Chapter 25

12 1 0
                                    

"Congratulations to Ms. Lozano!" Isa isang pumalakpak ang mga tao.

Ingay mula sa mga tugtugin ang pilit bumubuhay sa isip kong pilit umaahon sa pakiramdam na parang lunod na. He didn't show up. Kahit malate lang ay wala. Kahit text wala, tawag wala, isa rin sa katangahan ko ay ang umaasang baka kahit na sino pakisuyuan niyang kausapin ako, pero miski iyon ay bigo ako.

Lumalabo na sa paningin ko ang mga imahe nila kaya't minadali ko ang paglalakad paalis roon. Sabay sabay na tumulo ang luha ko habang inilalagay ko sa supot ang mga gamit ko.

Ang kapal ng mukha niyang paasahin ako!!

"Nieves.."

Hindi ko iyon pinansin at minadaling naglakad papunta sa likod para itapon lahat ng mga ginamit ko kanina. Kung sana ay ganito rin kadali itapon si Alejo... sana hindi ako nahihirapan. Sana noon palang hindi na ako pumayag na manligaw siya! Kasalanan ko rin. I put too much pressure on him. Did I? pero hindi ba ay siya ang nagpumilit na makapasok sa buhay ko? e' anong nangyayari ngayon?

Ganoon ba kahirap unahin yung sa akin? nasaan ba siya? anong pinagkakaabalahan niya? maiintindihan ko naman. Sana magsabi siya!

Isa isang pinagtatapon ko ang mga gamit ko habang umiiyak.

"Nieves.." boses at kamay ni papa ang nagpatigil sa akin

Humarap ako at mas lalo pang umiyak. "P-Papa..."

"My dear daughter." maamong pagkakasabi niya

Matulin na sinapo nito ang yakap ko.

"You did well, bunso." ani papa na mas lalo ko pang ikinahagulgol

He's really the only man I could ever trust. Whenever I am happy my father's here. Whenever I feel sad he made me laugh, he made sure not to made me feel lonely. Mula bata hanggang ngayon ay hindi niya ako pinababayaan mag isa.

"Hush now." ramdam ko ang pag higpit ng yakap niya sa akin na siyang halos nagpakalma sa akin.

Hindi ko alam kung papaanong natapos ang pag iyak ko ng mga oras na iyon. I was here at my father's car not knowing what to say, feel, and do. Hindi na rin nag tanong pa si papa. I think he knows, kahit sinong ama ay alam na ang dahilan ng pag iyak ng mga anak nila. He's no new to this kind of concept.

"Magbibihis lang po ako."

paalam ko ng sa wakas ay makapasok na kami sa hacienda hindi ko na napansin ang pang ilang tawag nila sa akin. Gusto ko lang sa mga oras na ito ay ang makapag isip at makausap si Alejo. I don't feel good, parang may kung anong mabigat sa akin na dapat kong iiyak kay Alejo. But how? nasaan ba siya?

I looked at my phone.

Nieves: Where are you?

Nieves: Please reply to me.

Nieves: I need you.

Nieves: Did you forget about the exhibit?

Nieves: I am already at the Arcane, please reply.

Nieves: Alejo.


Muli ay parang may sariling desisyon ang mga luha ko at sabay sabay silang nagsidaluyan sa pisngi ko. Did he betray me? Kung may rason naman ay iintindihin ko. Pero hindi yung ganito. Huwag ganito. I am so done with my doubtful phases. Nagtitiwala ako kaya aasa akong darating siya at magpapaliwanag sa harapan ko. He's a man with strong principles, he always made things easy to be pointed out for me. Siya parati ang nagpapaliwanag kapag may hindi malinaw sa akin.

Sigurado ako, he'll go here tonight, he'll explain to me everything, whatever his reasons are. Kahit ano pa iyon I am more than willing to hear them all out.

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now