggi hindi ba?

"Ma'am nakahanda na po ang agahan ninyo." ani ni petra tumango ako at nagpasalamat

"Tara mag agahan kana rin dito, masarap magluto si petra." nakangiting sabi ko

Hindi naman ito tumanggi at agad akong dinaluhan sa pagkain. Pinilit ko pa ang pinaka tahimik kong nguya.

"Tikman mo rin yung donut." he requested

Tumango ako at kumagat doon masarap iyon, hindi ko nga naitago sa itsura ko ang pagkagulat dahil napatigil ako sa pag nguya at nanlaki ang mga mata.

"I made them." he smiles halata ang pagkabilib sa sarili

"Wow... I mean, hindi ako nag eexpect na magaling ka pala sa ganito?" saad ko

Tumango ito pagkatapos punasan ang labi niya.

"My mom thought me how." he said

Napa oh nalang ako. "Kumusta pala ang mommy mo?" tanong ko

Mukhang nagulat ito sa bigla kong pagtatanong dahil nagtagal ang pagtingin nito sa akin

"She's fine."

"Good to hear that."

Nang matapos sa pagkain ay nagawa ko pang magpabalot kay lola inday ng mga natirang donut para baunin sa trabaho, minadali ko rin ang pag aayos sa sarili para hindi ito magtagal sa paghihintay sa akin, nakakahiya dahil isang araw palang ako ay late na.

"Good day po Ma'am, tanghalian po." inihanda ng binata ang iilang putahe sa lamesa ko bago ito umalis hindi man lang hinintay ang pagpapasalamat ko

May buttered shrimp at buffalo wings rin pati na rin tatlong cup ng kanin, really ganito sila kagalante?

Nag uumpisa na akong kumain nang marinig ko ang notification sa cellphone ko. I opened it at nakitang message iyon mula sa instagram.

alejos: Eat well.

Kamuntikan ko pang mabitawan ang hawak kong ulam dahil si alejo pala ang nag message sa akin.

Kabadong nagtipa ako ng irereply rito.

nevys: Thank you, ikaw rin kain kana.

I wonder kung paano nito nahanap ang account ko, at nagpalit rin ito ng surname?

alejos: *sent a photo*

picture iyon ng pagkain nito, kagaya ng sa akin, nakangiting kinuhanan ko rin ng litrato ang pagkain ko saka isinend sa binata.

alejos: Pansinin mo naman yung kanin.

nevys: Hindi kaya, marami masyado, diet ako eh.

Totoo na nagbabawas ako ng kain dahil na rin nagdadalaga na ako at gusto ko rin maging responsible sa katawan at pagkain ko.

Habang hindi pa ito nagrereply ay tinignan ko munang muli ang account nila, nag appear na sa akin na nanghihingi ito ng request to follow me kaya inaccept ko iyon at finollow back ang binata.

Wala ito masyadong picture puro lamang litrato ng paligid o di kaya ay building na itinayo niya. Isa lang rin ang litrato ng binata rito, iyon yung kasama niya si alisha.

Muli kong pinindot iyun at chineck ang nakatag, hindi ko naman rin makikita ang nakaposts sa account ni alisha dahil nakaprivate iyon.

Makalipas ang ilan pang minuto ng muli tumunog ang cellphone ko at natanggap ang message ni Alejandro sa akin.

alejos: alright, just, don't starve yourself. :)

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now