Chapter 22

22 2 1
                                    

Pabalik balik ako dito sa labas ng kompanya ni Alejo nagbabakasakali na lumabas siya, para magkausap kami. Well he didn't know that I am here ayoko na sana siyang abalahin pero gusto kong magkausap kami. He's been ignoring my calls for two days!

Ganoon na lang ba iyon?

Hindi naman ako ang may kasalanan sila ng bestfriend niya!

He's ignoring me, bakit naghiwalay na ba kami? God, I don't even know how this kind of relationship works.

Ang bulto ni Alejo ang pumukaw sa pansin ko. Nginitian ko ito at kinawayan ng mapansin nito ang presensiya ko. Nagpaalam ito sa kausap at agad na pumaroon sa pwesto ko.

"What are you doing here?" he asked.

"I want us to talk."

Kinunotan lamang ako nito ng noo. "Wala ka bang pasok? halika at ihahatid na kita sa ADC. "

Agad na nag init ang ulo ko sa sinabi niya. "You're ignoring me Alejandro, tapos ay ganiyan lang ang ibubungad mo sa akin?" natatawang hindi ako makapaniwala sa kaniya.

"I am not ignoring you."

Tinaasan ko ito ng kilay. "Okay eh ano yung ginagawa mo sa di pag sagot ng tawag ko huh?"

"Gusto kong makapag isip ka ng tama, ayokong dagdagan pa yung bigat ng looban mo." he looked at me intently

"Oh no Alejo mas pinabigat mo lang lalo!" singhal ko

"And clearly, you haven't seen your attitude, Nieves."

Kinagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang pagbugso ng galit ko.

"Tayo pa ba?" mahinang sabi ko sabay yuko ayokong makita niyang paiyak na ako

I just couldn't bare it. Sobrang sama na ng pakiramdam ko na para bang anytime ay sasabog ako sa sama ng loob. Pero pinipigilan ko dahil all this time I am the one who's doubting him, masyado akong okyupado sa isipin na niloloko niya ako at nadagdagan pa iyon ng kung ano anong naririnig kong balita.

I heard him sighed. "Look at me." He said in a very dominant way

Umiling ako dahil ayokong makita niya ang pagmumukha ko.

Napapitlag ako nang iangat niya ang mukha ko. "Kumain ka na ba?"

Umiling akong muli habang umiiyak. He smiled at me caressing my cheek.

"Hush now baby." he kissed the tip of my nose. "You want some ice cream?"

Nagdadalawang isip ako sa sinabi niya bago sumagot ay pinunasan ko muna ang luha ko.

"Saan tayo kakain?"

"Saan mo gusto?"

Matagal bago ako sumagot, ayoko talaga na idaan sa mabilisan ang magiging pag uusap namin kaya pipiliin ko na lamang na sa bahay niya kami mag usap. At least roon ay makakapag usap kami ng tahimik at maayos, malilinaw namin kung ano man ang naging dahilan ng pag aaway namin.

"Okay lang ba sa bahay mo?" I asked.

He looked so shock but then again he nod his head. "Of course." Saglit na umubo ito at inaya ako sa kung saan nakaparada ang sasakyan niya. I was preoccupied the whole time, pinagmamasdan ko lamang ang binata kapag nakakahinga na ako ng maluwang. He became very gentle whenever I am out of patience.

His forbearance towards our situation made me more fall for him.. deeply.

Nakakahiya na sa amin dalawa ay ako pa ang ganito kung umasta. I cried like I wasn't the one who yelled him out, and as if I wasn't doubtful.

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now