Chapter 31

6 0 0
                                    

Malamig na tingin mula kay Euan ang ibinigay niya sa amin ni Alejo bago binuhat ang anak ko paalis sa kung nasaan kami ni Alejo. I asked him to entertain my daughter just for a while, dahil humiling sa akin si Alejo na mag usap kaming dalawa.

Mabuting pumayag na rin ako kaysa dalhin pa sa hapag ang magiging  pagtatalo namin.

"I looked everywhere-"

I cut him off. "We don't have to talk about that Alejo, kung si Natalia sige. Pero yung satin huwag na."

"Yes baby, we're gonna talk about our Natalia." He cupped my face. "And we're going to talk about us."

I bite my bottom lip. "No, ayoko."

I can't give him any more of my misery. Tama na ang unang pagkatalo namin. Hindi ko na kayang dagdagan pa yung sakit na dinulot niya sa akin. He wasn't married to my cousin, oo, pero ano? pag katapos non ay ano? anong mangyayari? we'll run back to each other just because we're mistaken?

"Please? please." he pleaded. "Pag uusapan natin lahat, hindi ko kaya yung ganito. Pagbigyan mo naman ako. Ayos na ang mawala sakin ang lahat huwag lang ikaw, at huwag rin pati ang anak natin."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko. I can't stand his touch, nanlalambot ako.

"Please. I must make amends for us. Alam ko hindi dahilan na hindi ko sinabi sayo, ginusto ko-"

"Alin ang ginusto mo? akala ko nagkamali kayo tapos ngayon ay ginusto mo?"

Umiling iling siya. "No, no, no. Ginusto kong itago ang kasalanan na hindi ako ang gumawa."

Mariin na ipinikit ko ang mga mata at pinipigilan ang luhang kanina pa nagbabadya.

"It was my twin brother."

Tinignan ko ito na parang hindi natutuwa sa mga pinagsasabi niya.

"Anong pinagsasabi mo?"

"It was him who got Islana pregnant, maniwala ka, hindi ako."

Ngayon ay umiiyak na ako sa nararamdamang galit, frustration, at pangungulila. Yung tagal na tiniis namin ng anak ko, ito na yung dahilan?

"I'm so sorry baby." Hinila ako nito palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.

Nakakagat labing hinayaan ko lamang siyang yakapin ako, kahit gano ko man itago at itanggi. Alam kong ni minsan ay hindi nawala sa isip ko si Alejo. Kung masaya ba siya o kung nagsisisi sa mga nangyari.

"I'm sorry, that night, I was late." he was talking about the exhibit. "Kasi pinigilan ako ni mama."

Pumiglas ako sa yakap niya ng maramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa mga braso ko.

"She locked me up, using all of her power just so she could amend all of her shortcomings to her lost son. Gusto niyang pag bigyan ko ang mga ginawa ng anak niya para rin sa sariling kapakanan niya, kahit pa ang maging sanhi non ay ang katapusan ng relasyon natin. She wanted me to help his son, na magpanggap hanggang hindi nagpapakita ang anak niya. I told her I would help, pero hindi sa paraan na gusto niya. Hahanapin ko ang kapatid ko pero hanggang doon lang iyon. Hindi na dapat umabot sa kasinungalingan. Ang ginawa ng kapatid ko, hindi ko gustong dagdagan. Lalo na kung ikaw ang nakataya.
Takot na takot akong magalit ka sakin kaya nagalit ako sa kaniya, sino bang gustong hindi tumupad sa pangako nila sa pinakamamahal nila?"

"Pero nung nakatakas ako, pumunta agad ako sayo. Nagkataon lang na si Islana ang unang nakakita sa akin. I was just about to tell you everything, pero hindi nangyari dahil dumating sila mama, at nakita mo kami na nag uusap, I was shocked, alam ko lalaki ako, pero totoong takot na takot sa pwedeng isipin mo sakin. I don't want you to think of me as someone who ought to hurt you, someone you regret giving your trust."

Ngayon ay para syang bata na umiiyak habang nag susumbong sa nanay.

"To tell you honestly, I love my mom, I'd give her everything I could. But not this, not us, not our relationship. Kaya kahit sobrang dismaya niya sa akin mas pinili pa rin kita."

"Hindi ako ang ama ng anak ni Islana, I would never do that you Nieves. Ikaw ang pakakasalan ko, kahit kailan hindi ko gagawin ang lokohin ka."

I just looked at him, matiim kong pinagmamasdan kung papano nanlalambot ang mga mata niya sa tuwing pinupunasan niya ang luhang kanina pa naglalandas sa mga pisngi niya. I never saw this side of him, neither any of his friends and relatives. Tanging ako lang. It's hard to accept that I feel special. Why am I feeling like this?

"Hey, please talk to me." he pleaded.

I just smiled. He sighed softly. Pinunasan ko ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya. Hindi ko alam kung papano na ang susunod na gagawin namin, hindi ko alam kung meron pa bang dapat subukan. Pwedeng ayusin pero ang bumalik? pati iyon ay dapat pa bang isali?

I was hurt, and to my surprise, he was hurt too. Mas nasaktan pa siya. Dahil sa tagal nang pagtatago ko at pagtapos ng relasyon namin. Nasaktan ako sa akala ko ay totoo. Ngunit si Alejo, nasaktan siya ng ganon katagal sa katotohanang siya lamang ang nag iisang nakakaalam.

He chose to hide his brother's wrongdoings just so he could help him change. And to protect me from hurting. Nasaktan kami sa kasinungalingan ng iba.

"I'm sorry you have to go through all of that." he said. "Pasensya sa sakit na idinulot ko sayo."

Doon ay natigilan ako. Dapat bang magpatawad ako? Dapat bang hindi? ano pa nga bang nanakit sa akin? ang kasinungalingan o ang pagtatago ko sa katotohanan?

I nodded.

I saw how shocked he is. "Baby... Nieves." I saw how desperate he is, his eagerness it's all visible.

"I missed you so much." He then lean on me and kissed my lips.

Natauhan ako sa nangyari, hindi dapat namin ito ginagawa. Totoong nasaktan kami ng nakaraan mula sa kasinungalingan ng iba, totoong pinapatawad ko siya. Pero hindi ko alam kung hanggang saan pa. Kung dapat bang subukan pa.

Ako ang pumutol sa halikan namin.

"Alejo, hindi, mali ka ng intindi. Pinapatawad ko na lahat, pero hindi kasama to. Hindi tayo, inayos natin yung gusot pero hindi ko alam kung dapat bang subukan pa."

"W-what do you mean?"

"Si Natalia, she needs a father." I gulped. "Pero ako, hindi ko gustong bumalik pa sayo. Kahit yung anak na lang natin."

As Pure As The Driven SnowWhere stories live. Discover now