Chapter 34

7 0 0
                                    

Kulay asul na bikini ang napili kong suotin ngayon at pinatungan ko muna iyon ng bistida dahil malayo layo pa ang byahe namin bago makarating doon.

Kanina pa rin ako naghihintay na makauwi ang mag ama mula sa bayan. May iba pa kasing kulang sa mga dadalhin namin na pagkain kaya pumunta sila doon para bumili.

Nakailang minuto pa bago ko narinig ang sasakyan ni Alejo sa labas ng bahay namin. Kunot noo ang binungad ko sa kanila dahil nakita ko ang tumatakbong si Linda habang tinatawag ang pangalan ni Alejo. Ano na naman ang ginagawa niya rito?

"Alejo! Kanina pa ako narito sa labas pero wala ang sasakyan mo. Aalis kayo?"

He looked at me before answering. "Yes, family trip."

"Oh, pwede sumama?"

"No, my wife wants to have a family bond, privately."

Dismayadong tumango ang dalaga. "Oh. Okay."

Sawing umalis na rin agad ang dalaga dahil hindi na rin naman siya binigyang pansin ni Alejo.

He just smiled then stand next to me, inagaw niya ang bag na dala ko at inilagay iyon sa likuran ng sasakyan niya. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya muli ay bumalik siya sa pwesto ko at hinawakan ang bewang ko.

"Do we have problem?" he asked.

"What? No?"

"Really?" he sighed softly. "What is bothering you? hindi tayo aalis ng masama ang loob mo."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko na siya namang dahilan ng pagkabog ng dibdib ko.

"Wala nga, umalis na tayo baka mainip na si Talya."

Wala siyang nagawa ng ako na ang nag alis ng yakap niya sa akin. Naghadali akong umalis sa harapan niya at sumakay sa sasakyan niya. Wala namang problema, hindi ko lang nagustuhan ang araw araw na pag punta punta ni Linda sa amin dahil alam kong ang sadya nya lang ay si Alejo.

Minsan ay nagugulat na lang ako hinahandaan niya ng pagkain si Alejo kahit na nakikita nyang nanunuod ako.

"Natutulog si Talya." ani Alejo habang nagmamaneho.

"Hindi ka ba nagugutom?" he asked.

Hindi ako sumagot. I pressed my legs and crossed my arms. Sa buong byahe ay sa labas lamang ako ng sasakyan nakatingin. Iniiwasan kong magtama ang paningin ni Alejo.

Kumuha siya ng magkahiwalay na hotel. Ang isa ay para samin ni Talya at ang isa ay para naman sakaniya. I appreciate how he manage not to ask if he's allowed to sleep with us. Pakiramdam ko ay nirerespeto niya ang gusto ko.

"Talya huwag masyadong lalayo." Paalala ko.

Katatapos lang kasi nila lumangoy ng tatay niya pero si Talya ay mukhang hyper pa rin at di pa pagod maglaro. Kami na lang ngayon ni Alejo ang naiwan sa cottage para ayusin ang mga pinag kainan namin.

"Ako na diyan." kinuha ni Alejo ang plastic sa kamay ko pero inagaw ko iyon muli sa kaniya at ako na ang nagtapon sa basurahan.

Nararamdaman ko ang pag sunod ng tingin niya sa akin.

Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa gulat ko sa pag hawak niya sa braso ko at iniharap niya ako sa kaniya.

"May problema ba tayo? Nieves?" Maamong tanong niya. "Did I do something wrong?"

Umiling ako. "Wala, ano bang pinagsasabi mo riyan?"

He sighed. "Tell me, please?"

"Bitawan mo ako." pagbabanta ko.

"Mag uusap tayo." He said, dominantly. "Kung hindi mo sasabihin sa akin ang problema wala tayong maaayos. May nagawa ba ako?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ba ang kulit mo? si Linda na lang kulitin mo huwag ako."

Ang kaninang maamong mukha ni Alejo ay napalitan ng kung anong saya. Ano naman ang ikinatutuwa ng isang to?

"Jealous huh?" he said.

Nanuyo ang lalamunan sa katagang inilabas ng labi niya. Anong nagseselos? sino ako? bakit ako magseselos. Si Linda lang yon, si Nieves ako.

Iwinisik ko ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil sa iritang nararamdaman ko. Binitawan nga nya ako pero inilipat naman niya ang kamay sa bewang ko. He pressed me to himself, deeply.

"Anong selos pinagsasabi mo? pakialam ko kung magharutan kayo kada 10 am? paki ko kung ipaghain ka niya sa pamamahay natin? pakialam ko kung sunod sunuran sya sayo? anong pakialam ko Alejandro?"

"Still the same Nieves I ever loved." he murmured.

He narrowed his eyes and leaned forward to me.

"So that is why my baby is so grumpy, huh?" He insisted. "Nothing to be jealous about, My Nieves. I'm all yours. Sa loob ng pitong taon sayo pa rin naman ako."

Akala ko ay tatantanan na niya ako pero nakuha pa niyang magsalita muli at paniwalain akong ako pa rin ang mahal niya.

"Bagay kayo." sabi ko.

"Bagay tayo."

Tinignan ko siya sa sagot niya. Pigilan ko man ay hindi ko na maalis sa dibdib ko na may halong kaba akong nararamdaman sa lahat ng mga sinasabi niya.

Nakatakas ako sa yakap ni Alejo kaya kumaripas ako ng takbo at pinuntahan si Talya sa kung nasaan siya. Hinubad ko na rin ang suot ko na bestida para lumangoy. Hindi naman gano kalamig ang tubig kaya tama lang rin na nag swimsuit ako.

"Hey, iniwan mo ako mag isa." he pouted.

Hindi ko siya pinansin at lumangoy ako sa ibang parte naman palayo sakaniya. Ngunit ay nakasunod pa rin siya. Pinanuod ko si Talya na ngayon ay nasa cottage na namin at naghahanap ng kakainin. Pinalaki ko rin kasi na ganiyan si Talya, mabuti nang hindi siya parati hihingi ng tulong sa akin lalo na hindi naman namin nakasama ang papa niya.

Lumangoy ako papalayo pa ng konti roon, alam ko naman na hindi siya lalayo dahil pinagsabihan ko na siya kanina.

Kumabog ang dibdib ko ng may biglang pumulupot na braso bewang ko.

"Alejo!!"

"Iniiwasan mo ako."

"Hindi." pagtanggi ko.

Idinikit pa niya lalo ang sarili niya sa akin.

"Ikaw lang Nieves, ikaw lang." Pag papaalala niya sa akin.

"Hindi ko naman tinatanong."

He growled out of frustration. "God, I miss this side of you." he chuckled.

He leaned in and kissed the tip of my nose. Matagal na titig ang ibinigay niya sa akin.

"I love you."

Papalubog na ang araw. Kasiyahan at hiyawan mula sa ibang tao ang naririnig ng tenga ko. Kagaya nang puso at damdamin ko na parang humihiyaw sa mga salitang inilabas ng labi niya. Sa mga binibigkas niya. Parang gusto ko na lang lumubog sa tubig at tumakas dahil ano mang oras ay malulunod ako sa yakap at sa mga titig niya.

"It's okay, you don't have to say it back. Gusto ko lang isecure ang dapat talaga ay sa akin. Wala kang dapat na ikaselos, ikaw ang mahal ko." he said.

He gulped. "I'll understand if you love him despite of me needing you back. Gusto kong respetuhin ang gusto mo. But what can I do? It anger me whenever I see you near him, and whenever I saw him touching what is mine."

"Gustong gusto kita angkinin. Dahil una kang naging akin. And by judging your reaction right now, alam kong sa akin ka pa rin talaga." He kissed my nose.

"Magpapakasal tayo Nieves, sa kung kailan ka magiging handa, I won't force you but I'll make sure that I'll be the one who's gonna take you home."

"Sa akin kayo uuwi ng anak natin."

As Pure As The Driven SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon